Chapter 15 "Isa pang hakbang bago ang paglabag sa Ika-8 Utos"
(Biglang pumasok si Fresnedi sa Opisina ni Maristela, dahilan para ikansela ni Maristela ang kanyang pagtawag kay Bernice...)
Fresnedi: So, Kumusta na ang ating mga plano?
Maristela: Pretty good, Tita Nedi. Nasusunod nang maigi ang Blueprint natin.
Fresnedi: (Kinuha ang Envelope na nasa Table ni Maristela at naupo) Are These the DNA Test results?
Maristela : Na sisira sa buhay ni Almond kapag inilabas ko na iyan sa Launching ng Partnership ng mga Kompanya namin.
Fresnedi: At kapag nailabas mo na ang matinding pasabog mo na iyan ay ano na ang susunod mong gagawin?
Maristela: Babawiin ko ang anak ko.
Fresnedi: What about Bernice?
Maristela: The hell I care with her. Si Almond lang ang concern ko sa ngayon.
Fresnedi: Mabait naman si Bernice. Pero wala, Collateral Damage talaga siya sa kwentong ito.
Maristela: At isa pa, hindi ko naman mahal si Almond.
(Biglang tumalikod si Maristela...)
Fresnedi: What's the matter?
(Hindi makaharap si Maristela dahil umiiyak na pala siya, impit ang mga hikbi at masagana ang agos ng mga luha sa kanyang mga mata...)
Fresnedi: (Lumapit kay Maristela) Magsalita ka, may problema ba?
(Pinaharap ni Fresnedi si Maristela, nakita niyang lumuluha ang huli...)
Maristela: Ayokong sabihin kung bakit...
Fresnedi: Magsalita ka! Bakit ka umiiyak!?
Maristela: Napapamahal na ako sa stepson ninyo! Ang stepson ninyo na bumaboy sa akin!
(Nanlaki ang mga mata ni Fresnedi sa narinig, kaya naman sinampal niya si Maristela...)
Fresnedi: Naririnig mo ba ang sarili mo?! Minamahal mo ang sumira sa buhay mo?!
Maristela: Nahihirapan na po ako!
(Sinampal muli ni Fresnedi si Maristela...)
Fresnedi: We are already going to the climax, and yet, saka ka gaganyan?! You're going to crush our plans and our established victory!
Maristela: Pero, Tita Nedi, pwede naman pong aminin ko sa kanya na naanakan niya ako, na sirain ko na lang ang pamilya niya! Masisira naman doon ang pagiging man of honor niya!
Fresnedi: Tapos ano ang labas mo?! Kabit?! Don't spill your tears on our Blueprint or else it'll be smudged like your eyes right now!
Maristela: Pero...
Fresnedi: ANg gusto natin, ay lumabas na masasama ang mga Lobregat, mapagsamantala, mapang-api, at mabalot ng putik ang pinakaiingatan nilang pangalan! Kaya kung ako sa iyo ay pigilan mo ang kung anumang nararamdaman mo para sa kanya!
(At sa labas naman ng Opisina ni Maristela...)
Secretary: (May kausap sa cellphone) Nag-aaway po sila, naririnig ko po na may pagtingin na daw po siya kay Sir Almond.
Erson: (Kabilang linya) Ganun ba, sige salamat. Basta kapag may bago kang maririnig o mapapansin kontakin mo lang ako.
Secretary: Opo, Sir Erson. Bye.
(At ibinaba na ng Secretary ni Maristela ang tawag. Si Erson naman ay napatingin na lamang sa kawalan matapos ang mga narinig...)
Erson: MAs maiging si Almond na ang ang mahalin mo, mas lalong hindi mo ako mamahalin kapag nalaman mo ang mga kawalanghiyaang ginawa ko sa iyo, na pilit mong isinisisi sa ibang tao sa loob ng mahigit limang taon.
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...