Chapter 6 "Luha ng isang Ina"

177 4 1
                                    

Chapter 6 "Luha ng isang Ina"


(Nakasunod pa rin ang van sa kanya, kaya ang ginawa ni maristela ay...)

Maristela : (HUmarang sa kalsada) Hayop ka!

(Dahilan para mapahinto ang Van. Nang huminto iyon ay hinampas ni Maristela ang bumper nito...)

Maristela : Walang hiya ka! Bakit ka sunod ng sunod sa akin?! Gusto mo bang ipapulis kita!? Magsabi ka lang! Baka akala mo hindi ko alam na iyang van nyo ang nangunguha ng mga bata at inaalisan ninyo ng lamang loob?!

(Pinagpukpok ni Maristela ang bumper ng Van...)

Maristela : Ano?! Wala ka bang balak na buksan ang pinto o kahit yang salamin ng sasakyan mo at harapin ako?!

(Sa halip na pagbuksan siya ng salamin ng Van ay pinaharurot nya ito at tinalsikan ng putik si Maristela...)

Maristela : Hoy! Saan ka pupunta?! Walang hiya ka! Tingnan mo itong ginawa mo sa akin! (Kumuha ng bato at ipinukol sa van) Buwisit ka!

(Umuwi si Maristela na puno ng pagkainis. Pagdating niya sa bahay...)

Letty : (Kalong ang Sanggol) Ano bang nangyari sa iyong bat aka? Para kang kalabaw na naglublob sa putik?

Maristela : Buwisit ho kasi yung nagmamaneho ng van, ang tulin, ayun natalsikan ako ng putik!

Letty : Sige na, magbihis ka na doon. Pagkapahinga mo maligo ka. (Nilalaro ang sanggol) Oh, hindi na, hindi na... narinig mo na naman kasi ang boses ng nanay mo kaya nagmamarakolyo ka na... Ano? Ha? Magbibihis lang ang nanay ha?

(Dumiretso na lamang si Maristela sa kanyang kwarto. Kinabukasan, sa bahay naman ng mga Lobregat...)

Fresnedi : I have a good news for you, Almond and Bernice!

Bernice : Ano naman iyon?

Fresnedi : Malapit nap o akong makakuha ng batang maa-adopt ninyo ni Almond, Bernice!

Bernice : Talaga?!

Almond : Bernice, baby, your promise?

Bernice : Okay.. I'll behave. Kanino ka nakakuha ng batang aampunin?

Fresnedi : Hindi na mahalaga iyon sa ngayon.

(Biglang dumating si Severino...)

Severino : Did I heard it right? Magkakaapo na rin ako?

Fresnedi : Yes, Pero Sayang naman at hindi namin makakasama ang bata ng matagal.

Severino : Huh? Bakit naman?

Bernice : Pansamantala lang naman po, Magtatago lang naman po kami, para hindi na habulin ng nagpaampon ang bata, baka magbago pa ang isip, mawalan ako ng anak na matagal ko ng pinangarap..

Fresnedi : (Bumuntong-hininga) Ano pa ba ang magagawa namin...

Severino : Basta alagaan ninyo ang apo ko ha? Kailangan maging maganda o gwapo,matalino at mabait ang batang iyon para mamana nya ang LSS (Lobregat Shipping Services)

Bernice : Syempre naman po, Papa...

(Matalim na titig lang ang ipinukol ni Fresnedi sa mga nagsasayang sina Severino, Almond at Bernice...)

Fresnedi : (Sa isip) Grab the opportunity of being happy, dahil huli na iyan, hindi n'yo na iyan mararanasan pa!

(At si Maristela at ang kanyang anak naman...)

Letty : Sigurado ka bang kaya mong pumunta sa Ospital ng mag-isa?

Nessa : Samahan na kita, Ate...

Ika - 8 UtosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon