Chapter 2 "Ang Desisyon"

178 4 0
                                    

Chapter 2 "Ang Desisyon"

(Dumalaw si Erson sa Ospital kung saan naroon ang kanyang Inang nakaconfine...)

Erson : Inay..

(Sinilip nya ang kanyang ina na nakaratay sa ICU ng ospital...)

Erson : Inay... (naluluha)

(Nagfaflashback sa kanya ang sinabing iyon ni Fresnedi..)

Fresnedi : Magkano ba ang kailangan ng nanay mo para maipagamot siya? Kasya na ba ang dalawang milyon? Limang milyon? O kahit sampung milyon?

Erson : Ma'am Nedi, wala po akong pambayad sa ganoong halaga...

Fresnedi : You will not pay for it, tulong koi yon sa inyo.

Erson : Ma'am Nedi, nakakahiya naman po...

Fresnedi : Tanggapin mo ang alok ko sa iyo.

Erson : Pero paano ko naman po kayo babayaran?

Fresnedi : Well, if you're insisting on paying for that, sige. May kapalit, pero hindi pera.

Erson : Huh? Ano po ang kapalit?

Fresnedi : Humanap ka ng babae. Gahasain mo, at kung pwede, buntisin mo pa, at isisisi natin iyon kay Almond! Gusto kong sirain mo ang pangalan ng mga Lobregat!

(Napailing si Erson, pauliut-ulit niyang iniling ang kanyang ulo habang patuloy na nagfaflashback sa isip niya ang naging pag-uusap nila ni Fresnedi...)

Erson : (Sa isip) Hindi, hindi.. Erson.. HIndi tama..

(Nang may lumapit ang isang doctor kay Erson...)

Dr. Soler : Kayo po ang anak ng pasyente, tama?

Erson : Ako nga po, doc. Bakit ho?

Dr. Soler : Nakakuha ka na ban g pondo para sa pambayad ng pagpapaopera ng Inay mo?

Erson : Hindi pa po..

Dr. Soler : You have to work for that within this week. Tatapatin na kita, dalawang na lang ang taning ko sa nanay mo kaya dapat maipaopera mo na sya and eventually ay madala siya sa burn center.

Erson : Ano po, Doc? HIndi po ba magagawan ng paraan iyan?

Dr. Soler : I'm sorry, but that's the only way for your mother to get herself out of danger.

Erson : Si.. sige po, doc.. gagawan ko na lang ng paraan.

(Pag-alis ng doctor ay biglang na lang napasalampak si Erson, na umiiyak. Nakita siya ni Maristela sa ganoong kalagayan, kaya naman nilapitan siya nito...)

Maristela : (Tumakbo palapit kay Erson) Erson, bakit? Ano'ng problema?

Erson : Saan ako pupulot ng malaking halaga para ipaopera at ipasok sa isang burn center si INay?!

Maristela : Kailangang kailangan na ba?

Erson : Dalawang araw na lang ang taning sa kanya ng doktor!

Maristela : Diyos ko..

(Niyakap na lang ni Maristela si Erson dahil sa awang nadarama para sa kaibigan...)

Maristela : Erson, Sorry ha? Wala kasi akong kwentang kaibigan. NI hindi man lang kita matulungan kung paano masosolve ang problema mong ito.

Erson : 'Wag mong sabihin iyan, Maristela. Ang makasama lang kita sa ganitong sitwasyon, ayos na sa akin.

Maristela : Hayaan mo, bibigyan kita ng pamasahe panlakad-lakad mo sa paghingi ng donasyon para ipondo sa pagpapaopera ni Aling Griselda. Kahit iyon man lang ang maitulong ko.

Ika - 8 UtosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon