Chapter 24
"Hindi!Hindi!"
"AHHH!!"
Napabalingkwas ako ng bangon.Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paghahabol ng hininga.
Nightmare...
Napahilamos ako sa mukha ko sa pagkainis.Wala na akong maayos na tulog simula nung nakaraang linggo.Actually lagi naman akong binabangungot naging madalas lang ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras pero imbis na sa oras sa date ako napatingin.
November 20..
Ilang minuto akong nakatulala habang nakatingin lang sa date.Nakaramdam agad ako ng kalungkutan dahil sa araw na toh.
Unti unti nagangat ako ng tingin sa bagay na nasa side table ko.
Isang bote ng gamot...
Iniwas ko ang tingin ko at pilit na tumayo para pumasok sa banyo.Huminto ako sa tapat ng sink tumingin ako sa salamin.
Kitang kita ko kung gaano kalaki ang eyebag ko..Kung gaano kalaki ang ipinayat ko at ang mga mata kong kahit kailan hindi nagkaroon ng buhay.
Ang taong nakikita ko sa salamin ay walang iba kung hindi ang taong gusto kong patayin.Gusto ko ng tapusin lahat ng paghihirap nya.
Nakakaawa kasi sya kasi walang nagmamahal sa kanya.
May nakakaalala kaya ng birthday ko?May babati kaya saakin?Kung ano anong bagay ang pumasok sa isip ko pero ang lahat ng sagot ay hindi.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa sink ang tibok ng puso ko ay naguumpisa nanamang bumilis ang mga kamay ko ay naguumpisa narin manginig.Pumikit ako para makalmahin ang sarili ko pero hindi iyon ang nangyare.
Unti unti ibat ibang imahe ang nakikita ko mga mukha ng magulang ko ng masaya kasama ang mga pamilya nila.Parang nagflashback lahat ng mga nangyare saakin mula ng ipanganak ako.Mga panahon na may sakit ako pero ni isa walang gumagamot saakin.Ang masasakit na salita mga sampal at palo saakin ni mama.Ang mga mapanghusgang mata ng mata tao
Napasabunot ako sa sarili ko at sumigaw.Wala na akong pake kung marinig ako nila mama.Alam ko namang wala silang pake kahit magbigti ako dito.
Naiinis ako dahil sa sobrang panginginig ng kamay ko."BAKIT BA AYAW MONG TUMIGIL!!!HUMINTO KANA PLEASE!HUMINTO KA HUMINTO KA!!!!"sigaw ko pero kahit anong gawin ko patuloy parin sya sa panginginig
Mas lalong lumakas ang sigaw ko dahil sa patuloy na pagiisip ng mga nakaraan ko.Mga mata ng magulang ko na pagkainis lang at kailan man never kong nakitang tumingin saakin ng may magmamahal at pagaalala.
Mabigat ang bawat paghinga ko ng magmulat ako basang basa ang pisngi ko dahil sa walang tigil na pagluha ko.
Napatingin ako sa gunting na nasa tabi ng sink.Humigpit ang hawak ko sa sink.Pinipilit kong pigil ang sarili ko na wag makakita ng dugo.
"No!Yesica hindi pwede..."pagkausap ko sa sarili ko pero walang nangyare.
Dahan dahan kong inabot yun at nilapit saakin.Hindi ako tulad ng ibang taong depress na may dahilan para mabuhay dahil ako ni isa walamg dahilan.
Lahat sila niloloko lang ako sila Cy,Daimi at Jeskel lahat sila hindi totoo!Naawa lang sila saakin pero sa totoo ayaw din nila saakin.
Alam ko kapag nakatalikod ako ayaw din nila saakin kaso ganto ako.Walang patutunguhan ang sarili panget ang ugali..
"Walang nagmamahal sayo Yesica bakit kapa ba nabubuhay?"tanong ko sa sarili ko tumitig ako sa hawak kong gunting
Bakit ba tuwing dumadating ang araw na toh lagi nalang akong may nakikitang bagay na pwedeng pumatay saakin?Para bang sila na mismo ang gustong tapusin kona ang buhay ko.
Pinadaan ko ang daliri ko sa gunting dahilan para mahiwa yun.Napangisi ako ng may makitang dugo gusto ko lang maramdamang buhay pa ako.
Nakatitig lang ako sa daliri kong patuloy sa pagdugo.Iba iba ang emosyon na nararamdaman habang nakatingin sa daliri ko.
Pwede ko ng tapusin ngayon mismo pero natatakot din ako.Natatakot akong saktan ang sarili ko pero gusto ko ng mawala.
Dahan dahan nilapit ko ang tulis ng gunting sa pulso ko.
Konti lang promise...Hindi naman ako magpapakamatay ngayon eh.
Napapikit ako ng tuluyan kong masugatan ang pulso ko.Masakit pero hindi iyon maikokompara sa sakit na nararamdaman ko ngayong araw.
Naalis ang atensyon ko sa gunting ng marinig na tumunog ang cellphone ko.Binitawan ko ang gunting at walang buhay na lumabas ng banyo.
Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Daimi.Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko pero sa huli sinagot ko iyon.
"Yesica!Sawakas sinagot mo na rin!"tumaas ang kilay ko tinignan ko kung may misscall sya at nakita kong nasa higit sampo na.
"Bakit?"walang buhay na tanong ko hindi agad sya nakaimik."Y-yesica ayos ka lang ba?Bakit hindi ka pumasok?"maybahid ng pagaalala ang boses nya kaya nakaramdam ako ng inis.
Bakit ba ang plastic ng mga tao?Pwede naman nilang hayaan nalang ako magisa.
"Nagaalala kami,Hinahanap ka ni Cy kasi gusto ka daw makita ni niks."unti unting nawala ang pagkakawala ng kunot sa noo ko.
Si niks...
"S-si niks?"tanong ko."Oo,Nandito sya kanina pero naihatid na ni Cy..Bakit hindi ka pumasok?Birth-"
"Tinatamad ako,Bye na."sabi ko at binaba ang tawag.
Bumalik ako sa banyo at naligo pagtapos kong nagasikaso humiga ulit ako sa kama at doon nagcelebrate ng birthday ko.
Ala una ng hapon ng mapagdesisyunan kong tumayo at lumabas kinuha ko ang bagay na nasa side table ko at lumabas.
"Ate ok ka lang?"walang buhay kong tinignan si bella.Hindi ako umimik at derederetso lang na umalis.
"Hi buddy."bati ko sakanya agad naman syang lumapit saakin..
Tumahol sya."Binabati mo ba ako?"tanong ko bumahing ako kaya lumayo na ako sakanya.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta patuloy lang ako sa paglalakad.
"Happy birthday to you~Happy birthday to you~.."
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa isang bahay.Masaya silang nagdidiwang napakalaki ng ngiti ng batang babae na nasa gitna habang hinihipan ang candle nya.
Nagiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Bakit ako walang ganun?
Gusti ko rin nun eh...Gusto ko rin kantahan ako nila mama pero ayaw nila.Kahit cupcake nalang hindi na ganun kalaking cake...
Gusto ko lang naman ng pamilya bakit pinagdadamot nila saakin yun?Gusto ko lang ng yayakap saakin ng magmamahal saakin bakit wala akong ganun?
Nanghihina akong napaupo sa isang bench.Pinatong ko ang mukha ko sa palad ko at doon umiyak.Nagangat lang ako ng ulo ng hindi na ako makahinga.
Gusto kong mamatay pero hindi ko kaya kapag inaasthma ako...
Nilabas ko ang bote ng gamot na kinuha ko sa side table.Hindi ko pwede gawin toh sa bahay baka pagalitan pa ako ni mama kahit nakahandusay na ako.
Naglagay ako ng isang piraso sa kamay ko hanggang sa ilagay kona lahat.Nalaglag pa ang iba dahil sa panginginig ng kamay ko.
Handa ko na sanang ilagay sa bibig ko yun ng may tumawag saakin.
"YESICA!"nagulat ako ng makita ko si Cy na tumatakbo papunta saakin.
Kinuyom ko ang kamay ko para maitago ang gamot.
Pero bakit ko ginagawa toh?Ano bang pake nya kung mamatay ako?Ano bang kinakatakot ko kung makita nya akong magpakamatay?
"Yesica..Anong ginagawa mo?"
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...