Stolen Groom

27 6 0
                                    



Enjoy! <33

——


"You need to hurry, Blaire!" Pagmamadali sa 'kin ng kaibigan kong si Esther. Sinenyasan ko naman siyang manahimik dahil hindi pa ako tapos ayusan.

"Don't shh me, kailangan na nating bilisan! You'll be late," pagdagdag niya pa sabay tingin sa kaniyang relos.

"Calm down, Esther. Hindi pa nga tapos ang hair and make-up ko oh," saad ko sabay turo sa buhok kong may hair rollers pa. Patapos pa lang kasi ang make-up ko kaya hindi muna tinatanggal ang rollers sa buhok ko para masiguradong magiging curly talaga ang kalalabasan.

"Ugh, Miss, can you hurry up?" May halong pagka-irita na ang tono niya. Tumango naman ang nag-aayos sa 'kin kaya napairap ako.

"Esther, you're being bossy. This is my day, okay? Kumalma ka nga! You're pissing me off." I hissed. Kanina pa siya nagpapanic at naiintindihan ko naman 'yon pero gusto ko rin namang magmukhang maganda at maayos sa kasal ko 'no!

"Whatever. I'll come back after 15 minutes," aniya bago lumabas ng silid. I apologetically looked at my make-up artists and she just smiled. Hay nako, maaga talagang tatanda ang Esther na 'yon!

And yes, today is my big day! Ikakasal na 'ko sa lalaking pinakamamahal ko. 2 weeks ago pa dapat kami kinasal pero may mga aberyang nangyari kaya ngayon lang naituloy. Halos hindi na nga ako nakatulog dahil sa sobrang excitement eh. Who wouldn't be excited on her wedding, right?

Kaya sobrang aga pa lang ay nagsimula na kaagad akong magpa-ayos. Maganda naman ako araw-araw pero I want to be extra beautiful today dahil espesyal ang araw na 'to. Nangulila pa nga 'ko sa mapapangasawa ko dahil matagal ko rin siyang hindi nakausap at nakita. Hindi ko na alam kung ilang beses ako nag-tantrum kay Esther na makita si Klein pero ayaw niya 'kong payagan.

Liza—my hairstylist—started to remove the curlers from my hair. Napangiti ako dahil ang ganda ng kinalabasan ng ilang oras na pagkakababad ng buhok ko sa rollers. Idagdag pa ang maayos na pagkaka-blend ng make-up sa mukha ko.

Oh God, I look so different today. Sana ganito na lang hitsura ko araw-araw para hindi magsawa si Klein.

Nang matapos si Liza ay iminwestra na niya ako sa changing room. Omg, this is my favorite part!

"Ma'am, wear your wedding gown na po." Ani nito saka itinuro ang wedding gown na nakasuot sa mannequin. Ipinagawa ko pa sa isang sikat na fashion designer and believe me, sa presyo pa lang muntik na 'ko mamatay!

It's a white serpentine bridal gown with scalloped train. Actually, black dapat ito pero well, KJ sila at kailangan naming sundin na dapat puti ang suot ko lalo na't sa simbahan ito gaganapin. I wanted it to be a beach wedding pero dahil wala na sa budget, hinayaan ko na rin na maging church wedding. Kahit hindi ako naniniwala sa Diyos ay inisip ko na lang na ito ang traditional way ng pag-iisang dibdib ng dalawang magkasintahan.

I can't help but smile when I saw my full body figure in the full-length body mirror. My hair and make-up blended well with my gown. Hapit na hapit din ang gown sa katawan ko kaya kitang-kita ang pigura ng katawan ko. Hindi rin ito masikip, hindi rin maluwag. It perfectly fits my body.

Inabot naman ni Liza sa 'kin ang flower bouquet na ako mismo ang nag-assemble. It's an artificial flower bouquet which is white peonies. Mas gusto ko sana kung tulips dahil 'yon ang favorite flower ko, pero naalala ko na n'ong nililigawan pa lang ako ni Klein ay white peonies ang unang bulaklak na ibinigay niya sa akin. I know na he'll be happy knowing na kahit small details tungkol sa amin ay naalala ko pa kahit limang taon na simula noong niligawan niya ako.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon