Uno with a Twist

2K 67 5
                                    





"Guys, laro tayo Uno!" napalingon kaming mga natitirang estudyante kay Jaze, ang escort namin na sobrang adik sa Uno. Every break time namin, naglalaro kami no'n para iwas boredom.

"Uno na naman, Jaze? Wala bang iba?" bored na sagot ni Leah sa kanya, ang muse and at the same time ex-girlfriend ni Jaze. Hindi ko nga alam kung break na ba talaga sila o pinapalabas lang nila na hiwalay na sila para hindi magkaaway si Leah at ang bestfriend niya.

Ngumisi si Jaze sa kanya, "Let's play Uno with a twist. Bago ko i-explain ang mechanics, sino muna ang sasali?" nagtaas ako ng kamay, may twist pala eh. Minsan lang magkaroon ng twist ang paglalaro namin, sulitin na.

Tinignan ko ang mga taong naiwan sa room namin, saktong pito kami. At tumigil ang mga mata ko nang makita ko si Chase na nakadukdok sa table niya habang may earphones na nakasalpak sa magkabilang tainga niya.

Chase Fernandez is my long time crush. Hindi niya alam 'yon dahil hindi naman ako pakarat at papansing babae, isa pa, hindi naman kami nag-uusap. Siya kasi 'yong tipo ng lalaking mas iintindihin pang mag-aral oras oras kaysa makipag-kaibigan at makipag-usap kunh kani-kanino.

"Gail, Chase, sali kayo?" tanong ni Bea sa kanilang dalawa, siya ang bestfriend ni Leah na sinasabi ko kanina. At si Gail? Siya ang rumored girlfriend ni Chase dahil may nakakita daw sa kanilang magkasama. Wala namang nagbibigay sa kanila ng statement about do'n. Pero 'te, nakakaselos ha, kahit walang kami, siyempre crush ko 'yan eh!

Tumango si Gail samantalang si Chase ay napatayo at tinanggal ang earphones niya saka lumapit sa amin at tumabi kay Jaze.

Ikinagulat naming lahat 'yon dahil hindi naman talaga kami kinakausap ni Chase. Hindi rin siya mahilig sa mga ganitong kalokohan. Anong sumapi dito?

Ngumisi ulit si Jaze na parang asong ulol, tss. Akala niya ba ikinagwapo niya 'yon!?

"So guys, this is the mechanics. This time, original Uno cards ang gagamitin natin, may tatlong magic cards dito, those are the cards na walang drawing, ikaw mismo ang gagawa ng utos. Pero ngayon, 'yong utos na gagawin natin ay hindi related sa Uno. You can dare everyone kahit ano, basta may card ka no'n. Pwede mong ilapag 'yon kapag may nag-plus sa'yo pero wala kang plus card. Then kapag hindi ginawa no'ng taong dinare mo 'yong dare mo sa kanya, you will give your cards to that person and you will be out of the game kasi isa ka sa mga panalo. Game?" mahabang eksplanasyon niya. I kinda like his idea. Minsan pala may dulot din si Jaze, baka dahil dito, mai-dare ko pa si Chase tapos aamin siya sa'kin, omo kinikilig akooo!

Nagsimula ang laro. Sinilip kong muli ang cards ko, may tatlo akong green, isang red, dalawang yellow, at...

ANG MAGIC CARD.

Sumasang-ayon ata si tadhana sa akin ngayon, waaaaa! Pero kinakabahan pa rin ako, paano kapag hindi naman pala ako 'yong lalapitan niya sa magiging dare ko sa kanya? Edi nagmukha akong tanga.

Umiling-iling ako at dumapo ang tingin ko kay Liam na nakangisi at hawak na niya ang card na ititira niya. Halos manlaki ang mata ko dahil +2 na card iyon, holy shems, wala akong plus card! Plus the fact na siya pa ang katabi ko. I mouthed "Fuck you" to him and he just laughed. Liam is one of my close friends, at alam niya rin na may gusto ako kay Chase, at for sure, nasilip niya ang cards ko.

I don't have any choice kaya inilapag ko ang magic card kasabay no'n ang malalakas na tilian nila-except Gail and Chase. Lahat sila alam ata na gusto ko si Chase, siyempre maliban doon sa dalawa.

"Nice one, Trisha, so sino ang ida-dare mo?" Jaze asked. Tinignan naman ako ni Leah na para bang sinasabi na chance ko na 'to. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko di'ba?

"I want to dare you," sabay lingon ko kay Chase, "Chase." napa "ohhh" silang lahat, siguro na-realize nila na sobrang tapang ko.

He smirked, "Okay, go on." I sighed deeply, "I dare you to confess to your lovd one's right now. Sit beside her and hold her hand." dire-diretso kong sabi nang hindi nauutal. God, kinakabahan akooo!

Hindi siya sumagot pero tumayo siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa......

AKIN!! Ngumiti siya kaya naman nagtilian silang lahat. Omg! I'm liking this Uno with a twist game na pauso ni Jaze! Tangina, p're, instant lovelife!

"Trisha, can I exchange seats with you?" I froze. Anong ibig niyang sabihin? "Huh?"

"I'll sit beside Gail. I love her so much. Thank you for daring me. I've got the chance." ngumiti siya ng totoo at sa sinabi niyang iyon?

Nadurog bigla ako. Tumayo na lang ako kahit hinang-hina ako dahil umasa ako. Ewan ko ba, naapektuhan ako ng sobra. Ngumiti ako kahit hinang-hina ang tuhod ko. Buti na lamang at hawak ni Liam ang balikat ko bilang pag-suporta.

Fuck, I will never ever play Uno again, lalo na 'yong may twist. Kasi napakasakit pala, sobra. Kaya 'wag kang aasa por que nagpahiwatig siya, malay mo 'yong katabi mo pala ang gusto niya, pinapaalis ka lang niya.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon