Chapter 24 "Ang Pagbabayad ng mga Tunay na Nagkasala"
(Dumating ang mga Pulis sa bahay nina Erson...)
Pulis: Nandiyan po ba si Erson Rivera?
Griselda: Po?
Erson: Inay, sino ba iyan...
Pulis: (inilabas ang Warrant of Arrest) Ikaw ay inaaresto sa salang Panggagahasa, Forcible Abduction at Kidnapping of Minor. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo.Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan. Men, posasan na siya.
Griselda: (Umiyak) Mamang Pulis, parang awa ninyo na po, wag po ninyong hulihin ang anak ko...
Erson: Pakiusap, wag po ninyo akong posasan sa harapan ng nanay ko, maayos at walang panlalaban po akong sasama sa inyo. At hayaan po ninyo sana akong makausap ang inay ko maski ilang segundo lang.
(Pinagbigyan naman ng mga Pulis si Erson sa kanyang hiling...)
Erson: (Umiiyak) Inay, patawarin ninyo ako sa nagawa ko. Nagawa ko lamang iyon dahil sa gusto kong madugtungan ang buhay ninyo. Mahal na mahal kita inay.
(Tumalikod na si Erson at lumakad na sila ng mga Pulis papunta sa Mobile, habang nakatingin sa kanya ang kanyang lumuluhang ina...)
Griselda: Erson, anak...
(Hanggang sa hindi na napigil ni Griselda ang kanyang sarili at hinabol ang Police Mobile. Nakita ni Erson na hinahabol siya ng kanyang ina na mga ilang sandali lamang ay nadapa nang hindi sila naabutan...)
Erson: (Umiiyak) Inay...
(Lumingon na lamang si Erson sabay iyak nang nakapikit sa loob ng Mobile. Samantala, sa isang Karinderya naman ay nakafacemask na nakaupo si Fresnedi habang nanonood ng Balita, at saktong ang ibinabalita ng reporter ay tungkol sa kanya...)
Reporter: (Sa TV) Inilabas na ang Warrant of Arrest laban sa kilalang Businesswoman na si Fresnedi Natividad-Lobregat para sa kasong Kidnapping, Forcible Abduction at Utak sa Panggagahasa sa isang babae na kinalaunan ay napag-alamang kanya palang nawawalang anak.
Tindera: Napakasama naman ng babaeng iyan!
Customer 1: Kaya daw siya nagpagahasa ng kung sinong babae, para isisi sa Stepson niya, nabasa ko sa diyaryo yan!
Customer 2: Kasi nga ang inasawa niya ang may-ari ng lumubog na MV Reina Del Mar noon. Totoo namang may kasalanan ang may-ari ng Lobregat Shipping Services dahil nagpalayag sila ng Barko pero sobra pa sa tauhan sa teleserye kung makapaghiganti ang Fresnedi Natividad Lobregat na iyan!
Tindera: Oo nga e, bintang siya ng bintang, di niya muna hinanap ang anak niya at kapatid kung namatay nga ba talaga, nakaligtas o hindi nakasakay, ayan nilabag niya ang Ika-8 Utos na Huwag Magbintang o Manirang-Puri sa Kapwa!
Customer 2: Ayan ang karma niya, anak pala niya ang napagahasa niya!
(Nang walang anu-ano'y hinubad ni Fresnedi ang kanyang suot na Face Mask at sinadyang ipakita ang mukha sa mga tao...)
Customer 1: Ay, Si Fresnedi!
Tindera: Asan? (Napatingin kay Fresnedi) Ang Babaeng Kriminal na kakapalabas lang sa TV nandito!
(Nagkagulo sa buong Karinderya nang marinig nila ang tindera at mga customers na nililibak si Fresnedi na nasa harapan nila...)
Customer 2: Isara ninyo ang pinto, baka makakawala!
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...