Chapter 19 "Ang Nasusunod na Blueprint ni Maristela"
Fresnedi: (Sa isip) Si Erson sigurado itong sinasabing donor, wala nang duda.
Severino: Ano pa'ng hinihintay natin? Isagawa na natin ang transplant sa apo ko.
Doctor 2: ASAP po, mangyayari iyan, kailangan lang pong formally maiset ang mga petsa para sa Procedures.
Maristela: Pakiset na po, Doc.
Doctor 2: If you'll excuse me.
(Umalis ang Doktor, at naiwan doon ang pamilya ni Jessie...)
Maristela: Matapos lamang ang operasyon sa anak ko, magpapatuloy ang paggulong ng kaso at sisiguruhin kong mawawala sa inyo ang custody ni Jessie!
Severino: Kailangan munang mapatunayan ang mga akusasyon mo sa anak ko, kailangan mapatunayan munang siya nga ang sumalbahe sa iyo. Alalahanin mo ang Ikawalong utos, Huwag kang magbibintang o Maninirang-puri ng iyong kapwa!
Maristela: Saka mo ako kasuhan ng Libel kung mapatunayan mong hindi nga ang anak mo ang gumahasa sa akin!
Fresnedi: Pwede ba?! Wag ngayon! Magkaisa tayo, kahit ngayon man lang, para kay Jessie!
(Natahimik sina Severino at Maristela...)
Maristela: Alam kong ayaw pa sa akin ng anak ko, dahil di pa niya kayang i-absorb ang katotohanan, kaya sana, Tita Nedi, lahat ng gagawin sa anak ko ay irereport sa akin at hindi ako dapat na mawalan ng opinyon at say sa mga iyon.
(Tumalikod at umalis na si Maristela...)
Severino: Bakit ba pinapapunta mo pa rito ang babaeng iyon? At nakapagtatakang mabait ka pa rin sa kanya sa kabila ng ginawa niyantg kahihiyan sa pamilya natin!
Fresnedi: Natural siya ang Ina.
Severino: Si Bernice ang ina niya! Hidni ako naniniwala sa palsipikadong DNA Test na ipinresent niya!
Fresnedi: Pero naverify naman natin na authentic at hindi pineke ang DNA Test na iyon.
Severino: Wala akong katiwa-tiwala sa babaeng iyon!
Fresnedi: (Napabuntong-hininga) I have to go, magpapahangin lang ako.
(Umalis na nga si Fresnedi, at tumungo naman si Severino sa kwarto ni Jessie...)
Fresnedi: (Dumadial sa Cellphone) Hello? Erson? Meet me, dun sa dating lugar.
(At nagkita nga sina Fresnedi at Erson...)
Fresnedi: It's a no brainer that you are the donor ng Bone Marrow na nagmatch kay Jessie.
Erson: Bawal ba?
Fresnedi: I never said na bawal, ang gusto ko lang ay manatili kang tapat sa deal natin. You always have to remember na kung hindi dahil sa akin, baka may dinadalaw ka na sa libingan.
Erson: Sinusumbatan mo ba ako?
Fresnedi: Nasa iyo kung iyon ang dating noon sa iyo. Ang sa akin ay nagpapaalala ako.
Erson: Lagi ko naman naaalala iyon, hindi ko naman nakakalimutan na limang taon na ang nakakalipas nang magpakababa ako para lang sa pera, para sagipin ang nanay ko, kahit ang kapalit noon ay ang buhay ng kaibigan ko ang masira.
Fresnedi: Hindi ko naman sinabing Bestfriend mo ang gahasain mo. Ang usapan lamang natin ay manggahasa ka ng kung sinong babae. Ikaw na ang may problema dahil sa dami ng babae, eh ang pobreng bestfriend mo pa ang napili mo, eh di sana hindi siya nadamay dito.
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...