Chapter 17 "Pagpapatuloy ng Paghihiganti"
Fresnedi: Are there any possibilities na mapasakamay ni Maristela ang custody ni Jessie?
Atty. Marquez: Yes of course, Ma'am Nedi. Nakapagpa-DNA Test na rin naman si Ms. Santander, I mean, Ms. Corcuera. Ang kailangan na lang ay ma-establish naman sa korte iyan.
Fresnedi: Once naestablish iyan?Atty. Marquez: Kapag sapat ang tibay ng ebidensyang DNA Test, mapapalakas ang kaso laban kay Almond Lobregat plus makukuha agad ang custody ni Jessie.
Fresnedi: That's good to hear. Ano na lamang ang mga dapat gawin?
Atty. Marquez: Mag-ipon kayo ng mga malalakas na pruweba upang maipakulong ninyo ang kliyente ko. Pero sa nakikita ko ay malalakas ang mga ebidensya ninyong nais ipresent sa Court.
Maristela: Maraming salamat, Tita Nedi. Nasimulan ko na ang isa sa pinakamalalaking hakbang para sa paghihiganti ko.
Fresnedi: My pleasure, Maristela. Masaya ako na tayong dalawang parehong sinira ng mga Lobregat ay magkasama ngayon, nagtutulong, naghihiganti. Nasimulan na natin kay Almond, unti-unti, tayo ang anay na sisira sa pinaghirapan nila.
(At sa bahay naman ng mga Lobregat...)
Severino: (Palapit kay Jessie) Baby, what do you want?
Jessie: I want my Daddy!
Severino: Pano ba ito? (Humingang malalim) Hindi pa natin pwedeng puntahan si Daddy mo.
Jessie: I also want my Mommy.
Severino: Hindi rin natin pwedeng puntahan ang Mommy mo. SHe is Sick.
Jessie: Bakit lahat sila iniiwanan ako?! (Nagtantrums, umiyak)
Severino: Hindi ka nila iniwan, Baby (Niyakap ang Apo) Apo, may mga nangyayari kasing hindi mo naiintindihan.
Jessie: HIndi naman mahirap yung hinihingi ko diba, Lolo?
Severino: Actually, Apo, Mahirap.
(Pumiglas si Jessie at patakbong lumayo kay Severino...)
Jessie: Ano po ba ang mahirap na makasama ko sina Mommy at Daddy! Ano po ang mahirap doon?!
(Sa pagtapak niya sa unang hakbang ng hagdanan ay tumulo ang dugo sa kanyang ilong, nang kinapa iyon ni Jessie at tiningnan ay nanlaki ang mata nila ni Severino...)
Severino: Apo, bakit ka may dugo sa ilong?!
Jessie: Lolo...
(Biglang nawalan ng malay-tao si Jessie at napahiga sa sahig. Hindi na siya nasalo ni Severino...)
Severino: (Hawak si Jessie) Yaya! Yaya! Tulungan ninyo ako! Jessie! Jessie gumising ka!
(Nagsidatingan ang mga tao sa bahay ng mga Lobregat at pinagtulungan nilang maisugod si Jessie sa Ospital. At nang dumating sila sa Ospital...)
Fresnedi: (Sinalubong si Severino) What happened?! Kagabi si Bernice ang dinala natin sa Ospital, ni hindi pa nagkakamalay ang manugang mo, apo mo naman ang dinala natin dito?
Severino: Hindi ko rin alam. Karma nga siguro ito.
Fresnedi: No, no please, don't say that.
Severino: Hindi imposible na karma ito, Nedi.
Fresnedi: Bakit mo naman nasasabi iyan?Severino: Bunga ng kababuyan si Jessie.
Fresnedi: How could you say that to your grandchild?
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...