Chapter 16

34 3 0
                                    

CHAPTER 16

Nakatitig lang ako sakanya ang ngiti sa labi ko hindi mawala.Hanggang ngayon namamangha parin ako sakanya hindi ko akalain na ganun kaganda ang boses nya kapag nagseryoso syang kumanta.

Hindi parin sya makatingin saakin ng deretso pasulyap sulyap lang sya saakin pagtapos ay kakamot sa batok nya.

"Kanta kapa!!"Nakangiting sabi ko umiling sya kaya nawala ang ngiti ko."Bakit!Gusto ko pang marinig yung boses mo!"inis na sabi ko napasimangot ako ng ilapag nya ang gitara sa tabi nya.Bumaling sya sa dagat.

Tumitig ako sakanya hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero may nakikita akong lungkot sa mata nya.Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil sa nakikita kong lungkot sa mukha nya.

Hinawakan ko ang nagkabilang pisngi nya at hinarap saakin.Nagulat ako ng makita ang lungkot sa mata nya kahit na may bahid din ng gulat ang mukha nya hindi un dahilan para hindi ko makita ang lungkot nya.

"Bakit?"mahinang sabi ko hindi sya umimik at tahimik lang na nakatitig saakin.

Parang may kumirot sa puso ko nang mapagtanto ang dahilan ng pagkalungkot nya.May bad memories ba sya sa pagkanta?Ayaw nya pero pinilit ko sya kasi gusto kong marinig ang boses nya.Nasaktan ko sya dahil sa pansariling kagustuhan ko.

Ganun na ba ako kamanhid para hindi mapansin ang nararamdaman nya?Lagi nya akong pinapasaya pero hindi ko akalain na kailangan din pala nya ng taong makakapagpasaya sakanya.

Hinaplos ko ang pisngi nya pumikit naman sya."Sorry...I didn't mean to....Ahm sorry.."mahinang sabi ko nagmulat sya at ngumiti nainis ako kaya hinampas ko ng mahina ang bibig nya.

Malungkot na nga pinipilit pang magkunyaring masaya.

"Wag mong ipagpilitang ngumiti naiinis ako sayo!"nakakunot ang noo ko habang sinasabi yun  hindi sya umimik pero dahan dahan syang lumapit saakin naramdaman ko ang pagpulupot ang braso nya sa bewang ko.

Siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko ang mga braso ko ay niyakap ko sa leeg nya.Marami na syang bagay na ginawa para makalimutan ko ang problema kaya bakit hindi ko gawin ang simpleng bagay na ito.

"Alam mo namang malulungkot ka bakit kumanta kapa?Dapat sinabi mo na agad saakin!"Inis na sabi ko humigpit ang yakap nya saakin.

Naiinis ako hindi sakanya kung hindi sa sarili ko naging makasarili ako.Hindi ko man alam ang nakaraan nya sa pagkanta pero alam kong hindi maganda  yun dahil narin sa naging reaksyon nya ngayon.

"Kasalanan ko parin?"naramdaman ko ang pangiti nya sa leeg ko hinaplos ko ang likod nya.

"Sorry na siren."sabi ko napatingin ako sakanya ng lumayo sya saakin at bumalik sa pagkakaupo nya.Tinitigan ko sya napasimangot ako ng makita parin ang lungkot sa mata nya  naiinis ako gusto kong dukutin yung mata nya para burahin yung lungkot.

Kinuha nya ang kamay ko at pinaglaruan.Nakatingin sya sa kamay ko habang ako nakatitig sakanya.

"Nung bata ako gustong gusto kong kumanta.Yun ang pasttime ko ang pagkanta.Everytime i sad,Happy or nervous kumakanta lang ako para kumalma."pagkwekwento nya

"Bakit ngayon?Hindi na?"tanong ko ngumiti sya bago umiling."May nagsabi saakin dati na..Panget daw ang boses ko kaya dapat tumigil na ako sa pagkanta kasi naiirita sya.Nasaktan ako kaya simula nun hindi na ako kumanta kasi pakiramdam ko mapapangitan lang din yung ibang tao."nakaramdam ako ng inis sa taong nagsabi sakanya nun.

Pano nya nagawang manjudge ng isang bata?Hindi ba nya alam na malaki ang epekto nun sa isang tao.Ang laitin ang talento or hobby nya.

"Sino nagsabi nun?Sasabunutan ko!"inis na sabi ko tumingin sya saakin may sumilay na ngiti sa labi nya ng makita ang pagkakakunot ng noo ko.Lumapit sya saakin at hinaplos ang kilay ko.

"Si tita ko."natigilan ako ng marinig ang sinabi nya ."Naiinis daw sya tuwing naririnig nya ang boses ko kaya tumigil na ako sa pagkanta."

"Pero ang ganda ng boses mo.."Sabi ko umiling sya."I don't believe you."tinignan ko sya ng masama dahil sa sinabi nya.

"So sinasabi mong nagsisinungaling ako?!"walang emosyong sabi ko agad  naman syang umiling."Naririnig ko rin naman ang boses kay-"

"Magkaiba tayo ng naririnig Cy,"seryoso ko syang tinignan."Nasa isip mo kasi panget ang boses kaya pakiramdam mo panget talaga,Pero para saakin maganda ang boses mo.Kaya subukan mong sabihin na panget yang boses mo ilulunod talaga kita dyan sa dagat!"galit na sabi ko

"Sa tingin mo...Maganda boses ko?"nagaalangan na tanong nya agad naman akong tumango hinawakan ko ko ang magkabilang pisngi nya.

"I love your voice."nakangiting sabi ko unti unti sumilay ang ngiti sa labi nya hinila nya ako at kinulong sa yakap dahilan para mapasinghap ako.

"Mas lalo kitang nagustuhan ngayon!"natigilan ako sa sinabi nya nagiwas ako ng tingin ng humiwalay sya sa yakap at tumingin saakin.

Tumikhim ako."So...Ahmm nung bata ka wala kabang pangarap na iba?"tanong ko tumingin ako sakanya nahuli ko syang nakatitig saakin.

"Gusto kong magkaroon ng sariling bar-"

"Grabe bata ka palang alak na agad  nasa utak mo!?"Gulat na tanong ko tumawa naman sya pinitik nya ang noo ko bago nagsalita.

"Gusto kong magkaroon ng sarili bar para pwede akong magperform doon everytime na gusto ko."paliwanag nya tumango tango naman ako.

"Edi yan ang gagawin mo kapag nakagraduate kana?"tanong ko umiling sya kaya nagtaka ako.

"I told you..Wala akong tiwala sa boses ko."bumuntong hininga sya pagtapos sabihin yun.Sinuntok ko sya sa braso.

"Loko ka talaga noh!Dapat ipursue mo yang dream mo!Wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao.Lagi mong tandaan isang prangkang magandang babae na ang nagsabi sayo na maganda ang boses mo kaya  dapat maniwala ka!"sabi ko tumawa naman sya bago sumaludo.

"Mangako ka!Wag kang tumawa dyan!"sabi ko tinaas nya ang kanang kamay nya.

"Promise po!"Sabi nya tumango tango ako."Gusto ko kapag nagkita tayo sa future may pagaari ka nang bar ah!"sabi ko tumango naman sya.

"Mangako ka rin.."Kinuha nya ang kamay ko at tinaas un gaya ng kanya."Makangako kang sasamahan mo ko hanggang sa matupad ko yun,Mangako kang sasamahan mo kong matupad ang pangarap ko."ilang segundo kaming nagtitig bago ako ngumiti at tumango.

"Promise!Kahit lugi ako kasi dalawa yung saakin tapos isa lang yung promise mo."Sabi ko tumawa sya at kinurot ang pisngi ko nagnakaw pa sya ng halik sa pisngi ko pero hindi na ako nagsalita kahit kanina pa nagwawala ang puso ko.

Kinuha nya yung gitara nya at nagumpisang magstrum..Habang ako tahimik lang na nakamasid sakanya.

I hope someday matupad ko ang pangako ko sayo,Kasi ngayon hindi ako sigurado kong kakayanin ko bang samahan ka hanggang dulo.

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon