Chapter 14 "Paghahanda sa Pasasabuging Sikreto"

13 1 0
                                    

Chapter 14 "Paghahanda sa Pasasabuging Sikreto"



(Nasa labas ng DNA Testing Center si Maristela, bitbit ang Paper Bag na naglalaman ng Pinagkainan ni Jessie...)

Maristela: Gagawin ko na. Ito na ang tamang panahon.

(Pumasok na sa loob ng DNA Testing Center si Maristela..)

Maristela: Doc, I want it rush.

Doctor: Sino po ba ang kukuhanan ng Specimen?

Maristela: Dala ko na dito sa Paper Bag ang Specimen ng isang bata, at magpapakuha ako ng Specimen sa inyo.

Doctor: Kailan po ninyo kailangan ang DNA Test at kailangang rush?

Maristela: As soon as Possible.

Doctor: Sige po, Ma'am, kukunan ko na po kayo ng Specimen.(Kumilos na nga ang Doktor at kinuhanan ng Specimen si Maristela...)

Maristela: (Habang kinukuhanan ng Specimen, sa isip) Sa oras na lumabas ang resuta ng DNA Test na ito, kasabay noon na mawawasak ang buhay mo, Almond Lobregat!

(Samantala, nasa labas naman ng DNA Testing Center si...)

Erson: Ano nga ba ang mga susunod mong balak, Maristela?

(Nakita niyang biglang iniluwa ng pinto ng DNA Testing Center si Maristela. Matapos makita iyon ay tinawagan ni Erson si Fresnedi...)

Erson: Ma'am Nedi, may dinala po si Maristela sa DNA Testing Center.

Fresnedi: (Kabilang linya) Ganoon ba? Sige, magkita tayo sa isang Restaurant.

(At nagkita nga ang dalawa sa isang Restaurant, sa loob ng Private room...)

Erson: Ma'am Nedi, ano na po ba talaga ang mga susunod na gagawin ni Maristela? Nag-aalala na ako.

Fresnedi: Isa ang naman ang pwede niyang ipa-DNA Test. si Jessie. Ang anak ninyong dalawa.

Erson: Kapag natapos naman na ang paghihiganti ninyo ay titigil na kayo?

Fresnedi: Depende kung makukuntento ako sa makikita kong outcome.

Erson: Ganoon ba kalaki ang galit ninyo sa kanya para gawin lahat ng ito? Ang MAdamay pa ako at ang kaibigan ko?

Fresnedi: Oo!( Napahagulgol) Dahil sa mga Lobregat na iyan ay namatay ang anak at kapatid ko!

Erson: Paanong namatay? Dahil sa mga Lobregat?

Fresnedi: Ilang dekada na ang nakakalipas noong naganap ang paglubog ng Barkong MV Reina del Mar.

Erson: Nabalitaan ko nga po iyon noong bata pa ako.

Fresnedi: Sakay noon ang aking kapatid at ang bata pang anak ko na pinaluwas ko ng Maynila para makasama ko, Pero malakas na ang Bagyo ay piit pa ring bumiyahe ang MV Reina de Mar, hanggang sa inabot na nga ng Bagyo ang Barko sa Kalagitnaan ng dagat, hindi kinaya ang lakas ng Alon, tumaob, lumubog. At ang masakit pa roon ay nang sumugod kaming mga namatayan ng pamilya para sa danyos ay ang walang-hiyang ina ni Severino ang humarap sa amin, at nagsabing wala siyang idadagdag sa mga binayaran niya dahil iyon lamang ang pwede niyang ilabas na pera ng Kompanya!

(Tahimik lamang na nakikinig si Erson...)

Fresnedi: Dahil kay Severino at sa Pamilya niya kaya ako nawalan ng Kapatid at Anak, kaya sisirain ko siya sa kahit na anong paraang alam ko, at natutuwa akong unti-unti nang nagaganap ang mga gusto ko!

Erson: At nagawa talaga ninyo maghintay ng ganito katagal para sa paghihiganting iyon, Maam Nedi?

Fresnedi: Oo! Kinailangan kong lagyan ng asin ang aking mga sugat para maramdaman ko ang Hapdi hanggang sa mamanhid ako, at matiis ko na ng tuluyan ang kung anuman ang nararamdaman ko!

Ika - 8 UtosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon