Chapter 16 "Ang Paglabag ni Maristela sa Ika-8 Utos"
(Tuluyang umalis ng kwarto si Maristela, hindi niya pinapansin ang panaghoy ni Bernice na humihingi ng tulong at hindi makahinga sa paninikip ng dibdib. Tumungo siya sa Elevator at saka sumakay roon at dumeretso na siya sa Hall kung saan nagaganap ang Launching ng Partnership ng Lobregat Congomerates at Santander Group of Companies. Naabutan niyang tinatawagan ni Almond si Bernice...)
Maristela: Sino ang tinatawagan mo?
Almond: Si Bernice, magsisimula na ang program.Maristela: Nakasalubong ko siya sa Comfort Room, may pupuntahan lang daw siya saglit at dito na siya dederetso.
Almond: (Itinago ang Cellphone sa Bulsa) Sige. (BUmaling kay Jessie) Jessie, baby, diyan ka muna sa Lola Nedi at Lolo Sev mo,okay lang ba?
Jessie: Opo.
(Hinalikan ni Almond si Jessie sa noo, niyakap naman siya ng Bata. Nakatitig naman sa kanila si Maristela. Lumapit sa kanila si Fresnedi...)
Fresnedi: Wag mong alalahanin si Bernice, mamaya ang nandito na siya. Ako na ang bahala sa apo, ko, hindi ba, sweetie?
(Inakay na ni Fresnedi si Jessie papunta sa kanilang mesa at upuan, at nagsimula na nga ang Programa. Tinawag na si Maristela para sa kanyang Speech.)
Maristela: This night will never be possible without the help of everybody. President, Chairman and CEO of Lobregat Conglomerates, Severino Lobregat, The woman behind his success, Fresnedi Natividad-Lobregat. And to the better half of this Partnership, Almond Lobregat. Now I announce the Officia Partnership of Lobregat COnglomerates and Santander Group of Companies!
(Nagpalakpakan ang mga tao nang marinig ang Opisya niang Partnership...)Maristela: Let's have a toast for this Wonderful Partnership!
(Kanya-kanya nang taasan ng Wine at Champagne Glasses ang mga bisita bilang isang hudyat ng Cheers para sa dalawang kompanya...)
Almond: Para sa mga future projects ng LC at SGC, panorin po natin sa Video na ito.
(At bigla ngang dumilim nang bahagya at puro dimlights na lamang ang nakabukas para sa Presentation. May nagplay na video na ikinagulat ng lahat, kung saan nagsasalita ang isang Random Voice...)
Random Voice sa Video: Limang taon na ang nakakaraan nang may nakatagpo akong lalake sa isang restaurant para sa isang Small Business Transaction. nang naroon na kami sa isang Private room sa isang Restaurant, bigla na lamang nagpakita sa akin ang lalakeng nakamaskara. Bigla niya akong tinutukan ng Baril, at nang matakot ako para sa aking sarili ay sinamantala niya ako, tinakpan ang aking mukha ng panyo na may masamang amoy, at nagising na amang akong walang kahit na anong suot sa isang Hotel, at may nakalapag na Pera sa Mesita sa tabi ko. Mga ilang linggo amang ay naaman kong nabuntis ako ng hayop na baboy na lalakeng iyon. HIndi ko ipinalaglag ang bata, dahil balak naman akong panagutan ng isang kababatang mataga nang mayroong pagtingin sa akin, ngunit hindi pa nakuntento ang walanghiyang hindi makilalang lalake, sinusundan ako gamit ang isang Van na walang plaka, at kinorner ako para kunin ang sanggol na bunga ng kahayupan at kababuyan niya.Ngunit nagkamali siya ng kios, may nailaglag siyang Flashdrive habang ipinananakaw ang anak ko, kaya nakilala ko siya. Anim na taon kong pinaghandaan ang paghihiganting ito, para sa hustisya, at para bawiin ang anak ko, ngunit bago ko ireveal kung sino ang salarin, gusto kong makita ninyo ang DNA Test results namin ng anak niya. Positive ang resulta, mag-ina kami, May Notaryo ang mga DNA Test na pinagawa ko sa limang DNA Testing Centers, bilang patunay na walang pamemekeng nagaganap rito, at katotohanan at tanging katotohanan lamang ang aking isisiswalat sa gabing ito. ANg tao sa likod ng mga pagdurusa ko ay walang iba kundi ang anak ni Severino Lobregat na si Almond Lobregat!
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...