Chapter 12
"Wala kabang gagawin ngayon?Bakit ginugulo moko?"tanong ko kay Cy ng makarating kami sa motor nya.
"Marami kaya akong ginagawa pero tinapos kona kahapon kaya free na ako ngayon,Saka day off ko ngayon."sabi nya
"Day off?"tanong ko tumango naman sya."Yup!Sinabihan mo kasi akong tamad kaya nagtrabaho ako kay tita,Para hindi mona isipin na tamad ako!"Proud na sabi nya bahagya akong natawa sa sinabi nya.
Hindi ko akalain na marunong pala syang mahiya nagawa pa nyang magtrabaho ng dahil lang sa sinabi ko sakanya.Nawala ang ngiti sa labi ko dahil naalala ko yung tita nya.
Bakit kaya parang galit saakin yun?Wala naman akong masama o baka naman dahil sa damit ko.Kung kay Cy walang nagbago sa itsura nya kahit nakapambahay sya gwapo parin sya pero ako hindi ko sure.
Wait..Pinuri ko ba talaga tong tukmol na toh?
"Hey!"
Nanlake ang mata ko habang nakatingin kay Cy napakalaki ng ngiti nya.
"Hinalikan mo ba ang noo ko?"hindi makapaniwalang tanong ko sunod sunod naman syang tumango.
"Yeah,Nakatulala ka lang kasi kanina-Aww!"tinignan ko sya ng masama pagtapos ko syang suntukin sa braso.
"Wag ka ngang feeling close dyan!May pahalik halik kapag batuhin kita eh!"inis na sabi ko
Tumawa sya pagtapos ay inakbayan ako."Wag nang magalit ang babe ko,Dadalhin nalang kita sa lugar kung saan makikita ko ang ngiti mo!"sabi nya nakuha nya ang atensyon ko tumingin ako sakanya.
"Saan?"tanong ko pero nagkibit balikat lang sya."Surprise!"Kinindatan nya ako pagtapos nyang sabihin yun.
"Tara na siren gusto kong magrelax,Nasstress ako sa mukha mo eh."sabi ko
HINDI ko alam kung san ako dinala nitong tarantadong Cy na toh ilang oras din kaming nasa byahe napakatagal pa nyang magdrive ilang beses rin kaming huminto dahil napapagod daw sya.Inabot na kami ng tanghali hanggang sa abutan narin kami ng hapon dahil kung saan saan nya pa ako dinala.Sumakit na ang likod ko kaya sinandal ko ang ulo ko sa likod nya.
Hindi nagtagal huminto ang motor nya lumingon ako sa paligid.Napakatahimik ng paligid wala rin akong makitang ibang tao,Panay puno lang din ang nakikita ko sa kaliwang side haharap palang sana ako sa kanan ng takpan nya ang mata ko.
"Hoy!Punyeta ka anong ginagawa mo?Nasaan ba tayo balak mo pa ata akong gahasain eh!"inis na sabi ko pero tinawanan nya lang ako.
"Kung papayag ka edi-"tumigil sya ng sinipa ko sya pero yung kamay nya nasa mata ko parin
"Bakit ba may patakip takip kapang nalalaman?Dinala moko dito tapos ayaw mong ipakita saakin!May sapak ka talaga noh!"Reklamo ko inantay ko syang magsalita pero tahimik lang sya
"Hoy buhay kapa ba?"tanong ko.
"Wag ka nang magsalita kanina pa ako natetempt na halikan yang labi mo."naestatwa ako ng marinig ko ang boses nya sa kanang tainga ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko.Lalong nagwala ang puso ko ng maramdaman ang paglapit ng labi nya sa pisngi ko hindi ako nakapagsalita dahil sa labis na gulat.
"Kung hindi mo nagustohan ang ginawa ko,Hindi parin ako magsosorry dahil matagal ko narin namang gustong gawin yun."mahinang ang boses na sabi nya.
Kapwa mabigat ang paghinga namin dalawa.Kahit gusto ko syang sigawan walang lumalabas na salita sa bibig ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang kagatin ang ibabang labi ko.
Ilang minuto rin kaming natahimik bago nya binasag ang katahimikan.
"I bring you here couz i want to see your smile,So please just for these day..be happy hmm.."napakalambing ng boses nya naparabang gusto kong maiyak.
Dahan dahan nyang tinanggal ang kamay nya sa mata ko kaya unti unti kong nakita kung gaano kaganda ang tanawin sa harapan ko.
Puting buhangin,kulay orange na kalangitan na nagrereflect sa dagat.Tanging tunong lang ng huni ng ibon,hangin at alon ng tubig ang naririnig ko.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa dagat.Parang may humaplos sa puso ko dahil sa nakikita ko ngayon.I love sunset..i really really love sunset pangarap kong makakita ng ganto gusto kong pagmasdan ang paglubog ng araw kasama si mama at papa.Pero hindi ko magawa dahil wala akong alam na lugar at wala akong kasama.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na lumuluha habang nakangiting nakatingin sa magandang view sa harap ko.This is my childhood dream na gusto kong matupad kasama sila mama pero tumuntong na ako sa gantong edad pero hindi parin natutupad yun kaya sumuko na ako.At nangako sa sarili kong hindi na pupunta dito hangga't hindi ko kasama sila mama.
"I said i want to see your smile not your tears!Akala ko naman sasaya ka."naluluhang tumingin ako kay Cy nakapamulsa sya sa tabi ko habang matiim na nakatitig saakin.
Nilapitan ko sya at niyakap."T-thank you.."humikbi ako pagtapos kong sabihin yun ramdam ko ang paninigas ni Cy pero hindi nagtagal pumulupot sa bewang ko ang braso nya.
"Bakit umiiyak ka?Malungkot kaba?May nagawa ba ako?Oh sadyang naooverwhelmed ka lang kasi gwapo ang kasama mo ngayon?"umurong lahat ng luha ko dahil sa sinabi nya inis akong lumayo sakanya at pinunasan ang luha ko.
"Bwesit ka talaga!"inis na sabi ko tinignan ko sya ng masama pero hindi nagtagal nauwi yun sa tawa.
"Hala nabaliw na!Tatawag na ba ako sa mental o ilublob nalang kita sa dagat?"natatawang sabi nya inis ko naman syang sinipa.
"Asar ka!Nageemote ako dito eh!"inis na sabi ko pero tumawa lang sya naramdaman ko ang braso nya sa balikat ko pero hindi ko tinanggal yun.Hindi ko alam pero komportable ako nagangat ako ng tingin sakanya at nahuli ko syang natingin saakin.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba o malulungkot ako dahil nakita ko gantong side mo.Pero ang alam ko lang mas lalo kitang nagustuhan."nagiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
Tahimik lang kaming nakatingin sa harap hanggang sa sumalampak na ako sa buhanginan gumaya naman sya saakin.
"Alam mo bang childhood dream ko to..na never natupad."nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon nya.
"Hindi ko ineexpect na ikaw ang makakasama ko dito dahil tanging dalawang tao lang naman ang gusto kong makasama kapag nakapunta ako sa gantong lugar.Pero hindi pwede at never mangyayari ang childhood dream kong yun."
Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko ang kabataan ko yung mga panahon na hindi nagsisink in saakin na ayaw nila saakin.Na nabuo lang ako sa sandaling kasiyahan.Mga panahon na pilit kong binubuo ang pamilya ko na simula palang sira na.
"Pero hindi ko alam kung bakit.."tumingin ako sakanya
"Kung bakit masaya ako na ikaw ang kasama ko ngayon."
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...