Chapter 26 "Ang Pagdugtong sa Buhay ni Jessie"
Almond: Pero Maristela...
Maristela: Ako ang masusunod pagdating sa anak ko! HIndi si Erson ang dudugtong sa buhay ng anak ko! Kung kinakailangang galugarin ko lahat hanggang sa kaliit-liitang ospital at Specimen Banks para makakuha ng magmamatch kay Jessie, gagawin ko, pero hinding hindi si Erson!
Almond: Paano naman ang desisyon ko bilang ama? Balewala?
Maristela: Isipin mo nga, Almond! Pinagbintangan kitang ikaw ang gumahasa sa akin dahil sa kagagawan at kasinungalingan ng lalakeng iyon! GUsto mong magkaroon tayo ng utang na loob sa kanya?!
Letty: Maging Rasyunal ka naman mag-isip ngayon, Maristela. Si Erson lang ang pinakamalapit na mapagkukuhanan ngayon natin ng Bone Marrow Sample na kamatch ni Jessie.
Nessa: Oo nga, Ate.
Severino: Kung ikaw lang ang pamilya ng bata, walang problema sa desisyon mo, pero nandito kami ni Almond, kaya sasalungat kami sa desisyon mo na wag tanggapin ang donasyong Bone Marrow ni Erson.
Maristela: Kayo rin, Sir Severino, nasira ko ang buhay ninyo dahil kay Erson, gusto ba ninyong magkaroon ng utang na loob sa baboy na lalakeng iyon?
Severino: Magpapasalamat pero hindi tayo magkakaroon ng utang na loob dahil tungkulin niya bilang ama na sagipin ang anak niya.
Letty: Kung talagang mahal mo ang bata, huwag mo munang pairalin ang Pride mo.
Almond: Hindi siguro Pride, Aling Letty. Trauma, trauma sa taong iyon.
Letty: Ano't ano pa man ang dahilan, isantabi mo muna, anak. Si Jessie ang pinakamahalaga sa ngayon.
(Agad na ibinalita ni Severino kay Fresnedi ang nangyari...)
Fresnedi: Kumusta ang apo natin?
Severino: Nasa ICU siya ngayon, lumalala ang lagay niya.
Fresnedi: Diyos ko...
Severino: Ang isa pang nagpapalala ay ang anak mo.
Fresnedi: Teka, bakit anak ko ang sinisisi mo?
Severino: Pride ang pinaiiral, ayaw niyang pumayag na kay Erson manggaling ang Bone Marrow na itatransplant kay Jessie.
Fresnedi: May karapatan naman siyang gawin iyon.
Severino: At this point? Fresnedi naririnig mo ba ang sarili mo? Nakikipaglaban sa buhay niya si Jessie!
Fresnedi: I never said that I commend her for that! Ang sa akin lang ay may karapatan siyang gawin iyon bilang biktima namin siya ni Erson, pero hindi ibig sabihin noon ay tutol ako! Kaya pakiusap ko sa iyo, Severino, kumbinsihin mo siya na Bone Marrow na lamang ni Erson ang gamitin para madugtungan ang buhay ng anak niya.
Severino: Hindi makukuha sa pakiusap ang anak mo, Nedi. Kung makikita mo lamang kung gaano ang pagmamatigas niya na maging donor ulit si Erson.
Fresnedi: Ano ang gagawin ninyo? Siya ang susundin ninyo? Kumilos kayo! Kung hindi lang ako nakakulong ngayon hindi ko hahayaang si Maristela ang masunod!
Severino: Kung kinakailangang maglustay ako ng pera para lang mapayagang makalabas si Erson para makapagdonate kay Jessie, gagawin ko.
(Kinagabihan, sa piitan kung saan naroon si Erson...)
Warden: Rivera, tawag ka sa Opisina.
Erson: Ako? bakit?
Warden: Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Ika - 8 Utos
RomancePaano kung malaman mong MALI ang ginantihan mong tao? Paano kung nawasak mo ang buhay ng taong WALANG KINALAMAN sa pagkawasak ng sa iyo? Mula sa Naghatid ng mga Kwentong Umukit at Tumagos sa inyong mga Puso: AMOR PRESTADO/HIRAM NA PAG-IBIG DANIELLA ...