Chapter 45
"Hey Ms.Secretary!"nagangat ako ng tingin nakita ko ang boss ko na nakadungaw sa desk ko.
"Oh bakit boss?Busy ako lumayas ka dito."sabi ko pagtapos ay binalik ang tingin sa ginagawa ko.
Narinig ko nag pagtawa nya."Yayayain lang kitang kumain,Lunch time na."sabi nya tumigil ako sa ginagawa ko at sumandal sa upuan ko.
Tumingin ako sakanya."Busy ako ikaw nalang kumain magisa."sabi ko
"Hindi mo manlang ba ako dadalhan ng pagkain sa office ko?"tanong nya
"Busy ako magutos ka nalang sa iba."Sabi ko muli syang tumawa."Ikaw lang talaga ang kilala kong Secretary na walang galang sa boss nya."Natatawang sabi nya inirapan ko sya
"Kung hindi moko naging secretary baka marami ka nang nabuntis,At lahat yun mga magiging secretary mo."sabi ko.
Si Sir Dylan ang naging dahilan kung bakit muli akong nakaahon.Kung hindi nya ako nakita nun at niyayang pagtrabaho dito sa kompanya baka natuluyan na ako.
Malandi sya at mabuti nalang hindi ako kasama sa mga nilalandi nya dahil kahit maghirap ako aalis talaga ako dito.
"Lumayas kana boss!Istorbo ka ang dami mo na ngang pinapagawa saakin!"inis na sabi ko ngumiti sya bago tumango.Binalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko.
"Ok fine,But wait may nagtatanong pala ng name mo kahapon pagtapos ng meeting."sabi nya hindi ako umimik dahil hindi naman na bago iyon.
"Oh Tapos?"bored na tanong ko kahit kailan napakatsismoso.
"Wala lang pero iba sya sa mga ibang nagtatanong ng pangalan mo.Kita ko sa mata nya ang gulat,pagasa ba yun?..ewan ko!"sabi nya hindi na ako umimik dahil mas importante ang ginagawa ko.
"Nagulat lang ako kasi pinsan ko sya,At ang sabi ni tita simula ng mamatay ang babaeng mahal nya nung college sila hindi na sya nagmahal ulit..Kaya weird.."kumunot ang noo ko dahil medyo nakuha nya ang atensyon ko..
"Anong pangalan?"tanong ko."My cousin Cy,"
"Cyphus Lim."napahinto ako sa pagsusulat dahil doon.Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na ilang taon ko nang hindi nararamdaman.
Bigla kong naalala ang nangyare kagabi sa bar kung saan ko pinuntahan si Boss.
Nakita ko sya kagabi...Pero tumakbo ako at hindi ko alam kung bakit ako tumakbo dahil siguro sa gulat at takot...
Gusto ko syang yakapin pero mas nangibabaw saakin ang takot.Takot na baka galit sya saakin at hindi na sya tulad ng dati.Pero ang pinagtataka ko ay yung kwintas na nahulog sa lapag may parang puti doon na natapon dahil nabasag ang pendant pero ang pinagtataka ko bakit nya tinawag na yesica un..
May nakilala ba syang ibang Yesica?O sadyang pinangalan nya saakin ang..BUHANGIN?
Kumunot ang noo ko dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip ko.Kung ano ano ang naiisip ko at halo halo ang nararamdaman ko at isa lang ang sure ko.
Hindi ko pa sya kayang makita at makausap.Si Cy at sila Daimi natatakot akong lumapit sakanila baka kasi galit sila dahil sa pagkawala ko.
Hindi ko naman ginusto mapunta dito sa manila eh.Sino namang may gusto na paglabas mo ng hospital nasa manila kana?
--------
PAGTAPOS ng oras ng trabaho ko dumeretso agad ako sa apartment ko at nagpalit ng damit pagkatapos ay muling lumabas.This is my daily routine.Papasok sa umaga at pagdating ng 4 pm uuwi na ako at maglalakad lakad at sa huli mauuwi rin ako kung nasaan sila.At tahimik silang binabantayan.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...