Chapter 1 "Ang Hudyat ng Paglabag sa Ika - 8 Utos"
(Isang gabi, sa lugar nina Maristela sa Navotas ay nagkakagulo...)
Maristela : (Nagising) Sunog?
(Dali-daling bumalikwas ng bangon si Maristela para tumingin sa bintana at nagulat sya sa kanyang nakita...)
Maristela : (Napatakip ng braso sa mukha) AAAAAAAHHHHH!(Agad siyang tumakbo at ginising sa kabilang kwarto sina Letty at Nessa...)
Maristela : Tiyang! Nessa! Gumising kayo! May sunog! Nasa katapat na bahay na natin ang sunog!Letty : (Bumangon) Ano?! (Tumayo at walang malamang gagawin) Nessa, kunin mo ang mga papeles natin, iyon ang pinakamahalaga! Kahit ano'ng mabitbit na lang ang bitbitin!
Nessa : (Bumangon) Opo, Nay.
(Kanya-kanya nang kuha sina Maristela, Letty at Nessa nang kung anuman ang kanilang madampot at mailagay sa kanilang dalang malaking basket. Matapos iyon ay dali-dali na silang tumakbo sa basketball court.)
Barangay Kagawad : Lahat po ng nasunugan ay ditto po muna pansamantalang titigil sa covered court ng ating barangay, sa ngayon ay kinokontak na po ni Kap sina Mayor at Congressman para sa tulong na ibibigay sa atin, pati sa Kapuso Foundation tumatawag na rin.
(Nagpatuloy ang usap-usapan at hinagpis ng mga taong nasunugan nang biglang...)
Rescuer : May nasunog! May biktima ng sunog!
Barangay Kagawad : Sino ang nabiktima? Kilala nyo ba?
Rescuer : Tingnan nyo po kung kilala ninyo, Kagawad.
(Sinilip ni Kagawad ang taong sinasabing nasunog ng buhay...)
Barangay Kagawad : Aling Griselda?
(Nanlaki ang mata ni Maristela nang marinig ang pangalan ng taong nasunog..)
Maristela : Diyos ko! Ang nanay ni Erson!
(Agad na dinukot ni Maristela ang kanyang Cellphone at tinawagan si Erson...)
Maristela : Erson.. Sumagot ka naman..
(Habang ang tinatawagan namang si Erson ay..)
Erson : (Nakahiga at tulog, Nagising at kinuha ang cellphone) Sino ba 'to? Gabing gabi na, tawag pa ng tawag..
Maristela : (Kabilang linya) Erson..
Erson : (Bumangon) Maristela? Bakit ganyan ang boses mo? May nangyari ba?
Maristela : Ang nanay mo.. (Nangangatal ang boses, umiiyak) Si Aling Griselda...
Erson : Ano'ng nangyari kay Inay? Sabihin mo!
Maristela : (umiiyak) May sunog kasi ditto sa atin, At nasunog ang nanay mo, si Aling Griselda. (Humagulgol)
(Dahil sa narinig ay agad na bumangon si Erson at nagbihis. Lumabas siya sa kanyang kwarto, na katapat ng Kusina, at naroon si Fresnedi na umiinom ng tubig...)
Fresnedi : Erson? Why are you still up at this hour? At bakit bihis ka at parang nagmamadali?
Erson : (Hysterical) Ma'am Nedi, kailangan ko lang pong puntahan ang nanay ko ngayon, may sunog po sa lugar namin, at nasunog po ang nanay ko, kaya sana naman po payagan niyo ako ngayon.
Fresnedi : (Nagulat) Oh my god! Okay, go! Umalis ka na!
(Agad na ngang tumakbo si Erson papunta sa garahe ng Mansyon ng mga Lobregat, at pinaandar ang kanyang motorsiklo. Binuksan niya ang gate at lumabas doon. Nagmamadali siya, pinaharurot na maigi ni Erson ang kanyang Motorsiklo, na halos paliparin na, makarating lang sa lugar nila. At nang makarating sa Covered Court si Erson..)
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...