CHAPTER 28 ...
NAPATINGIN ulit si Kelly sa relo niya .. 11:30 pm, still no Tythum? .. Lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya mula umaga hanggang ngayon. Galit paba ito?
Kelly heave a deep sigh ..
Kelly pinch his hands as she look up at the ceiling, her heart is in pain. Iniisip palang niya na hindi bumabalik si Tythum ng sampung oras, nangingilid at pinipiga na ang dibdib niya. Nasaktan niya ito pero kailangan ba niyang hintayin ito na parang naglilimos siya ng oras sa binata?. Kasalanan niya bakit nagdudusa ito, pero dapat bang iparamdam niya ang ganito? Halos hindi na siya kumain dahil baka sa pag-alis lang nito sa kwarto niya baka isang oras, dalawa o apat pa ang hihintayin ni Kelly.
Naninikip ang dibdib niya at sapalagay niya nag-iisa nalang siya .. Maybe leaving someone is painful but being nothing and treated unwanted is another kind of pain. Napapikit siya ng hindi man lang ito nag-aalala sa kaniya o tiningnan siya. Pag-gising niya wala na si Tythum. The worst part of waiting is not knowing whether you should wait or give up. Waiting is the worst part of life but the best part of life having someone is worth waiting for ... Sa katayuan ni Kelly ngayon hindi niya alam kung may kwenta pa ba siya? Kailangan niya ba talagang hintayin o susuko nalang?
Dahil kahit paulit-ulit niya man itong saktan kung talagang mahalaga siya dito, hindi siya nito matiis ng isang oras o dalawang oras.
Pagak na tumawa si Kelly sa sarili. 'Hindi ko nga alam kung mahal niya ako'
Malalim na bumuntong hininga siya kasabay nun ang pag-bukas ng pinto.
Nagtataka ang mukha ni Tythum habang naka-tingin sa kaniya.
“B-baby—”
“Bakit ngayon ka lang?!” Agad na singhalan niya ito. Her eyes watering as her face is grumply staring on him. Kelly always waiting for him, but how can she manage to wait for him in this so long! Palagi nalang siya nag-hihintay, mula noon hanggang ngayon. Palagi nalang siya umaasa na sana pantay rin ang nararamdaman nila sa isat-isa. Hanggang maaga pa at hanggang pwede pa niyang kalimutan ito. Gagawin 'yun ni Kelly.
Lumapit ito sa kaniya pero lumayo siya dito.
“Don't come near me”
“Baby.. K-kelly”
“A-ayoko marinig 'yan. Matutulog na ako” Tinalikuran na niya ito at nahiga. Hindi pinansin ang pag-lubog ng kama.
She close her eyes when Kelly felt the presence in her back. “Next time, don't wait for me. Okay?”
Bakit? Dahil hindi kana babalik? Mas lalong humigpit ang kapit ni Kelly sa unan.
“Ayoko na nagpapalipas ka ng gabi para lang hintayin ako. From now on, you should sleep more, eat more and don't stress yourself. Okay? You heard me, baby. Kapag maulit ang ginawa mo ngayon, paparusahan kita.”
Unti-unti tiningnan niya ito. Ngumuso siya dito at tinarayan.
“Bakit ngayon ka lang? Nagpa-cute ka ba sa mga maid sa baba o baka may pinuntahan ka at nakipag-kita sa mga babae—”
Tythum chuckled. “Baby, ang advance mo mag-isip”
“Advance ako mag-isip, may angal ka? Bakit ngayon ka lang? Hindi mo man lang iniisip na may naiwan ka dito ha?!” Asik niya dito habang naiinis na umiwas ng tingin sa binata.
“At hindi mo man lang ako pinakain?! Ang galing mo nga kumain pero hindi mo pinakain ang kinain mo! Ano sapalagay mo sa akin ha? Mutants na babalik ang lakas nila kapag nag-papahinga?” Reklamo niya dito. Punong-puno ang inis ang katawan ni Kelly sa bibata. He's ugly! “At what heck you did to your face?. You're ugly na. I don't like it, palitan mo ang mukha mo.” She leered at him.
BINABASA MO ANG
Dark Series 2: TYTHUM VIRKSTE
RomanceDark Series 2: He's wicked and cunning man when its comes from what he wants. But aside from making out and night out with his own bar, TYTHUM VIRKSTE is empty and lost . Hindi niya kilala ang sarili niya . Hindi niya alam kung paano lalagpasan a...