Chapter 23 "Ang Tuluyang Pagsabog ng Sikreto"
Fresnedi: May tetestigo para kay Almond?
Severino: Natutuwa ako, na mayroon nga. Sana ay malakas ang testimonya ng kung sinumang taong iyon para mapawalang-sala si Almond
Fresnedi: (Niyakap si Severino) Sana nga
Severino: (kumalas sa pagkakayakap ni Fresnedi) Hindi lang isa, dalawa daw ang tetestigo para sa kanya.
Fresnedi: (nagtaka) Dalawa? (Tumalikod kay Severino) Pero duda ako. Kailangan makausap muna natin ang dalawang iyan. Baka may hidni magandang dala ang mga taong iyan.
Severino: Tiwala naman ako kay Atty. Marquez dahil may pakiusap ang mga testigo na wag sasabihin kahit sa atin ang tungkol sa pagkatao nila dahil kakilala sila ng kabilang kampo at baka may gawin sa kanilang hindi maganda pag nalaman na sila ang tetestigo para patunayan ang pagiging inosente ni Almond sa akusasyon laban sa kanya.
Fresnedi: Natatakot ako sa mga taong iyan.
Severino: (Niyakap si Fresnedi) Wag kang matakot, Nedi, ito na ang hinahanap nating makapagpapawalang-sala sa anak natin.
Fresnedi: Sana nga.
(Kinabukasan ay tinawagan ni Fresnedi si Erson...)
Fresnedi: Magsabi ka sa akin ng totoo, ikaw ba ang tetestigo para kay Almond?
Erson: (Kabilang linya) Teka ano ba iyang sinasabi mo? Diba sinunod na kita? HIndi kita inilaglag, wala akong inamin!
Fresnedi: Eh sino naman ang tumawag sa amin kagabi na tetestigo daw para kay Almond?
Erson: Aba malay ko!
Fresnedi: Pakiusap ko sa iyo, ikaw man ang tetestigo para kay Almond o hindi, alalahanin mong kailangang maibaon sa limot ang pagkakamali natin, kailangang maibaon iyon kasama ng mga labi natin sa oras na mamatay tayo! Alalahanin mong kailangan nating protektahan ang damdamin ng anak ko na nasaktan nating pareho!
Erson: Alam ko, wag mo nang ulit-ulitin sa akin, Ma'am Nedi!
(At ibinaba na ni Erson ang tawag...)
Fresnedi: Hello?! Hello!
(Hanggang sa sumapit na nga ang araw ng sumunod na Hearing, at ang nakaupo na nga sa Witness Stand ay si...)
Atty. Marquez: Erson Rivera.
(Nanlaki ang mata ni Fresnedi nang tawagin ang pangalan ni Erson...)
Fresnedi: (Sa isip) Ano'ng ginagawa mo, Erson!
Maristela: Erson? Bakit ka tetestigo para kay Almond?! Akala ko ba ay mapagkakatiwalaan kita?
Atty. Marquez: Itaas ang Kanang Kamay. Sumusumpa ka ba sa Korteng ito na pawang katotohanan lamang ang iyong ihahayag?
Erson: Sumusumpa ako.
Atty. Marquez: Maraming salamat, Mr. Rivera.
Erson: Huwag ninyo na po akong tanungin, sisimulan ko na. Binabawi ko ang una kong testimonya tungkol sa paghatid ko kay Sir Almond sa isang Restaurant kung saan dinukot si Maristela.
Atty. Marquez: Ano'ng ibig mo'ng sabihin? Na nagsinungaling ka? At binali mo ang sumpa mong magsasabi ka ng katotohanan at pawang katotohanan lamang? Alam mo ba na maaari kang kasuhan ng Perjury dahil sa ginawa mo?
Erson: Alam ko po, pero naipit lamang ako ng sitwasyon.
Atty. Marquez: Anong sitwasyon ang nag-ipit sa iyo para magsinungaling?
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...