Chapter 34
"A-anong nangyari?"
Gulat na tanong ni Dave pagdating nya napabuntong hininga ako.Bumaling ako kay Daimi na ngayon ay tahimik na nakaupo.
Bakas parin ang luha sa mga mata nya at natatakot ako baka kasi hindi nya kayanin toh.Pero alam kong malakas sya.
"Alagaan mo sya Dave dadalaw nalang ako para kamustahin sya.And please wag mong hahayaang lumapit si Jeskel sakanya."sabi ko kahit halata ang pagtataka sa mukha nya tumango lang sya.
"Mauuna na kami.Nagaalala narin si mama.."paalam nya tumango ako tumayo rin ako papunta kay Daimi.Lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ang pisngi nya.
"Magiging ok din ang lahat Daimi,nandito kaming lahat."sabi ko tumingin sya saakjn at pilit na ngumiti."Thank you and sorry Yesica kung nakaka-"
"No,mali yang nasa isip mo.Mahalaga ka saakin at pangako hindi kita iiwan."sabi ko kita ko ang pangingilid ng luha nya kaya hinila ko sya at niyakap.Napapikit ako dahil sa pangingilid din ng luha nasasaktan ako para sakanya.
Wala naman syang ginawa kung hindi ang magmahal.Pero hindi rin matatawag na pagibig yun kung walang kasamang sakt.
Hinatid namin sila hanggang sa makasakay sila.Napabuntong hininga ako dahil ngayon ramdam kona ang pagod sa ginawa ko kay Jeskel.
Gusto kong intindihin si Jeskel pero kahit anong mangyare kahit mamatay sya kay Daimi ako kakampi.Lalo't alam kong wala syang ginagawang masama."Psst!"napatingin ako kay Cy.Nakabukas ang dalawang braso nya habang nakaupo.Ngumuso ako at lumapit sakanya.Umupo ako sa gilid nya agad namang pumulupot ang braso nya saakin.Humilig ako sa dibdib nya at niyakap ang braso ko sa bewang nya.
"Pagod?"tanong nya walang imik naman akong tumango.Naramdaman ko ang paghaplos nya sa buhok ko kaya napapikit ako.
Ilang minuto rin kaming natahimik hindi sya umiimik at hinahayaan lang akong sumandal sakanya."Deserve naman nya ung ginawa ko sakanya diba?"tanong ko."Ofcourse,But next time hayaan mong ako ang gumawa nun...Ayaw kong may mangyaring masama sau ng dahil lang sakanila.Ok?"sabi nya tumango ako naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko.
"i love you.."kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko.Pumikit lang ako dahil kahit gusto kong sumagot hindi pwede.
Alam kong may nararamdaman na ako sakanya pero ayaw kong umasa sya sa feelings ko na walang kasiguraduhan.
"Hmm.."narinig ko ang pagtawa nya."Matutuwa na ba ako kasi hindi mo iniwasan ang pagamin ko sau?"natawa rin ako sa sinabi nya.
Muli kaming natahimik.Pumikit ako habang dinadama ang pakiramdam na nasa bisig nya.Ito ang unang beses na naging komportable ako sa isang tao.Dahil kahit minsan sa buhay ko hindi ko naranasan toh.Ang mahalin,alagaan at ingatan ng ibang tao.
At lahat yun kay Cy ko lang naranasan sakanya ko lang naranasan lahat ng masasayang pakiramdam.Kaya pano ko sya iiwan?Pano ko kakayanin kung pati sya mawawala saakin?
"Cy thank you.."sabi ko."W-why?"tanong nya napabuntong hininga ako dahil maski ako hindi ko rin alam kung bakit basta thankful lang ako na nandito sya.
"ewan basta thank u."Hindi sya sumagot pero humigpit ang yakap nya saakin.
"Babe ok lang naman tau diba?"Tanong nya bakas ang pagaalala sa tono nya.
"H-huh?"tanong ko
"Ahmm..Kasi Sila Daimi at Jeskel hindi sila ok..Im just worried about us.."nagangat ako ng tingin sakanya huminto sya sa pagsuklay sa buhok ko at tumingin saakin.Kita ko ang pagaalala sa mukha nya kaya hinawakan ko ang pisngi nya.Pumikit sya at sinandal ang pisngi sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Novela JuvenilAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...