Chapter 28 (Finale) "Ang Huling Paglabag"
Inmate 2: Bukas ng gabi ang pagtakas natin.
Erson: Sigurado bang hindi papalpak ito? Itataya ko ang buhay ko para makita ko ang anak ko ngayon.
INmate 1 : Basta ayusin mo ang kilos mo para hindi tayo mahuli.
Erson: Pangako.(At nang sumunod na gabi ay isinagawa na nga nina Erson ang kanilang pagpuga sa Kulungan...)
Inmate 2: Nasaan na si Rivera?
INmate 1: Tinitingnan niya kung may nagmamatiyag ba.
Inmate 3: Rivera! Bilisan mo! Tatlong sikretong lagusan pa ang dadaanan natin!
Erson: Nandito na ako. Wala nang nagbabantay. Bilisan na natin!
(Isa-isa silang palinga-linga sa paligid at kapag walang tao ay isa-isa rin silang pumupuslit sa mga sikretong lagusan na kanilang hinukay at tinakpan ng kung anong hindi makapagpapahalata na iyon ay butas. Hanggang sa narating nila ang huling makipot na butas at dumaan na sila doon. At nang silang lahat ay nasa labas na ng piitan....)
INmate 1: Maghiwa-hiwalay na tayo, bahala na kayo sa pupuntahan ninyo. Ikaw, Rivera, good luck sa pagdalaw mo sa anak mo, maski palihim. Condolence na rin.
Inmate 2: Condolence, P're
Inmate 3: Ipagdarasal ko siyempre una wag tayong mahuli, pangalawa ang kaluluwa ng anak mo, Rivera.
Erson: Salamat, kapag nakita ko ang anak ko maski sa huling sandali ay utang na loob ko ito sa inyo.
(At naghiwa-hiwalay na nga ang mga nagsitakas na bilanggo sa kulungan. Habang naglalakad si Erson ay nakakita siya ng mga sinampay na damit-panlalake kaya walang anu-ano niya itong pinagkukuha at isinuot. Naglakad siya muli nang makita niya ang isang nakahintong Truck na may kargang gulay...)
Driver: Ayan ayos nakapagpalit na tayo ng gulong, buti na lang naflatan tayo kung kailan malapit na tayo sa QC.
Pahinante: Tara, biyahe na tayo.
(Nang sumakay ang driver at pahinante ay patalon na sumampa si Erson at saka siya patalon na sumampa at sumakay sa Truck, at nagsumiksik sa mga Gulay. Mga ilang saglit lamang ay nakarating na si Erson sa QC, at naglakad siya ng mahaba bago nakarating sa bahay ng mga LObregat. Naluha si Erson nang makita sa Gate ng mga Lobregat ang Anunsiyo sa Kamatayan ng kanyang anak na si Jessie...)
Erson: Jessie anak... Kasalanan ko ang nangyari sa iyo, Ako ang dapat na namatay at hindi ikaw, dahil ako at si Ma'am Nedi lang naman ang nagkasala sa Mommy mo.
(Dumukot si Erson sa nakuha niyang Jacket, nakuha niya ang isang Face Mask at saka iyon isinuot, saka pumasok sa Bahay ng mga LObregat. Agad siyang lumapit sa puwesto ng Kabaong ni Jessie at nang makita niya ang kanyang anak na nahihimlay ay hindi niya napigil ang kanyang luha, ngunit impit ang bawat hikbi at ayaw iparinig sa lahat. Napansin siya ng mga tao doon kaya naman ang nag-aasikasong si Griselda ay lumapit sa kanya...)
Griselda: Excuse me po, kilala po ba ninyo ang apo ko?
Erson: (Nagpunas ng luha at kumalma) Dati po akong nagtatrabaho para sa mga Lobregat, pero company employee po ako, hindi po nila ako personal na kilala. Palagi lang po akong nakikita ni Jessie sa entrance at lagi po akong hinahatian ng Chocolate o kung anumang pagkaing dala niya kapag pupunta siya sa lolo niya.
Griselda: Napakabait nga daw ng batang iyan, hindi ko nakasama ng matagal ang apo ko na iyan dahil laki siya sa mga Lobregat.
Erson: Nakakahinayang ang buhay niya, napakabata pa niya...
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...