CHAPTER 4 "Ang Pagtatapat"
(Doon na nagsimulang sumambulat ang nararamdaman ni Maristela...)
Maristela : Lord... bakit?! Bakit!?
(Wala na siyang masambit kundi ang mga salitang iyon lamang. At dahil tumatagal na siya sa banyo sa ganoong kalagayan ay nag-alala na sina Letty at Nessa kaya kinatok na nila ito...)
Letty : Maristela?
Nessa : Ate yung totoo, nakatulog ka na ba diyan sa inidoro?
Letty : Maristela buksan mo nga ito? OK ka lang ba?
(At sa loob naman ng banyo...)
Maristela : (Nagpunas ng luha) Ah Oo Tiyang, Ayo slang ho ako...
Letty : Eh ano ba kasi ang ginagawa mo diyan?
Maristela : (Nagpipigil ng pag-iyak) Masama lang ho kasi ang tiyan ko....
Letty : Halata nga sa boses mo. Nessa ibili mo ng gamot ang Ate Maristela mo...
Nessa : Sige po, Nay... (Lumabas ng bahay)
Maristela : Sige ho Tiyang...
(Ngunit sa likod ng pinto ng banyo ay patuloy na naghihinagpis si Maristela sa kanyang sinapit...)
Maristela : Anong gagawin ko ngayon?! Nagbunga na ang kahayupan ng lalakeng iyon sa akin... Hindi ko matanggap ang lahat ng ito.... Hindi koi to kayang tanggapin!
(Lumabas nan g Banyo si Maristela...)
Letty : Saan ka pupunta? Parang nagmamadali ka?
Maristela : Saglit lang ho ako...
Letty : Hintayin mo na ang gamot na binili ni Nessa...
(Dere-deretso lamang na lumakad si Maristela. Paglabas nya sa malayo ay kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan si Erson...)
Erson : Hello?
Maristela : Erson...
(Humagulgol lang si Maristela sa cellphone...)
Erson : Umiiyak k aba? Anong Problema?
Maristela : nangyari na nga ang kinatatakutan ko....
Erson : Buntis ka?
Maristela : Anong gagawin ko?
Erson : Sige, magpapaalam ako sa amok o na uuwi ako ngayon, ihahatid ko lang sila sa bahay,nandito kami sa grocery ngayon....
Maristela : Sige...
(At ibinaba na nila ang cellphone...)
Erson : (Sa isip) At nagbunga na nga.
(Nanahimik si Erson...)
Erson : Nagbunga na ang pambababoy ko sa babaeng pinakamamahal ko.
(Hindi na napansin ni Erson na tumutulo na pala ang mga luha sa kanyang mga mata, maging ang pagdating ni Almond...)
Almond : May problem aba? Bakit ka umiiyak, Erson?
Erson : (nagpunas ng luha) Ah, wala po, Sir Almond..
Bernice : May nangyari bas a Inay mo? Hindi pa rin ba ayos ang kalagayan niya?
Erson : Wala po. Yung kaibigan kop o kasi..
Almond : Ano ang kaibigan mo? Sabihin mo.
Erson : Yun po kasing kaibigan ko, Rape Victim...
Almond : Ano?! Napakawalang konsensya naman ng lalakeng gumawa nun sa kanya!
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...