Chapter 43 (Cyphus POV)
Agad nilamon ng kaba ang puso ko ng wala na akong ibang makita sa camera kung hindi itim.
"Yesica!"
"Babe!"
"Hala!Hala!Yesica!"tarantang sigaw ni Daimi
Parehas kami ni Daimi na natataranta at hindi mapakali kakatawag kay Yesica pero yabag lang ng mga paa ang naririnig namin at ang pagiyak ng mama nya.
"Mama puntahan natin si Yesica!"biglang sabi ni Daimi doon ako natauhan kaya agad akong tumayo.Sa sobrang taranta ko hindi ko na malaman kung anong pinagkukuha ko.
"Magkita tayo sa hospital,Tawagan nyo ko kapag may balita kayo."sabi ko bago pinatay ang laptop at tumakbo papunta sa pintuan ng kwarto ko.
Kumunot ang noo ko ng hindi bumukas ang pintuan ng kwarto ko.Kahit anong pihit ko sa doorknob hindi sya bumubukas na para bang nilock ito mula sa labas.
"Tita!"
"Tita open the door!"sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan ko.
Sinong walanghiya ang maglolock ng kwarto ko?
Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha yun.Sinagot ko agad iyon ng makita ko ang pangalan ni tita.
"Tita!Open the door i need-"
"Pupuntahan mo yung babaeng yun?"tanong nya."Kailangan ko syang puntahan-"
"Tsk,tsk,Hindi mo sya pupuntahan hijo.."kumunot ang noo ko.
"Tita please i don't have time for this shit!Just open this goddamn door!"inis na sigaw ko
Mas lalo akong nakaramdam ng inis ng tumawa sya."That's not gonna happen Cyphus,Stay away from that poor girl-"
"I said open this fucking door!"sigaw ko
Nanlilisik ang mata ko habang nakatingin sa pintuan.Iba iba ang nararamdaman ko.Galit,Kaba at pagaalala.
"Kailangan ko syang puntahan!Kailangan kong malaman kung saang hospital sya dinala!Buksan mo tong pinto tita.."sabi ko napasabunot ako sa buhok ko dahil sa sobrang frustrated na ako.
Gusto ko nang mapuntahan si Yesica pero pano ko magagawa yun kung hindi ako makakalabas dito?
"No,And that's final."
"No!Tita!Tita open the door!"pagmamakaawa ko pero pinatay nya ang tawag kaya inis kong tinapon ang cellphone kosa kama.
Sinuklay ko ang buhok pagtapos ay sinuntok ang pinto na para bang mababawasan ang inis ko doon.
"Tita open the door!!!"
Halos masira ko na ang pinto dahil sa paulit ulit kong pagsipa at suntok doon pero wala paring nangyayare.Tumakbo ako papunta sa bintana pero hindi rin ako makakadaan doon dahil sa grills.Hindi fan si tita ng balcony kaya lahat ng bintana dito ay may grills.
Ilang beses kong ginulo ang buhok ko dahil sa sobrang inis.Hindi ako mapakali dahil sa sobrang pagaalala at kaba.
Alam kong hindi sya ok dahil nang makita ko sya kanina kita ko sa mga mata nya ang pagod.At hindi lang iyon normal na pagod.
Gusto kong manatili sa tabi nya at alagaan sya pero gusto ko rin syang bigyan ng time para sa sarili nya na dapat hindi kona ginawa.
Alam kong malaki ang epekto sakanya ng pagkawala ni Niks gusto kong manatili sa tabi nya pero hindi ko magawa dahil sa mga bodyguard na laging sumunod saakin na tanging si tita lang ang sinusunod.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Fiksi RemajaAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...