Until Midnight

5.9K 82 7
                                    




-

Napatingin ako sa'yo habang iniisip kung anong gagawin ko. Kung paano kita ia-approach ng hindi napapansin ng mga chismosang spoiled brat dito sa school. Sakto kasing mag-isa ka lang at gusto talaga kitang maging kaibigan. Hindi dahil sa yamang meron ka, kundi dahil sa ugali na mayroon ka.

Nang makita ko na wala ng tao na naka-paligid sa iyo, agad akong lumapit sa'yo. Ewan ko ba, pero may ideyang pumasok sa isip ko.

"H-Hi Alex.. Iʼm Chlorayze.. Ayze for short.." nakayuko ako habang nagpapakilala sa'yo. Baka kasi tanggihan mo ako. Pero sana ay hindi dahil alam kong hindi ka ganoong tao.

Nagulat ako nang hawakan mo ang kamay ko sabay ngiti. "Hi Ayze! Don't worry I know you, saka, don't be shy! Hindi naman ako nangangagat eh. By the way, ano 'yon?" inaya mo akong umupo sa tabi mo at nang sabihin mo iyon, agad nawala ang hiya ko.

Pero hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihing gusto kitang maging kaibigan kahit isang buong araw lang. Ewan ko ba, obsessed na ata ako na maging kaibigan ka.

"Alex.. Uhm, kakapalan ko na mukha ko ha? A-ano kasi.." kumunot ang noo niya but she's still smiling. Ugh, lagi ka ba talagang nakangiti? Wala ka bang problema?

You chuckled cutely. Tangina, natotomboy ba ako o ano? Naman kasi! Straight ako jusko!

"Ano ba iyon, Ayze? Cʼmon, tell me, don't be shy!" you laughed after that. Tinignan ko ang wristwatch ko bago tumingin sa'yo, sampung minuto na lang ang natitira bago magsimula ang huling klase mo. I won't waste this chance.

Pumikit ako bago nagsalita, "Alex, pwede ba tayong mag-bestfriends challenge until midnight? I want to experience that you are my bestfriend kahit hanggang hatinggabi lang. It's fine if you don't want to." dire-diretso kong sabi dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Sure! Let's start after class. It is a pleasure, Ayze." tumatalon-talon ka pa habang pumapalakpak at hindi ko ineexpect iyon.

"S-sige.." 'yon lang ang lumabas sa bibig ko dahil napuno ng shocked reaction ang buong katawan ko.

-

Tapos na ang klase. Ibig sabihin magsisimula na tayo bilang mag-bestfriend.

Unang ginawa natin ay pumunta tayo sa mall. Namili tayo ng iba't-ibang klase ng damit, we took some selfies and posted it on our social media accounts, pati na din sa forum ng school natin. Nanood tayo ng horror movie, pagkatapos ay kumain tayo sa isang fast food chain dahil sabi mo ay hindi mo pa nata-try kumain doon.

Alas nuwebe na nang umalis tayo sa mall. Inaya mo pa nga ako sa isang amusement park dahil sabi mo ay may ipapakita ka sa akin. Nagpaalam ako kay Nanay na baka late ako makauwi dahil sabi mo ay hanggang alas dose ng hatinggabi tayo doon.

We played different games and won such nice prize gaya ng human sized teddy bear. I gave it to you as a small gift. Sumakay din tayo sa space shuttle, vikings, speed windmill, space travel, at flying UFO. Halos nagkanda-suka suka tayo parehas but still hindi tayo sumuko at tumatawa pa rin tayo.

Kumain tayo ng street foods at mga pagkaing hindi mo pa nasusubukan, siyempre, anak mayaman ka at alam kong hindi ka nila pinapayagan for your own sake.

11:00 pm nang sumakay tayo sa ferris wheel. Sabi mo ay may ipapakita ka sa akin. Noong una ay nag-alinlangan pa ako dahil wala na akong pera pero sabi mo ay sinagot mo ang lahat ng pang-rides ko, as a treat dahil ngayon mo lang naranasan ang ganito.

When we reached the top of the ferris wheel, you told me to close my eyes and open it in the count of three.

Pagkatapos mong magbilang, binuksan ko ang mata ko at bumungad sa akin ang napakagandang tanawin.

May mga puting lobong naka-korte bilang pangalan ko. May dumaan din na jet na may papel na nasa likod nito at may nakasulat na "I love you." Even though it is only part of the challenge, I appreciate it..

I felt my tears flowing through my cheeks. Napansin mo iyon kaya naman you hugged me tight and told me I love you. Eksakto noon ay ang pagtunog ng higanteng orasan na nagpapahiwatig na alas dose na at tapos na ang challenge na ito.

"Ayze, stop crying, ano ka ba? By the way, did...did you like it?"

"I didn't like it, Alex." nalukot ang mukha mo dahil doon kaya natawa ako. Hinawakan ko ang kamay mo saka nagsalita, "I love it. Thank you, Ale-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyakap mo ulit ako.

"Talaga!? It means my bestfriend will love it too! Omg!" naguluhan ako sa sinabi mo.

"H-ha?"

"Dahil nabanggit mo ang challenge na ito, I planned everything while I'm on class. And I decided to try it on you then kapag nagustuhan mo, I'll use this on my bestfriend's birthday. Thank you, Ayze."

Doon tumulo ng tuloy tuloy ang luha ko dahil sa sakit na naramdaman ko.

I didn't thought that my happiness will last until midnight.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon