Chapter 23
"Ang lawak talaga ng imahinasyon mo noh?"
"Bakit?Sinasabi ko lang naman kung ano yung nasa isip ko ah!"depensa nya
Umiwas ako ng tingin at tinignan nalang si Niks nakita kong nakatingin din saakin si Niks.
"Namumula ka ate Yesica!"sabi nya habang nakaturo saakin
Nanlake ang mata ko sa sinabi nya.Narinig ko ang pagtawa ni Cy kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya.
Walang hiyang bata toh!Ilaglag ba naman ako!
Teka..Bakit ba ako nahihiya?Imagination lang naman iyon ni Cy ah...Napaka ano Yesica!
"Inlove kasi saakin si Ate mo kaya sya kinililig."tumingin ako kay Cy nagtama ang mga mata namin may pilyong ngiti sya sa labi nya.
Inirapan ko sya para maitago ang pagkapahiya ko.Nilagay ko sa hita nya si Niks atsaka tumayo.
"Punta lang ako sa restroom."masungit na sabi ko at derederetsong umalis.
"I love you babe!"Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sigaw nya.
Punyeta ka Cy!
Dahan dahan kong hinawakan ang dibdib ko kung saan nakatapat ang puso ko.Bakit ba ang bilis mong tumibok?May sakit narin ba ako sa puso?
Napabuntong hininga ako kahit lokohin ko ang sarili ko alam kong ibang sakit toh.Hindi ko nga sure kung matatawag ba tong sakit.
Dahil alam kong ang pagtibok ng puso ko ay hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sakanya.
Kagat ko ang ibabang labi ko habang hinahanap ang banyo.
"Bakit kasi hindi mo tinanong eh!"inis na bulong ko.
Nang may makasalubong akong waitress saka lang ako nagtanong.Pagpasok ko walang ibang tao kung hindi ako siguro dahil masyado pang maaga.
Pagtapos kong umihi naghugas ako ng kamay sakto namang bumukas ang pinto.
Nagtama ang mata namin ng tita ni Cy.Nakataas ang kilay nya saakin at sumisigaw ang pagiging mataray nya.Napaiwas ako ng tingin at binaling nalang sa salamin para ayusin ang buhok ko.
Marunong akong gumalang pero minsan kapag hindi ko talaga close nahihiya akong bumati kaya mas pinipili ko nalang manahimik.Kapag ngumiti sila saka palang ako ngingiti.
Hindi sya pumasok sa isang cubicle dumeretso sya sa tabi ko at naghugas ng kamay.
"What's your name?"natigilan ako ng magsalita sya tumingin sya sa salamin kaya nakita nyang nakatingin ako sakanya.
"Y-yesica po..Yesica Austria."magalang na sagot ko tumango tango sya.
"Ikaw ba ang latest girlfriend ni Cyphus?"Mataray na tanong nya kumunot ang noo ko.
"Latest?"tanong ko hindi kona pinansin ang tono ng boses ko dahil sa nararamdamang inis.
Nagkibit balikat."Well every month iba ang pinapakilala nya."Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa kaya bahagya akong napaatras napangisi naman sya.
"Actually ikaw ang pinakawalang dating sakanilang lahat."sabi nya
Ang kanyang pagiging mataray na awra napalitan ng pagiging seryoso.
"Kahit hindi sabihin ng pamangkin ko alam kong seryoso sya sayo,Hindi naman sya tatagal sa isang tulad mo kung hindi."naikuyom ko ang palad ko para pigilan ang sarili kong sumagot.
Kahit hindi ko gusto ang tabas ng dila nya dapat ko parin syang irespeto kahit hindi nalang bilang isang tao kung hindi bilang tita ni Cy.
"May sasabihin papo ba kayo?"matigas na tanong ko
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Fiksi RemajaAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...