Chapter 3 "Simula ng Paghihirap"
(Nasa isang simbahan si Erson, at kausap niya ang isang Pari...)
Pari : Ginawa mo iyon?
Erson : (Umiiyak) Opo, Father. At kanina ko lang po iyon ginawa.
Pari : Ginahasa mo ang iyong kababata? Ano naman ang intension mo para gawin ang kamunduhang iyon?
Erson : Father, kung alam n'yo lang po, alam ng diyos, higit ninuman, malaki ang paggalang ko sa babaeng ginahasa ko dahil nirerespeto ko siya, at balak ko siyang pormal na ligawan dahil matagal na akong may gusto sa kanya. (HUmihikbi) Pero Father, inipit ako ng sitwasyon, kumapit ako sa patalim, inutusan ako ng amo kong babae na manggahasa ng kahit sinong babae kapalit ang pagpapagamot sa nanay ko. Kung alam n'yo lang po kung gaano kabigat sa dibdib itong ginawa ko, nagawa kong babuyin ang babaeng pasikreto kong minamahal kapalit lang ng pera, ngayon pa lang ay nagsisisi na ako sa ginawa ko, hindi pa man dumidilim pero pakiramdam ko ay hindi na ako patutulugin ng konsensya ko!
Pari : Nararamdaman ko ang nararamdaman mo ngayon, base sa tono ng boses mo ay alam kong ayaw mo talaga sa ginawa mo, na napilitan ka lang.
(Nagpatuloy lang sa pag-iyak si Erson habang nangungumpisal nang biglang nagring ang cellphone niya...)
Erson : (Nagpunas ng luha) Ah, Father, pwede po bang sa ibang araw ko na lamang ipagpatuloy ang pangungumpisal ko? May importanteng appointment lang po akong pupuntahan.
Pari : Sige, walang problema, lagi lang naman akong nandito sa parokya.
Erson : Salamat po.
(Dali-daling lumabas ng simbahan si Erson...)
Erson : (Nakatingin sa cellphone) Maristela, alam ko kung bakit ka tumatawag sa akin ngayon, at kung alam mo lang, na ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na ang kung anumang ginawa ko sa iyo kanina.
(At sinagot nan i Erson ang tawag ni Maristela...)
Erson : Hello? Bakit ka napatawag, Maristela?
(Habang sa kabilang linya naman...)
Maristela : Erson... (Umiiyak) Tulungan mo naman ako...
Erson : (Kabilang Linya) Umiiyak k aba? Anong problema?
Maristela : Puntahan mo naman ako ditto... (Kinumutan ang sarili)
Erson : Nasaan k aba? Ano ba talaga ang problema?
Maristela : Hindi ko alam... Nagising na lang ako na nandito na ako sa hotel, walang kahit anong saplot.... (Humagulgol)
Erson : (Nagulat) Ano?! Sige Sabihin mo sa akin kung saang hotel yan at pupuntahan kita!
Maristela : (Humahagulgol) Yung Hotel na malapit sa Bon Appetit Restaurant,nandito ako....
Erson : (Naglalakad) Sige, hintayin mo ako aalis na ako ditto!
(Agad na pinuntahan ni Erson si Maristela sa nasabing hotel. Pagdating niya roon..)
Erson : Maristela!
Maristela : Erson!
(Agad na yumundak sa kama si Erson at niyakap si Maristela...)
Erson : Ano ba talaga ang nangyari?
Maristela : Hindi ko alam, makikipagkita lang ako sa kliyente kong kukuha ng order nyang sapatos, pero may nakamaskarang lalaki ang nanutok ng baril sa akin at bigla na lang akong tinakpan ng panyo sa bibig, tapos paggising ko ganito na ang itsura ko... (Umiiyak)
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...