chapter 21

32 3 0
                                    

Chapter 21

"Yesica uuwi kana?"tanong ni Carl na katrabaho ko tumango naman ako.

Pagtapos nung nangyari sa bahay nila papa naisipan kong magtrabaho totaly titigil na sya sa pagpapadala dapat magtrabaho na ako.Ayaw kong galawin yung binigay nyang pera para kasing tinatanggap ko nang kakalimutan kona sya  bilang tatay ko at hindi ko kaya yun.

Nagtratrabaho ako bilang waitres sa isang restaurant tuwing weekends.Malaki naman ang pasahod kaya ok nang pagtyagaan at saka mas ok toh para iwas sa bahay at stress.

"Sabay na tayo?"tanong nya

"Bahala  ka kung sasabay ka,Basta ako uuwi na."sabi ko nailing naman sya sa sinabi ko

Sabay kaming lumabas nang lumabas pagtapos namin magpalit nang damit.Pagabi na at limitado na ang mga kumakain kanina pa ako nanditong umaga kaya pwede na akong umuwi.

"Gusto mong kumain?"tanong nya."Kung ililibre moko edi gusto ko."biro ko tumawa naman sya.

"Sge!"sabi nya natatawa akong tumingin sakanya."Nagbibiro lang ako!"sabi ko sumimangot naman sya.

"Hindi nga pwede!Kailangan nyong magbayad lola!Bawal ang awa dito!"sabay kaming napatingin ni Carl sa sumisigaw.

Nakita ko ang manager kong masungit na sinisigawan ang isang  matandang babae siguro nasa 70 palang sa likod nang matanda ay tatlong bata.Nanlake ang mata ko  nang makikilala yung isang bata

Sya yung bata na nagcomfort saakin umiiyak sya kasama ang ilang bata.

"Pasensya na po..Dito kasi gusto kumain nung bata kaya dito kami kumain maghuhugas nalang po ako nang pinggan."pakiusap nung matanda kumunot ang noo ko nang hampasin ng manager namin ang table dahilan para mas umiyak ang mga bata.

"Tara Yesica."yaya ni Carl pero nilampasan ko sya at dumeretso sa bata.

"Hi!Bata natatandaan moko?"tanong ko nagsquat ako sa harap nya

Unti unti syang tumigil sa pagiyak habang tinitignan nag mukha ko.Maya maya tumango sya.

"I-ikaw po si ate na umiiyak."sabi nya napangiti ako sa sinabi nya.Pinunasan ko ang luha sa pisngi nya.

"Don't cry na..Sabi mo saakin don't make them smile because of your tears tapos umiiyak ka."sabi ko ngumuso naman sya

Ang cute!

"Kawawa po kasi si lola..Pinilit ko lang po sya dito kasi favorate kopo ang pagkain dito."sabi nya nagulat ako ibig sabihin mayaman talaga  sya pero bakit pakalat kalat sya?

"Wag ka nang umiyak ako nang bahala ok?"sabi ko tumango naman sya

Tumayo ako at nagpunta sa manager ko na wala paring tigil sa kasisigaw sa matanda.

Makapagreact akala mo mayari..

"Excuse me ma'am.."sabi ko galit naman sya tumingin saakin

"Ano po bang nangyari?"tanong ko tinaasan ko nya ako nangkilay kahit gusto ko rin syang taasan nang kilay hindi pwede mawawalan ako ng trabaho.

"At bakit tutulungan mo si-"

"Opo,Kaya kung pwede po wag nyo na  pong sigawan si lola natatakot din yung mga bata."sabi ko inirapan nya ako bago umalis.

Ay attitude?Ganun na yun?Biglang aalis?

"Hija hindi mo naman dapat ginawa yun..Kaya ko naman maghugas nalang nang pinggan."humarap ako kay lola.

"Kaya ko rin pong bayaran,Sge na po lola babayaran kona  umuwi na po kayo."sabi ko pagtapos ay pumunta na ako kung saan magbabayad.

"Bakit mo ginawa yun?"tanong ni Carl paglabas  ko nang restaurant

"Good citizen kasi ako.Nagpapakabait ako para makuha na ako ni lord."sabi ko tumawa sya akala nya siguro nagbibiro ako.

Kadalasan kasi ngayon yung mga mababait ang namamatay kaya magpapakabait nalang ako.

"Ate.."napatingin ako sa likod ni Carl napangiti ako nang makita ko si Niks yung bata.

Lumapit ako sakanya at nagsquat sa harap nya.Palagay ko 5 or 6 years old palang sya.

"Thank you po ate!"napangiti ako sa sinabi hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo kaya natawa ako.

"Ang sweet naman!"sabi ko habang pinanggigigilan ko ang pisngi nya.

"Next time wag mong ipilit kapag hindi kaya ni lola ah?Hindi lahat pwede mong makuha isipin mo rin si lola."sabi ko tumango naman sya.

"Opo!Thank you po ulit!"sabi nya bago tumakbo papunta kay lola.Kumaway saakin si lola ganun din ang ginawa ko.

"Ang swerte siguro nang magiging anak mo."rinig kong sabi ni Carl sa tabi ko

Nakatingin parin ako kay Niks na naglalakad  palayo.

"Anong anak anak?"sabi ng isang masungit na boses sa likod ko.

Sabay kaming napalingon ni Carl.Nagulat ako nang makita ko si Cy na nakakunot ang noo habang nakatingin kay carl ang familiar na pagbilis ng tibok ng puso ay muli kong naramdaman.

"Cy!"tawag ko sakanya bumaling sya saakin pagtapos ay sumimangot.

"Sino toh?"tanong nya at walang pakundangan na tinuro si Carl.Tinapik ko ang kamay nya.

"Si carl katrabaho ko..Carl si Cy-"

"Boyfriend nya ako kaya umuwi kana!"napanganga ako sa sinabi ni Cy bakas  rin ang gulat sa mukha ni carl

"May boyfriend kana?"tanong ni Carl saakin sasagot na sana ako nang hapitin ni Cy ang bewang ko palapit sakanya.

"Boyfriend and after 1 year husband na nya."sabi ni Cy hindi ako nakaimik

Napakalawak naman ng imahinasyon nang lalaking toh..Kailan pa nya nakita ang future?

"Ahm sge mauna na ako Yesica mukhang may sundo kana eh."sabi ni Carl tumango naman ako.

"Oo meron at araw araw  na yan merong sundo kaya wag mo nang sabayan-ouch!"tinapak ko ang paa ni Cy nang tumalikod si Carl.

"Anong pinagsasabi mo?Asawa?Susunduin araw araw?Nakalog ba yang ulo mo?O nahampas ng mic?"inis na tanong ko pero ngumuso lang sya.

"May pa anak anak pa syang sinasabi,Akala mo naman papatulan sya."bulong nya.

HINATID ako ni Cy sa lagi nyang pinaghahatidan saakin.

"Sge umuwi kana!"sabi ko pero hinawakan nya ang kamay ko bago pa ako makalayo.

"Sino yun?"tanong nya

"Sino?"takang tanong ko."Tsk!Yung payatot na kasama mo kanina!"inis na sabi nya

"Wow!Macho ka?Payatot ka rin naman!Makalait toh!"natatawang sabi ko pero nakatitig lang sya saakin.

"I miss you."natigilan ako sa sinabi nya ang kamay nya ay umangat para hawakan ang pisngi ko.

"Ilang araw kitang hindi nakita at narealise kong...Hindi ko pala kayang malayo sa taong mahal ko."malambing ang boses nya habang sinasabi yun

Ang puso ko ay walang tigil sa pagwawala dahil sa sinasabi nya.Umiwas ako nang tingin dahil kahit masarap sa tenga ang mga sinasabi nya hindi ko pwedeng tanggapin.

Hindi kami pwede dahil madadamay at madadamay lang sya sa magulong buhay ko.Dapat manatili na sya sa masaya nyang buhay

"Hindi moko mahal,Baka nasanay ka lang sa presensya ko ka-"

Bumagsak ang kamay nya sa gilid nya ang malambing na tingin nya ay naging seryoso.

"Bakit lagi mong ginagawa yan?Hindi mo ba alam na nasasaktan ako tuwing ginagawa ko yan?"bakas sa boses nya ang sakit kaya napayuko ako.

"Hindi kasi pwede Cy."

"Wala akong paki sa pwede o hindi pwede.Yesica hindi ba pwede na hayaan mo nalang akong mahalin ka?Hindi mo na kailan pang saktan ako sa mga salita  mo."

"Just let me love you...please?"

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon