Chapter 22 "Ang Unang Pagharap ni Fresnedi sa kanyang Kasalanan"
Erson: Nababaliw ka na nga talaga ano? Anak mo si Maristela?
(Tawang-tawa si Erson sa mga narinig niya mula sa bibig ni Fresnedi. At dahil nainsulto si Fresnedi ay sinampal niya si Erson...)
Fresnedi: Mukha ba akong nagbibiro?!
Erson: Oo! Napakataba ng Utak mo pagdating sa Kabaliwan! Ngayon naman ay inaangkin mong anak mo si Maristela?!
(Nagulat si Erson sa inasal ni Fresnedi na iyon. Kasabay noon ay ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Fresnedi...)
Fresnedi: Noong nandoon kayo sa Ospital nang isugod ninyo si Jessie, nasa malapit lang ako, nag-uusap kayo nang banggitin ni Letty na hindi daw nagpakaina ang ina ni Maristela dahil hindi man lang daw sila hinanap ng taong iyon mula nang mabalitang lumubog ang Barkong sinasakyan nila. Hindi nila alam na nagpakasama ako, at pinlano ng higit dalawang dekada ang paghihiganti ko para sa kanilang buhay na inutang ni Severino. At heto, hindi ko alam na hindi naman pala inutang ni Severino ang buhay nina Ate Letty at Maristela.
(Natahimik si Erson nang marinig si Fresnedi...)
Erson: Ibig sabihin, anak ninyo ang ginahasa ko?
Fresnedi: Ganoon na nga.
Erson: Nakakadiri tayong mga nilalang.
Fresnedi: Hindi maaaring malaman ni Maristela ang mga pinaggagawa natin sa kanya, kaya mananatili ang plano natin, wala kang aaminin, Erson. Ididiin mo pa rin si Almond na siya ang nanggahasa sa anak ko.
Erson: Maninira na naman tayo ng buhay?
Fresnedi: At ano ang gusto mo? Malaman ni Maristela na ang gumahasa sa kanya ay ang bestfriend niya? At ang nag-utos sa Bestfriend niya na gahasain siya ay ang nanay niyang matagal na niyang hinahanap? Mag-isip ka, Erson!
Erson: Ma'am Nedi nakokonsensya na ako!
Fresnedi: Ikaw lang ba?! Alam ko ang nararamdaman mo ngayon! Bestfriend mo lang ang nagawan mo ng kawalanghiyaan, ako sarili kong anak! Ang anak na dahilan ng paghihiganti kong ito! Ito na ang Karma ko! Kaya magtulungan tayong ibaon sa limot ang Sikretong ito!
(At ilang saglit na nga lang ay nasa loob na sila ng Paglilitis...)
Severino: (Bumulong kay Fresnedi) Bakit nandito si Erson, ano ang alam niya sa nangyari?
Fresnedi: Hindi ko alam.
Severino: Sa nakikita ko, nakapuwesto siya doon sa panig ni Maristela, ibig sabihin, nakapanig siya sa sinungaling na babaeng iyan?
Fresnedi: Who knows? Let's see.
Atty: Gonzalez: At tatawagin na po natin ang unang sasalang sa Witness Stand ay si Erson Rivera.
(Lumapit si Erson at naupo sa Witness Stand...)
Atty. Gonzalez: Pakitaas ang kanang kamay. Ikaw ba ay sumusumpang pawang katotohanan lamang ang iyong sasabihin dito sa Korte?
Erson: Opo.
Atty. Marquez: Sisimulan ko na po, Your Honor. Pakikwento sa amin ang mga nalalaman mo, ang pangyayari bago maganap ang Krimeng ginawa kay Maristela Corcuera.
Erson: Nang araw na iyon po, ay parang hindi mapakali si Sir Almond, gusto niyang magpunta kami sa isang Restaurant, mayroon daw po siyang kukuning importante at kikitaing tao, at kailangang kailangan niya po iyon. Nang makarating po kami sa Restaurant, sinabihan na po niya akong iwan siya, kinuha niya ang susi sa akin, binigyan ako ng perang pangcommute at siya na daw ang magdadrive pauwi. Clueless naman po ako sa mga balak niyang gawin tapos nagulat na lang ako na ganoon pala ang ginawa ni Sir Almond nang wala ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...