Chapter 20 "Simula ng Pagsingaw ng mga Baho

20 1 0
                                    


Chapter 20 "Simula ng Pagsingaw ng mga Baho"



Maristela: Paano tayo magiging pamilya, Erson?

Erson: Hindi ba nangako ako sa iyo noon, na ako ang tatayong ama sa magiging anak mo sa gumahasa sa iyo?

Nessa: Naaalala ko nga ang pangako na iyon  ni Kuya Erson.

Maristela: Pero napakahirap gawin ngayon, Erson. Isinusuka ako ni Jessie.

Erson: Matututunan din nyang mahalin tayo, Maristela. Hindi naman maikakaila ang katotohanan na ikaw ang kanyang ina.

Letty. Sana nga ay ganoon ang mangyari.

(Samantala, sa bahay naman ng mga Lobregat...)

Atty. Marquez: Ikinalulungkot ko pong sabihin, Mr. and Mrs. Lobregat, na lumakas po ang laban ni Maristela sa inyo, na aking kliyente. Bukod sa naverify po na hindi falsified ang ipinresent niyang mga DNA Test results at iba pang mga dokumento, nakakulong si Mr. Almond Lobregat, at kasalukuyan pong pinaglalamayan si Mrs. Bernice Lobregat, at bilang naestablish na po na si Jessie ay ninakaw noon sa kanyang Biological Mother na si Maristela Corcuera,kaya napakalaki ng chance na mapupunta po sa kanya ang custody ng bata.

Jessie: (Yumakap kay Severino) Ano po'ng ibig ninyong sabihin? Mapupunta ako sa Bad Witch?

(Naluha si Jessie sa narinig niya...)

Severino: Baby, hindi hahayaan ni Lolo na mapunta ka sa kanila.

Fresnedi: Yaya, pakipasok nga si Jessie sa kuwarto niya.

Yaya: Opo, Ma'am Nedi.

Jessie: Hindi ako papayag na mapunta ako sa Bad Witch na iyon! Hindi bad si Daddy Almond!

(Umiiyak si Jessie na tumakbo pumasok sa kuwarto kasunod ang kanyang yaya...)

Severino: Ano ba itong nangyayari sa Pamilya ko? Nalalagas isa isa! Napagbintangan at nakulong ang anak ko sa kasalanang di naman niya ginawa, namatay ang manugang ko, at nanganganib na mawalay sa akin ang Apo ko dahil kinukuha na ng nagpapakilalang ina!

Fresnedi: Who knows why?

(Napaupo na lamang si Severino na umiiyak, habang nakatingin sa kanya si Fresnedi...)

Fresnedi: (Sa isip) Malalagas ang lahat sa iyo, at sisiguraduhin kong walang matitira sa iyo, maski isang titik sa kasuklam-suklam mong pangalan ay mawawala sa iyo!

(Matapos sabihin iyon sa kanyang isip ay palinlang niyang niyakap ang kanyang asawa...)

Fresnedi: Kakayanin natin ang lahat ng ito.

Severino: Salamat, at hindi mo ako nagawang iwanan sa madilim na sandali ng buhay ko, Fresnedi.

Fresnedi: Bakit naman kita iiwanan?

(Habang nakayakap si Fresnedi ay nangingiti siya na parang demonyo...)

Fresnedi: (Sa isip) Paanong di ko kakayanin ito, ako ang nagplano ng lahat ng ito, at Bakit naman kita iiwanan? Ang sarap mong panooring naghihirap habang pinaiikot kita sa palad ko!

(Hanggangs a sumapit ang araw ng libing ni Bernice....)

Almond: (Nakaposas, patakbong lumapit sa kabaong ni Bernice) Bernice! Asawa ko!

(Nilapitan si Almond nina Fresnedi, Severino at Jessie...)

Jessie: Daddy (Umiiyak) Iniwan na tayo ni Mommy.

Ika - 8 UtosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon