chapter 25

30 3 0
                                    

Chapter 25(CYPHUS POV)

"Yesica anong ginagawa mo?"tanong ko habang nakatingin sa kamay nya na may hawak na  bote ng gamot.

Nagiwas sya ng tingin."Wala,Ichenecheck ko lang yung gamot kung expired na."sabi nya.

Meron na akong idea sa isip ko pero ayaw kong pagtuonan ng pansin yun.Lumapit ako sakanya at lumahod sa harap nya.Hinawakan ko ang kamay nya.

"Yesica,Babe open your hands.."malambing na sabi ko ang mga walang buhay nyang mata ay matiim na nakatitig saakin.

"Bakit nandito ka?"tanong nya hindi ko sya pinansin binuksan ko ang kamay nya at tinanggal ang nga gamot doon.Natigilan ako ng makita ang sugat sa pulso  nya.

Gulat akong tumingin sakanya  may mga luha sa mata nya ng magiwas sya ng tingin.Binalot ng kaba ang puso ko.

"Babe anong gagawin mo?Please tell me mali ang nasa isip ko."sabi ko may sumilay malungkot na ngiti sa labi nya.

"Tama yang nasa isip mo.Nasa pulso ko ang patunay."sabi nya na para bang maliit lang yun na bagay.

Parang may sumakal sa puso ko habang nakatingin sakanya.Walang reaksyon ang maganda nyang mukha pero patuloy sya sa pagluha.

Hinawakan ko ang pisngi nya at hinarap saakin.Pinunasan ko ang luha nya ramdam ko ang pangingilid ng luha ko pero wala na akong pake kung magmukha akong bakla.

Akala ko ok na..Birthday nya ngayon pero gusto nyang tapusin ang buhay nya.Ganun ba sya kalungkot?

Pumungay ang mata nya habang nakatingin saakin.

"Babe hindi mo naman itutuloy yun diba?You won't kill your self right?Hmm?"tanong ko hinaplos nya ang pisngi ko .

"Hindi lahat ng malakas walang kahinaan..Hindi lahat ng masaya ay walang pinagdadaanan..Hindi lahat ng tulad ko may dahilan pa para mabuhay."malungkot na sabi nya hinawakan ko ang kamay nya habang patuloy na umiiling.

"May dahilan ka!Marami kang dahilan so please..Be strong."pakiusap ko pero tinignan nya lang ako ng matalim at biglang tinulak.

"Pwede ba!Wag ka nang magkunyari!Gusto mo kong maging malakas?Dapat ba lagi akong malakas?Hindi ba pwede na...na maging mahina naman ako?"pumiyok ang boses nya pagtapos sabihin yun.

Lumapit ako sakanya para yakapin sya pilit syang kumakawala pero hindi ko sya hinayaan.

"No you can't do this babe,Please.."pinipilit nya akong itulak hanggang sa napagod nalang sya at tahimik na umiyak sa dibdib ko.Napapikit ako ng marinig ko ang hikbi nya.

"Cy ayaw kona ..Sge na hayaan mona ako...Please?"sunod sunod akong umiling

"Hindi ko hahayaang mangyari yun Babe..hmmm?Nandito ako,Kami nandito kaming lahat wag mong isipin na walang nagmamahal sayo..Kung hindi ka naniniwala please hayaan mong patunay ko ang sarili ko sayo..I love you Yesica please believe me."hindi sya umimik at patuloy lang sa pagiyak

Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko sya natulungan,Hindi ko nadadamay tuwing kailangan nya ng tulong.

Ilang oras ko pang pinatahan si Yesica hanggang sa kumalma sya.Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil hindi ko sya nabigyan ng sapat na atensyon.Ako dapat ang nagmamahal sakanya pero masyado akong busy.

She help me pursuing my dream tapos hindi ko sya matulungan sa problema nya.Napakawalang kwenta kong boyfriend.

Yah i consider my self as yesica's boyfriend.Ako lang nakakaalam nun alam ko rin namang doon kami papunta.

"Tara na?"yaya ko sakanya tumingin ako sakanya mugto ang mga mata nya dahil sa pagiyak.Lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa noo.

"Saan?"mahina ang boses na tanong nya.

"Puntahan natin si Niks?"nakita ko ang pagaliwalas ng mukha nya dahil sa sinabi ko.

She love niks...

And i love her too!

"Nasaan sya?"tanong nya."Nakila Daimi.Iniwan ko sya doon kasi gusto ka daw nya makita."pagdadahilan ko.

Tumitig sya saakin bago tumango.Alam kong nagdadalawang  isip sya tungkol sa pagkakaibigan nila ni Daimi.Pero gusto kong pagkatiwalaan nya kami.

Kasi mahal namin sya.Mas mahal ko nga lang sya.

Pagsakay namin sa motor nagulat pa ako ng bigla nya akong yakapin alam kong ginawa nya lang yun dahil pagod sya pero hindi ko maiwasang kiligin..

Pre si crush niyakap ako!

Pagdating namin kila Daimi hindi na mawala ang ngiti ko.Inalalayan ko syang bumaba hinalikan ko sya sa noo bago hinila papunta sa bahay nila Daimi.

"Anong nginingiti mo?"napangiti ako ng bumalik ang pagiging mataray nya.

Mas gusto kong ganun sya kaysa yung kanina na down na down.

Nang makarating kami sa pintuan binitawan ko ang kamay nya.Taka naman syang tumingin saakin pero ngiti lang ang sinagot ko sakanya.

"I hope you'll be happy."bulong ko sakanya kita ko ang pagtataka sakanya pero hindi na nya yun pinansin.

Nasa likod lang nya ako habang binubuksan ang pintuan at ng tuluyan nyang mabuksan ay syang pagbukas ng ilaw.

"HAPPY BIRTHDAY!"Sabay sabay na sigaw namin pumunta ako sa tabi ng sofa at kinuha ang bouquet doon.Niks and I were both holding bouquets of flower.

"Happy birthday to you~Happy birthday to you~Happy birthday..Happy birthday!Happy birthday Yesica!"sabay sabay na kanta namin.

Hindi namin makita ang mukha ni Yesica dahil nakayuko sya at natatakpan ng buhok nya ang mukha nya.

"Maligayang kaarawan Yesica hija!"

"Happy birthday sa kaibigan kong masungit!"

"Happy birthday sa babaeng gusto ko!"napuno ng kantyawan ang bahay pero hindi ako natutuwa.

"Happy birthday babe!I LOVE YOU!"nilakasan ko ang pagkakasabi ko para dama.

Babaeng gusto ko!Daming sinasabi eh akin na yan!

"Happy birthday ate Yesica."doon lang nag angat ng mukha si Yesica.Narinig ko ang pagsinghap nila dahil sa itsura ni Yesica puno ng luha ang mata at pisngi nya.

Pero nakangiti sya...

Ngayon ko lang nakita ang masayang emosyon sa mukha nya.At masaya akong kami ang dahilan nun.

Lumapit si Daimi dala ang cake umiiyak narin sya habang inaatay na magblow si Yesica.

"Sana...sana laging ganto..Sana laging may nagmamahal saakin at sana hindi nila ako iwan..thank you."sabi nya pumalakpak kami ng hipan nya ang kandila.

Agad kaming lumapit ni Niks sakanya.Inabot ni Niks ang bulaklak sakanya agad  naman syang niyakap ni Yesica.

"Thank you baby,I love you!"napasimangot ako dahil doon

Sya may i love you ako wala!Sarap ibato nung batang yun.

"Happy birthday babe!"bati ko tumingin sya saakin..

Ilang minuto kaming nagtitigan bago sya ngumiti at nilahad ang braso nya para sa isang yakap.

Agad ko naman syang sinugod ng yakap syempre may pasobrang kiss special ako eh.

"Thank you.."napangiti ako dahil sa lambing ng boses nya

"Wala bang i love you?"biro ko hinampas naman nya ako.

"Happy birthday too you!!!"sigaw ko kaya napahiwalay sya saakin natawa naman ako.

"Panira ka talaga ng mood!"inis na sigaw nya pero tumawa rin sya nakangiti lang ako habang nakatitig sakanya..

Smile babe don't cry

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon