chapter 56

28 3 0
                                    

Chapter 56

"I just want to say thank you hija.."

Gulat akong tumingin kay tita dahil sa sinabi nya."Po?Bakit..Bakit po kayo nagt-thank you?"nagtatakang tanong ko.

Kasi diba?Out of nowhere bigla nalang magt-thank saakin ang mommy ni Cy?Wala akong ginawa para makatanggap ng thank you..

Nakaupo kami dito sa garden nila.Bigla nalang nya akong hinila dito pagtapos namin kumain.Ayaw pa sana pumayag ni Cy kaso pinilit ng mama nya dahil girls talk daw namin.

Ngumiti sya pagtapos ay hinawakan ang kamay ko.

"Thank for coming back....I know your struggles when you are in college and nalulungkot ako dahil doon.As a child hindi mo dapat naranas lahat iyon."malungkot na sabi nya kaya umiwas ako ng tingin."Thankful ako kasi nalampasan mo lahat iyan.You're a brave and strong woman.And i'm sorry sa nagawa ng kapatid ko sayo."

Hindi ako nakaimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.Naramdaman ko nalang na parang gusto kong umiyak kaso ngayon mas narealise ko kung gaano ako kalakas para malampasan lahat iyon ng walang tumutulong saakin.

"Hush.."lumapit saakin si tita at niyakap ako."Umiiyak ka lang hija hanggang maging ok ka.Maraming taon ka nang nakikipaglaban sa problema,Panahon na siguro para maging masaya ka naman..."sabi nya

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may ibang ibig sabihin ang sinasabi nya.Humiwalay ako sakanya para magpunas ng luha naramdaman ko ang paghaplos nya sa buhok ko.

"Mommy!"

Sabay kaming napalingon ni Tita ng marinig namin ang boses ni Cy.Nakakunot ang noo nya habang naglalakad papalapit saamin...i mean saakin pala.

Lumuhod sya sa harap ko lalong nalukot ang mukha nya ng makita ang mukha ko.

"Mommy pinaiyak nyo nanaman sya!Kanina pa sya umiiyak eh!"sabi nya habang pinupunasan ang pisngi ko.Hinampas ko sya braso."Manahimik ka nga!Naguusap kami ni tita wala syang ginawa."sabi ko pero sumimangot lang sya.

"Oh my god hon ang cute nilang tignan!"sabay kaming napalingon kay tita na ngayon ay kasama na si tito.

"Yeah,Anak pagpahingahin mo na si Yesica mukha pagod na sya."sabi ni tito ngumiti naman ako sakanya na agad nyang binawian ng ngiti.

Walang imik akong hinila ni Cy paakyat sa second floor ng bahay nila.Pumasok kami sa isang kwarto na obvious naman na kwarto nya dahil panlalake ang gamit.

Huminto ang tingin ko sa side table nya ng makita ko ang litrato ko doon.

"Babe.."tumingin ako sakanya nakaindian sit sya sa kama nya.Tinapik nya ang pwesto sa tapat nya kaya umupo ako doon.

"Are you ok?"tanong nya habang hinaplos ang mukha ko.Dahan dahan akong tumango."Dapat ata hindi na kita dinala dito para hindi kana umiiyak eh."sabi nya napailing ako.

"Mas gumaan ang loob ko ng pumunta tayo dito...Kahit papaano sumaya ako dahil nakita ko ulit sila.."sabi ko bahagya syang ngumiti bago may inabot sa likod nya.

"Namiss kana ng anak natin."nanlake ang mata ko habang nakatingin sa hawak nya.

"Phus phus?pano..Pano napunta sayo toh?"tanong ko kinuha ko si Phusphus sakanya at tinitigan.

"Nung dumalaw ako sa bahay nyo bago pumunta sa ibang bansa inabot saakin ni bella si phus phus."sabi nya

Suminghot ako habang nakatingin kay phusphus.Naalala ko ung panahon na sakanya lang ako kumukuha ng lakas para lumaban.

"Sabi na iiyak kananaman eh!"tumingin ako sakanya kita ko ang pagpipigil din nya ng luha kaya natawa ako.

"Bakit umiiyak ka din?"tanong ko agad nyang pinunasan ang luha nya kaya mas natawa ako.

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon