Chapter 10"Pagbilog sa Ulo ni Bernice"
(Patuloy lamang sa pagring ang cellphone ni Almond ng hindi niya napapansin habang patuloy sila ni Maristela sa kanilang maiinit na sandaling iyon.
Maristela : Almond, ang cellphone mo, tumutunog
Almond : Don't mind that piece of crap...
(Siniil ni Almond ng halik si Maristela. Lalong uminit ang tagpo sa pagitan nilang dalawa at paulit ulit nilang ginawa iyon. Hanggang kinabukasan...)
Almond : (Nag-iinat) Umaga na pala...
(Gumagapang ang mga kamay ni Maristela sa katawan ni Almond...)
Maristela : Good Morning...
Almond : Good morning din. Hey, What are you doing?
Maristela : No, wala akong ginagawa!
Almond : Anong wala?
(Patuloy lamang ang paggapang ng kamay ni Maristela sa kung saang parte mang katawan ni Almond ito dumaan..)
Almond : Ayan? You're so naughty... Kung saan saan pumupunta ang kamay mo.
(Tumawa lamang si Maristela, nang biglang nagring muli ang cellphone ni Almond...)
Almond : (Dinampot ang cellphone) 10 missed calls. Tumatawag ngayon si Bernice. Tumatawag ang asawa ko!
Maristela : Pupunta lang ako sa CR, maliligo na ako.
(Tumungo nga si Maristela sa CR. Doon ay isinambulat nya ang kanyang tunay na nararamdaman...)
Maristela : (Binuksan ang shower, umiiyak) Maristela... Sa ginawa mo, lalo mong pinatunayang karapat-dapat kang babuyin ng kahit sinong lalake!
(Kinuha nya ang sabon at ikinuskos sa buo nyang katawan, sa mukha, maging ang kanyang bibig ay ubos-lakas niyang sinabon. Hanggang sa dumugo ang kanyang labi....)
Maristela : (Sa isip) Pagkatapos kang babuyin ng lalakeng ito, nagpagamit ka na naman?!
(Patuloy lamang si Maristela sa ganoong sitwasyon, habang si Almond naman...)
Almond : Good morning, Bernice...
Bernice : (Kabilang linya) Hello? Bakit naman hindi mo sinasagot ang tawag ko kagabi?
Almond : I'm sorry, may inaasikaso ako kagabi.
Bernice : What? Kakauwi mo pa lang trabaho agad? Hindi ka man lang nagpahinga?
Almond : Precisely. Kaso naghintay ako sa wala. Hindi natuloy ang meeting namin ng magiging business partner ko na ipapakilala sa akin ni Tita Nedi. Pagdating ko kasi ay tinawagan siya ni Papa at pinasusunod siya sa Cebu.
Bernice : Ganoon ba? Si Jessie gusto kang makausap. (Itinapat ang camera ng cellphone kay Jessie)
Almond : Hello? My Baby Jessie?
Jessie : Hello? Daddy... Miss ko nap o kayo...
Almond : Miss ko na rin ang baby girl ko... Sleep ka na, baby, gabi na diyan.
Jessie : I love you, daddy. Sleep nap o kami ni Mommy...
Almond : I love you too, Baby Jessie...
(Hindi nila nalalaman na nakikinig sa usapan ng mag-ama si Maristela....)
Maristela : (nakatago sa likod ng pinto) Baby ko... Miss na miss na rin kita....
(Kasabay ng mga salitang iyon ay muli na namang dumaloy ang luha mula sa mga mata ni Maristela...)
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...