Chapter 37
Hindi ko sya kayang iwan...
Yan ang kanina pa pumapasok sa isip ko habang pauwi kami.Pwede syang umuwi sa ibang bansa at maging Ldr nalang kami.Kaya ko yun basta alam kong akin parin sya.
Pero sa kondisyon ko?Hindi ko alam gabi gabi umiiyak ako dahil sa boses na ayaw akong tantanan.Ang kirot sa puso ko ay masakit kaya kailan ko pang sugatan ang sarili ko para lang doon matuon ang atensyon ko.
Gabi gabi bumabalik sa isip ko lahat ng paghihirap ko para lang malampasan ang isang araw.Maski ako hindi ko alam kung matatagalan ko pa ito.Sya si Niks si Buddy at sila Daimi nalang ang dahilan ko para mabuhay.Para lumaban sa bwesit na buhay na ito.
Pero hindi ko kayang ikulong si Cy sa taong tulad ko na panay problema lang ang dala.Na walang kasiguraduhan sa buhay.
Ang tulad nya na sweet,caring, makulit,At gentleman na tulad nya ay hindi nababagay saakin.
Huminto ang kotse nya sa lugar na lagi nyang pinagbababa nya saakin.Hindi agad ako gumalaw.
Kahit konti pa please!Kahit konti pa..
"Hindi ito matatapos dito..Hindi kita iiwan mananatili ako-"
"Cy..."
"Tama na."sabi ko kinalas ko ang seatbelt at derederetsong lumabas ng kotse nya.
Handa na sana akong umalis ng humarang sya sa harap ko.Sinubukan kong lumihis ng daan pero humarang ulit sya.
"Cy."
"I love you.."nagangat ako ng tingin sakanya.Matiim syang nakatingin saakin gamit ang seryoso nyang tingin.
"I know.."sagot ko kumunot ang noo nya."Bakit moko iiwan?Kaya naman kitang alagaan-"
"Hayaan mona ako Cy,Magiging ok lang ako."
"How about me?Huh?Pano ako mahal ko?Hindi ko kaya..hindi ako magiging ok."napapikit ako para pigilan ang luha ko habang nagsasalita sya ramdam ko ang sakit doon.
"Hindi mo naman ako dapat alagaan Cy...Kaya ko ang sarili ko-"
"You're lying!Kahit gaano ka pa kasungit alam kong mahina ka,Kahit kaya mong itago ang emosyon mo sa iba saakin hindi!Alam kong hindi mo kaya.Kaya gusto kong manatili at alagaan ka!Bawal ba yun?"tanong nya hindi ako umimik at tumitig lang sakanya.
Nagiwas ako ng tingin."Hindi mo naman kailangang manatili."nakayukong sabi ko
Gusto ko syang manatili sa tabi ko.Alam ko sa sarili ko na nakadepende na ako sakanya.
"Pero gusto ko,Gusto ko kasama kita,Gusto kong alagaan ka habang buhay."hindi ako nagsalita lumapit ako sakanya at pinulupot ang braso ko sa bewang nya.
"Pano sila tita?Namimiss ka na nila..Gusto ka nilang makasama."Mahinang sabi ko naramdaman ko ang paghaplos nya sa buhok ko."Pwede naman akong dumalaw doon tapos uuwi ako dito tapos magkakasama ulit tayo.Gusto ko ganun pwede ba yun mahal?"malambing na sabi nya lumayo ako ng konti sakanya para tignan ang gwapo nyang mukha.
"Magiging makasarili ba ako kapag sinabi kong mas gusto kong manatili ka sa tabi ko?"tanong ko may sumilay na ngiti sa labi nya."No,its ok mahal ko."sabi nya ngumiti ako sakanya at muli syang niyakap ng mahigpit.
Kahit ngayon lang pwede bang piliin ko muna ang sarili ko?Kahit ngayon lang magiging makasarili muna ako.
PAGTAPOS ng klase sumama ako kay Daimi pauwi sakanila.Gusto kong makiovernight sakanila.
Ayaw kong manatili sa bahay at makita lang kung pano aalagaan ng husto ni mama si Bella.Minsan napapatanong nalang ako kung bakit hindi nya ako inalagaan gaya nun dati?
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...