Chapter 21 "Ang Katotohanang Ikagugulat ni Fresnedi"

29 1 0
                                    

Chapter 21 "Ang Katotohanang Ikagugulat ni Fresnedi"


(Napaatras si Fresnedi at tumakbo sa malayo nang makita at marinig na magkasama sina Erson, Letty at Maristela...)

Fresnedi: (Naiiyak) Hindi. Patay na kayo. Kaya ko nga kayo ipinaghiganti dahil pinatay kayo ni Severino, ng magulang niya!

(Napaupo nang tuluyan si Fresnedi habang humahagulgol...)

Fresnedi: Ipinaghiganti ko kayo kasi ang alam ko patay na kayo! Pero ano'ng nangyari?! Anak ko ang ginahasa ni Erson?!

(Tumakbo si Fresnedi papunta sa Parking lot na umiiyak, pinaandar ang kanyang kotse at saka humarurot sa daan. Halos paliparin niya ang sasakyan habang patuloy na humahagulgol. Inihinto niya ang kanyang kotse nang makarating siya sa isang dalampasigan. Doon siya nagsisigaw, kumuha ng buhangin at saka ipinagbabato iyon sa dagat...)

Fresnedi: Hindi! Hindi! Patay na kayo! Patay na kayo! Nagpakasama ako dahil patay na kayo! Pinatay kayo ng mga Lobregat! Ano iyon, Nasayang ang halos dalawang dekada kong pagpaplano na maghiganti?! Ipinaghiganti ko ang kamatayan ng anak ko, tapos anak ko pala ang nakataya at naisugal para maging pain sa paghihiganti ko?! Diyos ko sana patay na lang ang anak at kapatid ko dahil sukang suka ako sa ginawa ko!

(Napaupo na lamang sa buhangin si Fresnedi habang hinahagulgulan ang katotohanang kinakaharap niya. Samantala sa Ospital naman...)

Griselda: (Palapit kina Maristela) Maristela, Erson, Anak...

Erson: Inay.

Letty: Mabuti na lang at nandito si Erson, Griselda.

Griselda: Oo nga, buti at nagmatch ang Bone Marrow nilang dalawa ng anak ni Maristela.

Letty: Pero wag sana kayong maooffend, ha? Nakakapagtaka lang na hindi nagmatch si Jessie sa ama niyang rapist, at kay Erson siya nagmatch na hindi naman niya kaanu-ano.

Griselda: Kung hindi lang mabuting bata itong anak ko, at kung hindi ko siya anak, dudumi ang isip ko na baka siya ang ama ng bata. 

Nessa: Oo nga po, Aling Griselda, tapos mahal na mahal pa po niya ang bata maski di pa niya nakakasama ng matagl, maski noong ipinagbubuntis pa lang siya ni Ate Maristela todo alaga na siya, lalong ang lakas makalakas ng hinala na siya ang tatay ni Jessie

Griselda: Pero sana nga hindi na lang nangyari iyon kay Maristela at si Erson na lang ang naging ama ni Jessie?

(Namumutla si Erson, hindi mapakali sa mga naririnig niya...)

Maristela: Erson, ano'ng nangyayari sa iyo? Ba't ka nagkakaganyan?

Erson: Ito kasing sina Inay, tama na nga iyang mag Conspiracy theory ninyo sa nangyari kay Maristela. Kapapanood ninyo ng mga Teleserye yan sa Hapon e. Tsaka hindi biro ang trauma ng Rape para banggitin mo pa iyan sa mukha ni Maristela.

Griselda: Eh bakit parang nagagalit ka?

Erson: Eh kasi sa mga sinasabi mo, Inay.

(Biglang nagring ang Cellphone ni Erson. Nang makita niyang si Fresnedi ang tumatawag ay lumayo siya saka iyon sinagot...)

Erson: Ma'am Nedi, huwag ngayon.

Fresnedi: (Kabilang linya) Ano'ng hindi pwede? Magkita tayo ngayon!

Erson: Tungkol po ba saan?

Fresnedi: May ipapatrabaho ako ulit sa iyo.

Erson: Huwag mo nang dagdagan pa ang kasalanan ko, Ma'am Nedi! Sobrang hindi na ako pinapatulog ng konsensya ko!

Ika - 8 UtosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon