Chapter 36
"YESICA BABE MAHAL KO!"automatic na huminto ang mga paa ko ng marinig ko ang boses na yun.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na ngumiti ng maramdaman ko ang pagyakap nya saakin mula sa likod.
"Bakit nanaman ah?"Tanong ko humaba agad ang nguso nya tinanggal nya ang pagkakayakap nya saakin pagtapos ay hinawakan ang kamay ko.
"Diba tayo na?Bakit nagsusungit ka parin?"Nakangusong sabi nya pinitik ko ang nguso nya agad naman nyang tinakpan yun..
"Minahal mokong masungit kaya magtiis ka!"sabi ko bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa likod ng building.
He request another week at pinabigyan ko sya.Gusto ko rin syang kasama pa ng matagal kahit na alam kong mas masakit kapag natapos ang isang linggo na ito.
Pumayag din ako na maging kami bakit ko pa ipagkakait sakanya ang kasiyahang hinihinga nya kung sasaktan ko rin sya sa huli?
Napahinto ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Jeskel nakakapit sa braso nya yung malanding Fiance nya.Tinignan ko ng masama ung impokrita agad naman syang sumiksik kay Jeskel.
Nagangat ako ng tingin Jeskel agad naman syang iwas ng tingin.
Psh asshole!
"Puntahan na natin si Daimi ang alam ko magkikita sila ng nanliligaw sakanya eh."Malakas ang boses na sabi ko takang tumingin saakin si Cy kinindatan ko naman sya kaya agad nyang nagets.
"Yeah!Sabi nga ni roberto sinagot na sya ni Daimi eh!"Nanlake ang mata ko dahil sa binanggit nyang pangalan sabay kaming natawa wala talagang matinong pangalang maiisip tong lalakeng toh!
Pangalan pa ata ng lolo nya ang sinabi nya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa hallway kung saan ang daan papunta sa tambayan namin.
"Yesica!"napangisi ako ng marinig ko ang boses ni Jeskel.
Nagkatinginan kami ni Cy at sabay na tumingin sa likod.Naramdaman ko ang kamay ni Cy sa bewang ko.
Tinaasan ko ng kilay si Jeskel na ngayon ay naghahabol ng hininga dahil siguro sa paghabol saamin.
"Si Daimi-"
"Ayy oo totoo yun!Sa totoo lang boto ako kay Roberto balak ko ngang maging MC sa kasal nila sa future eh!"sabi ko kita ko kung paano dumaan ang galit sa mga mata nya.
"Bakit ka pala nandito?Icocongrats mo si Daimi?"tanong ko hindi sya umimik."Sge sasabihin ko nalang kay Daimi na-"
"No!"tumaas ang kilay ko kita ko ang pagigting ng panga nya.
"Why?Do you love her?Do you even love her?"tanong ko umiwas sya ng tingin kaya natawa ako."Wala kang kwenta.Don't worry sasabihin kong iinvite ka sa kasal nila mabait naman si Daimi sure gagawin nya-"
"I love her!"Tinignan ko sya ng masama bago lumapit sakanya.
"Too late my dear friend,Hindi mo nga sya kayang protektahan sa mga nambubully sakanya tapos mahal?"tumawa ako."Gago!"
Naramdaman ko ang paghawak ni Cy sa braso ko."Hindi ka nababagay kay Daimi.Handa sana akong tulungan ka ang kaso ni isa wala kang ginawa para kay Daimi."
"Ay meron pala!Sinaktan mo sya,At hindi lang isang beses.Mag focus ka sa sarili mo at hayaan mo na sya."sabi ko bago hinila si Cy paalis.
LUMIPAS ang mga araw at wala kaming ginawa ni Cy kung hindi ang sulitin ang bawat oras na magkasama kami.Minsan nagcucutting class kami para lang magkasama.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...