Chapter 25 " "Ang Kapalit ng mga Kasalanan"

26 1 1
                                    

Chapter 25 "Ang Kapalit ng mga Kasalanan"



(Sa Ospital kung saan nakaadmit si Jessie...)

Maristela: Jessie, anak, may surprise ako sa iyo....

Jessie: Ano po iyon?

(Pumasok si Almond sa kwarto ni Jessie...)

Almond: Anak...Jessie: (Sumigla) Daddy!

(Agad na lumapit si Almond para yakapin ang bata...)

Almond: Kumusta ka dito, anak?

Jessie: Ok po ako daddy, pero mas ok na ngayong nandito ka na.

Almond: Inaalagaan ka ba nila?

Jessie: Opo, Daddy.

Almond: Diba sabi ko sa iyo, aalagaan ka nila at mamahalin din? Naniniwala ka na ba kay Daddy?

Jessie: Yes po daddy, inaalagaan po nila ako, at love na love po ako lalo na nina Mommy Maristela at Tito Erson.

(Nang mabanggit ang pangalan ni Erson ay nagkatinginan sina ALmond, Maristela, Letty at Nessa...)

Jessie: Si Tito Erson po ba hindi pupunta?

(HIndi alam nina Maristela ang kanilang gagawin...)

Jessie: Hindi po siya pupunta ngayon?

(Nagtanguan sina Almond at Maristela...)

Almond: Ganito iyan, anak, hindi mo maiintindihan dahil bata ka pa. HIndi na makakapunta si Tito Erson mo.

Jessie: Bakit po?

Almond: May ginawa kasi siyang Bad sa Mommy Maristela mo, kaya kailangan niyang makulong.

Jessie: Eh si Lola Nedi at Lolo Sev kailan po pupunta?

Almond: Si Lolo Sev lang ang makakarating, wala na rin si Lola Nedi mo. May ginawa siyang Bad kay Daddy at Mommy Maristela mo kaya nakakulong din sila.

(Nalungkot si Jessie sa mga narinig niya....)

Maristela: Almond, huwag kaya muna? Masyado pang bata si Jessie para diyan?

Almond: Unti-unti lang naman, hindi natin siya bibiglain.

Maristela: Sigurado ka?

Almond: Ako'ng bahala. Sa akin mas makikinig si Jessie. (BUmaling kay Jessie) Alam mo ba anak kung bakit mabait sa iyo si Tito Erson mo?

Jessie: Bakit po?

Almond: Kasi siya ang tunay mong daddy.

 Jessie: Pano'ng dalawa ang daddy at Mommy ko?

Almond: Ganito iyan, anak. Ang Tunay mong Parents ay sina MOmmy Maristela at Tito Erson mo. Tapos nawala ka sa kanila at napunta ka sa amin ng Mommy Bernice mo. Kaya dalawa ang Mommy at Daddy mo, ayaw mo ba nun?

Jessie: Syempre gusto po.

Almond: Yun pala eh.

Jessie: Pero bakit po ako nawala kina Mommy Maristela at napunta ako sa inyo?

Almond: Ano ba ang sinasabi sa mga palabas sa TV? Diba To be COntinued? Kapag kaya mo nang intindihin ang lahat ay ikukuwento namin iyon sa iyo.

Letty: Lalabas muna ako, kukuha ako ng makakain ninyo, Almond...

(At nang pagbukas ng pinto ni Letty ay nakita niya doon si...)

Letty: Griselda?

(BIglang tumalikod si Griselda ngunit hinawakan siya ni Letty sa Braso...)

Ika - 8 UtosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon