DISCLAIMER: This is inspired by ate Rocelyn Ordoñez series (Closure).
KINAKABAHAN kong pinihit ang doorknob ng pinto at humugot muna ng isang malalim na buntong hininga bago tumapak sa loob ng silid.
Kauuwi ko lamang dito sa Maynila at wala naman talaga akong rason para umuwi pero nakatanggap ako ng isang invitation sa e-mail ko last week saying na gusto nila akong ma-interview. Hindi nasabi sa e-mail kung anong klaseng interview pero may mabebenefit naman daw ako. Hindi naman sila mukhang scam kaya sige, tumuloy ako.
Narito ako sa loob ng isang meeting room. Dito nila 'ko sinabihang mag-hintay. Ngayon daw ia-air ang interview sa 'kin. Hindi ko nga gets kung bakit hindi artista ang kinuha nila. Pwede namang siya, sa pagkakaalala ko kasi artista siya.
"Miss Fuentes?" Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Pumasok sa loob ang isang babae na sa tingin ko ay staff din dito dahil sa suot niyang corporate attire.
"H-hi! Good morning," nahihiyang bati ko. Tipid niya akong nginitian saka niluwagan ang bukana ng pinto.
"Magsstart na, follow me."
Dali-dali akong sumunod sa kaniya at habang naglalakad sa pasilyo ay inaayos ko ang buhok ko. Mukha ngang luxurious company ito dahil sa modernong istilo ng paligid. Kung nasa k-drama ako, para akong isang normal na babae na makikipag-meet sa pinaka-kilalang CEO sa buong mundo.
"Miss, anong title pala ng segment na ito?" I curiously asked. Hindi ko alam kung tama bang nagtanong ako pero kating-kati na kasi akong malaman kung tungkol saan ito.
"Hmm, that will be answered by them," she paused then pointed at group of people fixing and arranging stuffs in front of a room with gray colored door.
This time, genuine na niya akong nginitian. Lumapit naman 'yong staff sa 'kin na babae rin at niyakap ako. I'm not good with socializing people pero niyakap ko na lang din siya pabalik.
"Omg, thank you kasi you accepted our invitation!"
"Wala 'yon, wala rin naman kasi akong ginagawa masyado so why not 'di ba?" Sagot ko.
Dumapo ang tingin ko sa katabinh pinto na ganoon din ang hitsura. Parang iisa lamang ang hitsura nito sa loob. May mga staff din sa labas gaya ng nasa tapat ng amin. May kasabay kaya ako?
"Shall we start?" Tumango ako at iginiya niya 'ko sa loob ng silid.
May isang upuan at mesa d'on, sa harap ay may mga naka-set na camera. Nasa loob din siya at sa tingin ko ay siya ang magiinterview sa 'kin. Kulay puti lang ang silid ngunit mahahalata mong mamahalin ang mga gamit.
"So yeah, Miss Fuentes, sasagot ka lang sa tanong namin and this will be personal. I think nasabi ko 'yon sa e-mail, this will be on air live kaya I hope you cooperate with us. May makukuha ka rin dito, promise," mabilis niyang paliwanag. Para naman akong kinabahan dahil sa sinasabi niyang "personal" ang pag-uusapan tapos naka live airing pa.
Umupo ako sa upuan at nag-usap usap muna silang staffs sa labas ng ilang minuto bago siya tumabi sa camera man. I think hindi siya magpapakita sa camera at tanging boses niya lang ang maririnig.
"Okay, 3, 2, 1, start," wika niya sa mahinang boses na sapat na para marinig namin ng camera man.
"Good morning everyone! So after a one week break, nandito na naman tayo para i-solve ang isang conflict mula sa past, at dito natin malalaman kung ano ang magaganap sa kanila na title mismo ng ating segment, is it 'Closure or Comeback'"
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?