Closure o Comeback? (FINALE)

72 8 0
                                    

Disclaimer: This is inspired by ate Rocelyn Ordoñez's TikTok series (Closure)

BINIGYAN ng dalawang piring ng mga staff si Natalie at Alistair. Nanlalamig ang kamay ni Natalie dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya. Parang gusto na lang niyang mag-back out, mag-impake ng gamit niya, at bumalik sa probinsiya. Alam niya kasi sa sarili niyang hindi pa siya handang haraping muli ang lalaking minsang pinasaya siya noon.

Si Ali naman ay nakakaramdam din ng kaba ngunit hindi niya hinahayaang mahalata 'yon ng nasa paligid nila. Ayaw niyang ipakitang apektado pa rin siya kahit ilang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari 'yon.

Pumasok sila sa isang silid na may kulay pulang pinto na mas kilala sa pangalang "Reincarnation". Tinawag nila itong Reincarnation sa kadahilanang tuwing may dalawang tao silang pagtatagpuing muli o pag-aayusin, paglabas nila mula sa silid na ito ay pawang ibang mga tao na sila. 'Yong tipong pagpasok nila doon ay hindi sila makapag-usap at madadama ang tensyon, ngunit pag-lipas ng ilang oras ng pag-uusap ay parang ilang taon na nilang naayos ang mga problema nila.


Pero sa kaso ni Alistair at Natalie? Duda ang magkapatid na sina Rizy at Razel sa maaaring mangyari sa dalawa. Hindi nila masabi na pwede silang magkaayos, dahil wala rin silang alam kung bakit naghiwalay ang dalawa. Si Abigail at Natalia lamang ang nag-padala sa kanila ng e-mail para pag-ayusin ang mga kapatid nila.

Abigail Hidalgo is Alistair's younger sister. Halos kapatid na rin ang turing ni Natalie dito lalo na noong sila pa. Mas mukhang kapatid pa nga ni Natalie si Abigail dahil hindi naman nakakasama ni Natalie ang kapatid niyang si Natalia Fuentes dahil ito'y namamalagi sa bansang France sa kadahilanang ito'y doon nagtatrabaho.  Nang umuwi si Natalia ay agad siyang kinausap ni Abi para mapag-ayos ang mga kapatid nila.

They found out that they broke up because of a reason na hindi sinabi sa kanila sa kadahilanang masyado raw pribado ito. Kahit ganoon ay gusto pa rin nilang magbalikan ang mga kapatid nila kaya nakarating sila dito.

Abigail and Natalia are watching from a seperate room. Dito nanonood ang taong nagbibigay daan sa management upang magkaroon sila ng maipapalabas.


"Tanggalin niyo ang blindfold na suot ninyo kapag narinig niyo na ang pagsara ng pinto, okay?" Bilin ni Razel sa dalawa. Marahan naman silang tumango at ilang sandali lang ang lumipas ay lumabas na ang dalawang staff saka isinara ang pinto.

Kinakabahan si Natalie kaya hindi niya agad tinanggal ang piring niya. Nauna si Ali kahit tahip-tahip ang kaba sa kaniyang dibdib. Nang mga oras na iyon ay nasa ere na uli ang palabas at kitang-kita on live ang nangyayari sa loob.

When he stared at Natalie, naramdaman niyang muli ang naramdaman niya years ago when they first met each other, when the first time that his eyes landed on her.

At alam niyang ang pakiramdam na 'yon ay makasasama sa kaniya.

Tinanggal ni Natalie ang piring niya. Bago pa man niya tuluyang maibaba ito sa kaniyang kandungan ay napako na ang mga mata niya sa lalaking nasa harapan niya.

"K-Kaze" kusang lumabas ang salitang 'yon mula sa kaniyang labi.

"Long time no see, Nat," napangiti si Natalie nang marinig niyang tinawag siyang muli ni Ali sa palayaw na ginawa nito para sa kaniya.

"I-I didn't expect na makita ka dito.."

"I was your first and last boyfriend—fiancé rather. P'ano namang nangyari na hindi mo ako inaasahang makita dito?" Natatawang saad ni Ali.

"I mean...uhm, h-hindi ko inakalang tatanggapin mo 'yong invitation nila sa 'yo...You're not that kind of person kasi na a-attend sa ganito.."

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon