Chapter 28
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Jeskel na bumaba sa isang kotse.Babatiin kona sana sya biglang may lumabas na babae mula sa kotse.
Napasinghap ako ng makitang yumakap sya kay Jeskel at humalik sa pisngi nya bago bumalik sa loob ng kotse.Tahimik lang ako habang nakatingin sakanila mahirap ng mangealam baka mali ang hinala ko ako pa ang mapapahiya.At alam kong mahal ni Jeskel si Daimi kaya may tiwala ako sakanya.
Kahit kasi hindi magsabi ang dalawang toh alam kong lately nagkakalabuan sila.Minsan nalang sila magkasama at magkita at nagtataka rin ako kay Daimi dahil maski saakin lumalayo sya at mas sinasamahan nya yung NEW friend nya na halata namang plastic.
Sana lang tama ang pagtitiwala ko sakanya.
Nagtama ang mga mata namin kita ko ang pagkagulat sa mata nya seryoso ako habang naglalakad papunta sakanya.
"Good morning Jeskel."seryosong sabi ko ngumiti sya ng maliit bago tumango.
Sabay kaming pumasok sa loob ng campus parehas kaming walang imik.Alam kong may kakaiba dahil masyado syang seryoso ngayon.Matagal naman na syang masungit pero nung naging sila ni Daimi kahit papaano naging palangiti at madaldal naman na rin sya.
Napahinto ako sa paglalakad ng makitang may nagkakagulo sa Quadrangle.Hindi ko makita kung sino ang nanaman ang binubully pero nakita ko si Beatrice.Handa na sana akong umalis ng makilala ko kung sino ang sinasabunutan ni Beatrice.Binalot agad ng galit ang puso ko dahil doon.
"Si Daimi ba yun!?"tumingin ako kay Jeskel nakakunot din ang noo nya habang nakatingin kay Daimi.
"Tara Jeskel!"tawag ko sakanya at derederetsong tumakbo papunta doon sa gitna.Wala na akong pake sa mga nasasangga ko basta tinutulak ko kung sino humaharang.
Nang makarating ako doon pinagtutulak ko lahat ng malapit kay Daimi hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Daimi at tinago sa likod ko.Bumaling ako kay Beatrice na bakas ang pagkagulat sa mukha.Nasa likod nya ang tatlo nyang alipores.
"Anong ginagawa nyo!?"sigaw ko kita ko ang pagatras nila.
Pinipigilan ko ang sarili ko sa sugurin at pagsasampalin sila dahil alam kong walang rin akong mapapala.Tinignan ko ng masama ang alipores ni Beatrice na umabante.
Tinaasan nya ako ng kilay."Masyado kasing feeling yan!Ngayon na hindi na kayo magkaibigan at wala na sila ni Jeskel wala ng magtatanggol sakanya!"Napasinghap ako ng bigla nyang paghablot sa buhok ni Daimi.
Sa sobrang gulat at galit dumeretso ang kamay ko sa pisngi nya dahilan para mapasubsob sya sa sahig.Humarap ako kay Daimi mas lalo akong nakaramdam ng galit ng makitang umiiyak at may sugat sya sa gilid ng labi gulo gulo rin ang buhok nya.
Tinalikuran ko sya at sinugod si Beatrice binigyan ko sila ng tigiisang sampal at tinodo kona lahat ng lakas ko.
"Kahit kailan man!Hinding hindi mabubuwag ang pagkakaibigan namin ni Daimi!Kahit kailan wala kayong karapatang saktan sya dahil kung hindi."tinignan ko sila isa isa."Lahat ng buhok na nandyan sa ulo nyo lahat mawawala yan pati yang ngipin nyo sinasabi ko sainyo never ng malalagyan yan ng brace isa pa!"banta ko.
Bumaling ako sa pinaggalingan ko kanina,Napasinghap ako ng makitang nandoon si Jeskel at nagmamasid lang.Bakit hindi sya sumunod?Hahayaan nya siDaimi?Nagulat ako ng bigla nalang sya umalis.
Inis akong bumaling kay Daimi at hinila sya paalis doon.Nakasalubong pa namin ang pinagpalit saakin ni Daimi kapwa sila nanonood lang.
"Mga walang kwentang kaibigan."sabi ko bago ko sila tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...