DISCLAIMER: Work of fiction with a slight touch of reality.——
"Jass, ano na balak mo sa buhay? Tatlong taon ka nang single, balak mo bang tumandang dalaga?"
My brows arched at my friend, Ela. Kasalukuyan kaming nakatambay sa Starbucks dito sa Intramuros dahil free time ng barkada. At ito, pinepeste niya 'ko dahil ilang taon na akong single. Hindi naman nakakamatay kahit wala akong boyfriend 'di ba?
"Hindi naman ako mamamatay kahit wala akong jowa, eh. Sakit lang naman sa ulo 'yan," I reasoned out. Iyan naman ang lagi kong sinasabi sa tuwing iniintriga niya ako kung bakit wala akong jowa.
"Hindi mo sure 'no, malay mo naman matinong lalaki na mahanap mo ngayon," pagpipilit niya.
I fixed my eyeglasses before looking at her then smiled.
"Pare-parehas lang lahat ng lalaki. At first, they will give you butterflies, but as the time goes by, they will give you heartaches and traumas that you will forever remember in your life,"
"Okay, hindi na ho papalag. Let's just finish our food tapos uwi na tayo, it's getting late." Tumango ako bilang pagsang-ayon.
It may sound bitter, pero totoo naman. Actually, I only dated two guys. My first love and the guy who just gave me another traumatic experience in love. Ganoon sila 'no? They will say that they will not let you suffer again just like what you have experienced in your past, but sooner or later, they're just another piece of shit that will increase your traumas.
Pagkatapos naming kumain ay nagpart-ways kami dahil malayo kami sa isa't-isa. Taguig siya, Pampanga ako, tapos nakarating ako Intra 'di ba? Supposed to be meet up kasi ngayon ng SE, SE is our squad in ML and they're also my internet friends. Kaso ito nga, may sari-sarili silang emergency today kaya dalawa na lang kami ni Ela.
Pag-uwi ko sa bahay ay almost 9 pm na, kaya nagpahinga ako saglit tapos ay naligo. Since busog naman ako ay rekta kong ginawa ang projects na kailangan pang tapusin. Pagkatapos naman ay nag-online ako at napangiti ako nang makitang nag-iingay uli sila sa group chat. Mga bampira talaga 'to eh, tuwing gabi sila nag-iingay.
Naki-blend in lang ako saglit dahil maaga akong matutulog. Pero bago pa man ako makapag-off ay chinat ako ni Ela. Ito talaga 'tong babaeng 'to eh.
Since tinatamad ako makipag-chat, tinawagan ko na lang siya.
"Jassyyy!" Bahagya kong inilayo sa tainga ko ang speaker ng phone ko dahil sa tili niya. Maninira pa yata siya ng eardrums.
"Bakit?"
"Add mo sa fb si Larenz Serrano," pag-uutos niya na naging dahila ng pag-kunot ng noo ko.
"Ha? Larenz? Sino 'yan? Bakit ko ia-add?" Sunod-sunod kong tanong.
"Basta i-add mo na lang dali, sabi ni Francis."
Napairap ako. Ano na namang mayroon at pinupuntirya ako ng dalawang ito?
Para matahimik si Ela, I searched the guy's name then stalked him before adding him. He has a huge number of followers, baka naman gawin lang ako nito na isa sa followers niya? Kasi kung ganoon magacacancel talaga 'ko ng friend request.
"Na-add ko na, sino ba 'to?"
"Bunso yata nila Francis si Larenz, ano, inaccept ka ba? Chinat ka?"
"Hindi, he did not accept my friend request."
"Baka busy, wait mo lang ha?"
"El—"
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?