2014 nang una kong naconceptualize ang kwento tungkol sa isang babaeng biktima ng Rape na maghihiganti sa kanyang Rapist.Hanggang sa Nafinalize ko iyon noong 2015, at nahaluan na ng nahaluan ng kung anu-anong subplot, ngunit nagstick ako sa iisang Konsepto.Paghihiganti, at hinaluan ko ng panibagong subplot, Pagkakamali, Nagkamali ng ginantihan at sinirang buhay.
Diyan naisilang ang Santa Diabla, na inspired mula sa mga tinatawag na "Makjang" Korean Dramas, o katumbas ng mga Mexican at Latin-American Telenovela Format sa South Korea. Ilan sa mga Halimbawa ng mga Makjang na Korean Dramas ay ang Temptation of Wife, Irene/Miss Mermaid, The World of a Married Couple, Jang Bori is Here, My Husband's Woman, Everybody Kimchi na nagpasikat ng "Kimchi Slap" at ilan pang mga sikat na Heavy Drama ng South Korea.Naisulat ko mula umpisa hanggang sa nahinto ako sa Chapter 12. Maraming nangyari sa buhay ko, mga kasawian at kabiguan, hanggang sa sumuko at inihinto ang pangarap kong magsulat para sa Telebisyon, particularly sa Soap Opera.
Ngunit ngayong 2021, makalipas ang anim na taon ay isang dahilan ang nagtulak sa akin para ipagpatuloy ang kwento nila, at iyon ay ang makapasok ako sa isang Scriptwriting Workshop na pangarap ng lahat.Ang maturuan ng Itinuturing na Ama ng Pagkukuwento sa Bansa, si National Artist Nominee, Sir Ricardo "Ricky" Lee. At habang gumugulong ang workshop ko sa kanya ay patuloy ko na itong isinusulat sa bago nitong pamagat, ang IKA - 8 UTOS: HUWAG KANG MAGBINTANG O MANIRANG PURI SA IYONG KAPWA. Pamagat na hango naman sa mga Hit na Drama sa GMA Afternoon Prime na Ika-6 Na Utos (Huwag Kang Makikiapid) at Ika-5 Utos (Huwag Kang Papatay) na hindi maitatangging hango naman sa Bibliya.
Ngayong nagwakas na ang kuwento ng buhay nina Maristela, Almond, Bernice, Erson, Fresnedi, Leticia, Severino at Jessie, Pinasasalamatan ko ang mga masugid na mambabasa ng aking mga akda.Kung wala kayo ay malamang wala ako. Binitawan at Itinakwil ko na ang talento ko, ngunit hinabol pa rin ako nito, magkakasama kayong humabol sa akin at naabutan nga ninyo ako, Ako na may talento ang sumuko, Kayo ay hindi.
Ngunit higit na mas dapat nating pasalamatan si Sir Ricky Lee, malaki ang pasasalamat at utang na loob ko sa kanya dahil kung hindi ko natagpuan ang Workshop niya, siguradong wala pa rin ang kwento kong ito, hindi ninyo natutukan at hindi kayo makakasama sa paglalakbay ng mga tauhan ng Ika-8 Utos.Kung hindi kay Sir Ricky Lee, Hindi muling mag-aalab ang aking pangarap na magsulat muli. Para man sa Telebisyon o para libangan man ang dahilan, isa lang ang mahalagang iniwang mensahe sa akin ni Sir Ricky. Magsulat ka, Magkwento ka. Walang pero pero, walang kesyo kesyo, magkwento ka, may makikinig sa iyo, hindi pwedeng wala.
At sa pagsasara nga ng telon ng kwento ng Ika-8 Utos, isang kuwento naman ang muli kong bubuksan para sa inyo. Pero bago ko buksan ito sa inyo, Magpareseta muna kayo ng Losartan sa Pinakamalapit na Health Center. At sa oras na maresetahan na kayo ng gamot sa altapresyon, makikilala na ninyo siya.
Sa Likod ng Kaguwapuhan at Kakisigan ay isang mapanlinlang na nilalang.
Nasa Kanya na ang Lahat, ngunit gagawin ang lahat, para makuha lahat-lahat.
Siya na nga kaya ang magiging patotoo sa sinasabi ng mga Kababaihan na Manloloko ang mga Lalake?
Magagawa mo bang mahalin si ALEJANDRO? Abangan ngayong July 2021
Mula sa Orihinal na Likha ni @AkoposiChantal para sa Wattpad
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...