Chapter 7 "Sumpa ng Nasaktan"
(Tulalang naglalakad si Maristela sa labas ng airport. Umiiyak...)
Maristela : Baby Margaret...
(Patuloy nya lamang tinatawag ang pangalang iyon. At patuloy lamang siya sa paglalakad. Sa bahay naman nila...)
Letty : Paano naman nya nalaman kung sino ang nanggahasa at dumukot sa anak nya?
Nessa : Oo nga poi nay eh, Pumasok lang sya sa kwarto nya nagka-ideya agad siya kung sino yun.
(Hindi na napigil pa ni Erson ang sarili niya kaya pinasok na nya ang kwarto nito...)
Erson : (Iginagala ang mata) Nasaan ang ebidensya niya?
(Hinalughog ni Erson ang bawat sulok ng kwarto ni Maristela hanggang sa mapansin nya ang laptop ni Maristela na naiwan niyang bukas...)
Erson : (Nilapitan ang laptop) Ano ba naman itong si Maristela iniiwang bukas ang gamit.
(Hawak nan i Erson ang plug ng laptop upang bunutin ngunit nakita nya ang pamilyar na mukha sa screen nito...)
Erson : Sina Almond at Bernice?
(Ilang saglit na natulala si Erson sa loob ng kwarto habang bumabalik sa isip ni Erson ang lahat simula sa iniutos ni Fresnedi, hanggang sa pinakahuling pangyayari...)
Erson : (Binunot ang plug at tiniklop ang laptop) Nangyari na nga. Natutupad na ang gusto ni Ma'am Fresnedi.
(At dali dali na siyang lumabas ng kwarto ni Maristela...)
Letty : Ano, may nakita kang ebidensya?
Nessa : Eh saan naman napulot ni ate ang impormasyon tungkol sa nagpadukot sa anak nya?
Letty : Kumusta na kaya si Maristela? Nahabol pa kaya nya ang anak nya? Sana mahuli na ang hayop na iyon sa ginawa nya sa pamangkin ko.
Erson : Sana nga po... (sa isip) Kaharap na ninyo ako, kung pwede ko lang ring aminin sa inyo, ginawa ko na.
(At si Maristela naman...)
Maristela : (Nasa pinto ng simbahan) Kailangan kop o kayong makausap ngayon...
(Pumasok si Maristela sa loob ng simbahan. Marahan siyang naglakad, minamasdan ang lahat ng kanyang madaanan...)
Maristela : Diyos ko.. ano po ba talaga ang nagawa kong kasalanan para mangyari sa akin ang lahat ng ito?
(Nagsimula na siyang umiyak. HUmagulgol. Kasabay noon ay ang unti-unting pagbagsak ng kanyang katawan at pagluhod...)
Maristela : (Paluhod na lumalakad sa altar) Kinuha nyo nap o sa akin ang nanay ko. Lumaki ako na hindi ko siya kasama.. Nagkaedad ako na ang kasama ko ay ang tiyahin ko. Hinayaan ko na lamang iyon tutal ay minahal naman ako ni Tiyang Letty na parang tunay nyang anak. Ginahasa ako ng isang di ko nakikilalang lalaki. Pagkatapos nya akong pagsamantalahan ay nag-iwan lamang siya ng pera, parang pinalalabas nya na nirentahan nya lang ako upang ilabas ang init ng katawan niya. At ang masakit ay nabuntis nya ako. Kung kailan naman naisip ko na magbagongbuhay at makasama ang anak ko,bigla namang nanakawin sa akin?! (Tumayo at tumuro sa krusipiksyon) Ano po ba talaga ang gusto ninyong mangyari sa buhay ko!? Bakit puro pasakit na lang ang ibinibigay ninyo sa akin! (HUmagulgol na napaupo) Dahil ba nanghangad ako ng pera? Hindi naman ako maramot ah?! Sabihin po ninyo sa akin ngayon ano ang kasalanan ko? Kung iyon ang magja-justify sa nangyayari sa akin,tatanggapin ko, Parang awa nyo na, diyos ko sabihin po ninyo!
(Nanatili si Maristela sa ganoong sitwasyon nang mga oras na iyon, Hanggang sa...)
Maristela : (Lumuhod sa harap ng Krusipiksyon) Diyos ko. Sana naman po ay pagbigyan ninyo ako sa aking kahilingan. Alam kong labag ito sa inyong utos at sa inyong kalooban, ngunit hihilingin ko pa rin poi to. TULUNGAN NYO PO AKONG MAGING MASAMANG TAO! Tulungan po ninyo akong iwaksi sa aking puso ang kabutihan, pagmamahal at kapatawaran, Tulungan po ninyo akong maghiganti sa hayop na Almond Lobregat na iyon! Gusto ko pong bago ninyo parusahan si Almond sa ginawa nyang kahayupan sa akin ay mapagbayad ko siya ng triple sa kasalanan nya sa akin! Gusto kong mahirapan siya ng todo todo, Gusto kong ditto pa lamang sa lupa ay matikman nya ang impyerno! Wawasakin ko ang buhay niya, sampo ng kanyang pamilya! Sasaktan ko siya, sa lahat ng paraang nalalaman at nanaisin ko! Iyon lamang po ang aking hinihiling sa inyo, diyos ko, sana ay pagbigyan ninyo ako...
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...