Chapter 27 "Ang Muling Paggawa ng Mali"
(Sama-samang naghihintay sa labas ng Operating Room ang pamilya ni Jessie...)
Maristela: Diyos ko, wag nyo po muna sanang kunin sa akin ang anak ko!
(Nag-iiyakan lamang sila doon sa pasilyo ng Ospital, nang makailang saglit ay dumating ang Doktor na nangangalaga kay Jessie...)
Maristela: Doc, kumusta ang anak ko?
Doctor: We did our best, but she didn't made it.
Maristela: (Itinulak ang Doktor) Hindi, bumalik ka roon, operahan mo ang anak ko. May pambayad kami.
Doctor: I'm really sorry, Ms. Corcuera, Mr. Lobregat...
(Napaupong humahagulgol si Maristela dahil sa narinig niya, kasabay noon ay naglakasan ang palahaw ng iyak ng mga kasama niya roon.)
Almond: Papa, kulang ang gastos natin, hindi nasagip ang anak ko! Dagdagan pa natin!
(Napayakap na lamang si Severino sa kanyang anak...)
Letty: Jessie...
Nessa: Jessie, ni hindi man lang kita nakasama ng matagal...
(Ilang oras lamang ang nakalipas ay nagpunta sa mall sina Almond at Maristela para ibili si Jessie ng kanyang isusuot sa kabaong...)
Maristela: (kinuha ang mga hanger na may lamang damit) Ito, ito, ito. ito.
Maristela: Miss, ikaw ang tumingin kung ano ang babagay sa anak ko base sa picture niya.
Saleslady: SIge po, Ma'am
(Kinuha ni Maristela ang kanyang cellphone at ipinakita ang picture ni Jessie...)
Maristela: Alin diyan sa kinuha ko ang bagay sa anak ko?
Saleslady: (Tumitingin sa Cellphone at sa Damit) Bagay naman sa kanya lahat, maganda po iyong anak ninyo, Ma'am, Pero mas maganda kung siya mismo ang susukat niyan. Hindi po ba ninyo siya kasama?
(Sa tanong na iyon ay muling bumuhos ang luha sa mga mata nina Almond at Maristela, kaya nagtaka ang saleslady kung bakit sila nag-iiyakan...)
Saleslady: May problema po ba, Ma'am? Sir? May masama po ba akong nasabi?
Almond: (Nagpunas ng luha) Hindi na niya masusukat iyan dahil patay na siya. Ang pinagpipilian namin ay ang isusuot ng anak ko sa Kabaong niya.
Saleslady: Diyos ko, Condolence po, Ma'am, Sir.
(Niyakap ni Almond si Maristela sa gitna ng mga nagtumpukang saleslady na narinig ang kanilang kwento...)
Almond: Kukunin na rin namin iyan lahat, doon na namin pagpipilian sa Morgue.
Saleslady: Opo, Sir.
(Samantala, sa Kulungan naman kung saan nakapiit si Erson...)
Erson: Inay, bakit ka may dalang malaking plastik at nakahanger na damit? Damit ng Batang Babae iyan ah?
Griselda: Anak...
Erson: Bakit ninyo binilhan ng magarang damit si Jessie? Pangbirthday niya?
(Hindi na napigil ni Griselda na mapahagulgol sa harapan ng anak...)
Erson: Inay? Bakit ganyan ang iyak ninyo?
Griselda: Si Jessie, anak... Wala na si Jessie...
Erson: Ano'ng wala na si Jessie? Eh hayan reregaluhan ninyo ng damit?
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...