Chapter 5 "Ang Pagsilang sa Bunga ng Kasalanan"

224 3 5
                                    

CHAPTER 5 "Ang Pagsilang sa Bunga ng Kasalanan"


Erson : Inay, may sasabihin sana ako sa inyo...

Griselda : Ano naman iyon, anak?

Erson : Hihingin kop o sana ang inyong basbas...

Griselda : Na ano?

Erson : Gusto ko pong pakasalan si Maristela...

Griselda : oo naman, payag ako... Pero paano mo pakakasalan si Maristela lalo ngayong malaki pa ang nagastos mo sa pagpapagamot at pagpapaopera ko...

Erson : Wag nyo na pong intindihin iyon, ako nap o ang bahala... lalo pa ngayong magkakaapo na kayo sa amin...

Griselda : Anong sabi mo? Paano kayo magkakaanak? Hindi pa nga nagiging kayo?

Erson : Ah.. eh... Hindi lang ho namin sinabi sa inyo, matagal na hong kami, Inay...

Griselda : Talaga, Anak? Bakit hindi mo sinasabi na kayo na pala? Buti na lamang, anak at siya ang naging kasintahan mo... Gustong gusto ko si Maristela para sa iyo...

Erson : Oo nga po,inay...

Griselda : Wag kang mag-alala, Anak, magpapagaling agad ako para makapamanhikan na tayo sa pamilya ni Maristela...

Erson : Salamat po, inay...

(At niyakap si Erson ng kanyang ina. Matuling lumipas ang ilang buwan at malaki na ang tiyan ni Maristela at naghahanda na sa kanyang panganganak...)

Maristela : Hello, Erson...

Erson : Bakit Erson lang ang tawag mo sa akin?

Maristela : Oh sige na, Honey...

Erson : Nasaan ka?

Maristela : kakagaling ko lang sa OB Gyne ko.

Erson : Kumusta ang check-up?

Maristela : Eto malakas naman si Baby...

Erson : Saan ka na pupunta ngayon?

Maristela : Sa mall, maglilibang lang ako..

Erson : Eh pano yan, wala kang kasama?

Maristela : Ok lang ako...

Erson : Umuwi ka na pagkatapos mo diyan ha? Sandali ka lang dapat diyan sa mall...

Maristela : Opo, sige nap o... bye...

Erson : Bye.. I love you...

(Hindi pa rin magawang tugunan ni Maristela ng totoong "I love you too" si Erson. Patuloy siyang naglakad lakad sa mall hanggang sa magawi siya sa supermarket, at dahil wala naman siyang magawa ay naisipan niyang lumabas na lang ng mall at umuwi...)

Maristela : Sana naman ay hindi mahirap sumakay ditto.

(Ang tahimik na waiting shed ay umingay nang...)

Babae : Magnanakaw! Magnanakaw!

(nagpulasan ang mga tao at umusiyoso sa naghahabulang pulis, magnanakaw at ang nanakawan. At nang si Maristela na ang sumilip ay...)

Magnanakaw : (Tumatakbo, tinulak si Maristela) Alis diyan!

Maristela : AAAAAAAAHHHHHHH!

(At ang pagkakatulak ng magnanakaw kay Maristela ay nauwi isang kalabog ang nanggulat sa lahat, kasabay ng pagtilamsik ni Maristela sa kalsada. Nagkagulo ang lahat ng tao at nilapitan si Maristela. Bumaba naman ng kotse ang nakabundol kay Maristela...)

Ika - 8 UtosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon