Chapter 8 "Lihim at Pakay ni Nedi"

158 2 0
                                    

Chapter 8 "Lihim at Pakay ni Nedi


Maristela : Ano pong ibig ninyong sabihin, Ma'am Nedi?

Fresnedi : Salamat at nagkatagpo tayo. Tayong parehong sinira ng mga Lobregat!

Maristela : Hindi kop o kayo maintindihan...

Fresnedi : Wag kang mag-alala, tutulungan kita sa paghihiganti m okay Almond.

Maristela : Bakit? Bakit po ninyo ito ginagawa?

Fresnedi : Malaki ang kasalanan sa akin ng mga Lobregat. (Naluha) Dahil sa mga Lobregat ay nawalan ako ng anak!

Maristela : Paano kayo nawalan ng anak dahil sa kanila?

Fresnedi : Sakay ng barko ng LSS ang anak at kapatid ko. BUmabagyo ng mga oras na iyon ay pilit pa rin nilang pinabiyahe iyon. Inabot ng bagyo sa laot, lumubog... Kasama ang anak at kapatid ko! Nawalan ako ng mahal sa buhay. Higit sa lahat, Hindi nakulong ang mga walang hiyang nagmamay-ari ng barkong iyon. Kung nasaan tayo ngayon!

Maristela : Ma'am Nedi...

Fresnedi : Magtulungan tayong wasakin ang mga Lobregat. Tayo ang anay na sisira sa pundasyon nila!

Maristela : Kung galit po kayo sa mga Lobregat, bakit po ninyo pinakasalan si Sir Severino?

Fresnedi : Hindi uusad ang plano kong paghihiganti kung hindi ko makukuha sa kanya ang pinakaimportante sa lahat. Tiwala. Kailangang pagkatiwalaan niya ako upang hindi niya isiping gagawan ko siya ng masama. At nang dumating na ang takdang panahon ng aking paniningil, saka ka biglang dumating sa buhay ko. Uuwi na si Almond, Bernice at ang anak mo. Kaya mag-isip ka nan g plano mong paghihiganti sa kanya. Tayong dalawa lamang ang makakaalam ng lahat ng iyon.

Maristela : Salamat po, Ma'am Nedi.

Fresnedi : I fired you on your job because I have another offer. May proposal ako kay Almond tungkol sa LSS. And I want you to be his business partner once na pumayag siya sa proposal ko. Ako mismo ang magdadala sa iyo sa kanya. Deal? (Iniabot ang kamay kay Maristela)

Maristela : (Kinamayan si Fresnedi) Tinatanggap kop o ang proposal ninyo, Ma'am Nedi.

Fresnedi : Great! At dahil diyan, mas madali na nating mapapabagsak ang mga Lobregat. Ihanda mo na ang sarili mo, nalalapit na ang unang hakbang mo sa paghihiganti kay Almond.

(Tinapos ng ngiti sa kanilang labi ang pag-uusap na iyon. Ngiting puno ng kasamaan at galit...)

Fresnedi : Maristela.

(Lumingon si Maristela at tumingin kay Fresnedi...)

Fresnedi : I mean, Samara. Pack all of your things when you go home. Uuwi ka sa bahay namin.

Maristela : Ano po?

Fresnedi : You've heard it right. You need to live with me temporarily. Dahil anumang oras ay uuwi na sina Almond, kailangan mong makuha ang tiwala nya. Kung magtanong sila, simple lang, business partner kita na irerefer kay Almond at sasabihin natin na wala ka pang nakukuhang bahay na matitirhan kaya pansamantala kang manunuluyan sa amin.

Maristela : Ma'am kasi po...

Fresnedi : Kung gusto mo talagang mapaghandaan ang paghihiganti m okay Almond, then you have to grab this opportunity that I am offering you. Mas makakapagmatyag ka pa sa mga ikinikilos nya. Ano pang hinihintay mo, pinauuwi na kita at gawin mo na ang ipinagagawa ko sa iyo.

Maristela : Opo, Ma'am Nedi...

Fresnedi : Isa pa, wag mo akong tatawaging Ma'am. I want you to call me Tita. Tita Nedi.

Ika - 8 UtosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon