CHAPTER 12 "Simula ng mga Plano"
(Pagdating sa kwarto ay ibinaba ni Almond sa kama si Maristela...)
Almond : Hinding hindi na kita pakakawalan pa, Samara...
Maristela : Almond...
(Muling hinalikan ni Almond si Maristela sa kanyang labi. Ang halik na marahan ay unti-unting nag-alab at naging marubdob. Kung si Almond ay nanatiling nakapikit, si Maristela naman ay idinilat ang kanyang mata, at nanlaki ito habang itinutuloy ni Almond ang pag-angkin sa kanyang labi...)
Maristela : (Pumiglas) Sandali...
Almond : Samara...
Maristela : Baka makita tayo ng asawa mo.
Almond : Ssshhh... Wag kang mag-alala, tulog na si Bernice sa mga panahong ito.
Maristela : Pero...
Almond : Samara, I love you...
Maristela : Alam mob a ang sinasabi mo, Almond?
Almond : Alam na alam ko, Samara.
Maristela : Almond...
(Hindi na nakapagsalita pa si Maristela nang hinalikan siyang muli ni Almond. Kahit manlaban si Maristela ay hindi niya magawa,dahil tinutugon niya ang halik ni Almond. Nag-uumpisa nang gumapang ang kanilang labi sa iba't ibang bahagi ng kani-kanilang katawan. Isa isa na ring natanggal ang kanilang mga suot, kasabay ng biglang pagbuhos ng ulan. Silang dalawa lamang ang hindi nilamig sa gabing iyon dahil sa pinagsasaluhan nilang init. Matapos ang pagsasalo nilang iyon ay nakatulog si Almond, at si Maristela naman ay lumabas sa Veranda at hinayaang mabasa ang sarili ng ulan...)
Maristela : (Umiiyak) For the Nth time, hinayaan ko na naman siyang pagsawaan ang katawan kong minsan at paulit-ulit niyang binababoy...
(Nanatili lamang siyang nakatayo sa gitna ng ulan nang ilang sandali. Pagkatapos noon ay pumasok siya sa loob ng kanyang kwarto, pinunasan ang kanyang sarili ng tuwalya. HUmarap siya sa salamin at pinagmasdan ang kanyang hubad na katawan...)
Maristela : Hindi man nakikita ng mata ko, pero ramdam kong marumi pa rin ako, duming hindi basta basta matatanggal ng simpleng pagligo at pagsasabon. Duming hinayaan kong muling dumampi sa akin.
(Naluha muli si Maristela habang pinagmamasdan ang kanyang hubad na katawan sa salamin. Nakita niya ang alcohol na nakapatong sa tokador, kinuha niya iyon atibinuhos sa kanyang katawan, nakaramdam siya ng hapdi kaya tiningnan niya kung ano ang pinanggalingan ng hapding iyon. Nakita niya na may sugat siya, kalmot...)
Maristela : Tulad nito, hinayaan ko na namang saktan ako ng hayop na Almond na ito...
(Pinatakan ni Maristela ng Alcohol ang sugat niya, ngunit kahit hapdi ang kanyang nararamdaman ay pinaagos niya ng todo ang alcohol sa kanyang kalmot, pikit-matang umiiyak...)
Maristela : Sige, Maristela, kailangan mong tiisin ang hapding nararamdaman mo.
(Ilang sandali niyang pinigil ang hapding nararamdaman niya, hanggang sa hindi na niya nakayanan at tumigil sa paglalagay ng alcohol sa kanyang sugat. Tuloy-tuloy siyang umiyak pagkatapos noon, hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iyak na iyon. Kinabukasan...)
Almond : (Nagising) What the hell...
(Nang makita nya ang kanyang sariling walang suot na kahit ano ay agad siyang nagbihis at tumungo sa kwarto nina Bernice. Walang tao pagdating niya roon, kaya bumaba siya. Nakita niyang nag-aalmusal ang buong pamilya kasama si Maristela...)
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...