Karagatan (POETRY)

537 40 0
                                    

DISCLAIMER: GUYS, BAWAL PO ITONG GAMITIN WITHOUT MY CONSENT, OKAY? IF YOU WANT TO USE THIS, DM ME IN MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS (SEE MY BIO) THANK YOU!



Karagatan, isang malaking sakop ng katubigan,
Ito'y pinagkukunan ng karamihan sa ating yaman,
Halamang dagat, lamang dagat, korales, at perlas,
Mga kayamanang unti-unti nang nagkakaroon ng wakas.

Karagatan na nagsisilbing languyan ng karamihan,
Hampas ng alon na masarap pakinggan,
Sa bawat buhanggin na natatapakan,
Unti-unting papasok sa ating isipan,
Ganda ng karagatan ay malapit nang mawakasan.

Nakikita mo ba ang karagatan?
Na sinira ng sangkatauhan,
Mga hayop na wala ng matirhan,
Dahil ang dating magandang karagatan ay naging tambakan ng basurahan.

Nakikita mo ba ang resulta ng ating basura sa ating karagatan?
Ni sanhi ng pagkamatay nila, tao na rin ang may kagagawan,
Dahil sa mga basurang nakakalat sa buong karagatan.
Kailan pa ba ito masosolusyunan?
Kapag patay na ang lahat ng hayop na sa karagatan naninirahan?

Mga korales na magandang tingnan sa kailaliman,
Unti-unting nababasag at nasisira,
Sanhi ng mga basurang iniwan natin sa karagatan,
At sa ating kapabayaan na ito'y alagaan.

Perlas na dati'y iniingatan,
Ngayon ay unti-unting nagkakawalaan,
Dahil sa kasakiman ng sangkatauhan,
Pati yaman ng karagatan,
Ninanakaw para sa sariling kapakanan.

Hihintayin pa ba natin na ito'y tuluyang masira?
Na ito'y tuluyang mawala?
Tingnan natin ang ganda ng kapaligiran,
Huwag natin itong hayaang masira dahil sa ating kapabayaan,
Alagaan natin ang ibinigay ng Inang Kalikasan,
At huwag nating hintayin na bawiin niya ang kaniyang biyayang kagandahan.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon