"Hoy true ba? Ngayon daw magtuturo sa atin 'yong bagong prof sa Philosophy?" One of my classmates asked me. Nagkibit-balikat ako bilang sagot. Wala naman akong paki sa pag-aaral ko this year kaya hindi ko rin inaalam ang mga ganap sa school. Pumapasok ako, pero 'yong will ko para mag-aral, ewan, sumakabilang-mundo na yata."Balita ko pogi raw 'yong bago nating prof kaso strict,"
"Sus, pogi tapos babaero, hindi magtuturo. Nakapasa dito sa UST kasi gwapo, ganoon?" Pag-singit ko sa usapan nila.
Ganoon kasi karamihan ang teachers dito sa UST. Karamihan ay magaganda't gwapo at halos hindi lalagpas ng 25 ang edad. Ewan ko ba sa generation ngayon, standards ang pagiging pinagpala sa hitsura para matanggap ka sa magagandang trabaho kahit 'di required ang physical appearance.
"Ang bitter mo Chels, kahit naman babaero 'yong prof natin for sure hindi ka papatulan n'on. Eh 'di ba may a—"
"Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo isasaksak ko sa 'yo 'tong hawak ko," pananakot ko sa kaniya. Bumaba naman ang tingin niya sa tactical pen na hawak ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin bago bumalik sa totoo niyang pwesto.
One of the reasons why I don't take my studies here seriously. Hindi ako makakapag-focus. Many Thomasians—especially girls, really loves to mock at me. They will bring up my horrible past and destroy me using their words. Of course I'm affected, I'm still in trauma and I almost committed suicide because of that. Patay na siguro ako ngayon kung 'di lang ako napilit na magpa-therapy.
My classmates were chattering when a guy in his polo and pants entered the room. They went silent. Nang tingnan kong maigi kung sino ang pumasok ay para akong na-tape sa kinauupuan ko.
Sa lahat ng pwedeng makita uli, bakit siya pa?
His hazel eyes landed on mine. The man who ruined me, the man who ruined my happiness, is now my fucking professor. Anong ituturo niya? Kung paano maging manloloko?
Pakiramdam ko ay hindi niya 'ko nakilala kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Good day everyone, I'm your new prof in Philo. You can call me, Sir Kierro,"
"Punyeta girl ang hot!"
"Jowain ko kaya 'to?"
"Mine ko na si Sir, ang pogi rin ng name!"I smirked. Baka kapag nalaman nila kung ano ugali ng impaktong 'yan, isumpa lang din nila 'yan.
"So, since it's my first day here. Let's do a warm up? Who wants a one on one debate in front?"
Akma ko na sanang bubuksan ang libro ko para 'di ako mapansin ngunit may putanginang hipokritang epal na demonyo ang nagsabi ng pangalan ko.
"Sir, si Chelsea at Andrew! Parehas silang walang paki sa mundo eh!"
Sarap mangkulam. Tapos si Andrew pa ang itinuro, punyeta!
Mga taong sinira ang buhay ko.
"Hmm, okay. Ms. Lafreza and Mr. Alejo, can you please step in front? Pagbigyan niyo na ang classmates niyo." Wow, kung makapagsalita parang wala siyang ginawang kagaguhan sa 'kin one year ago. Painosente ah?
Wala akong nagawa kun'di tumayo at pumunta sa harapan. Si Andrew naman ay parang cool lang at hindi big deal na magkakaharap kaming dalawa.
"Yiee ship!" Sigaw ni Irish, siya 'yong kanina ko pa kinaiinisan, siya rin ang nagturo sa 'min. Sa sobrang inis ko hinugot ko mula sa bulsa ko 'yong tactical pen at siniguradong tatama sa kaniya. Natahimik naman ang lahat dahil sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?