👩: Klare, umuwi ka na gabi na.
👧: Bakit kita susundin? Nanay ba kita?——
👩: Klare, heto ang baon mo. Pasensya na iyan lang ang maibibigay ko sa'yo, gipit pa kasi si ate eh.
👧: Akala ko ba nagtatrabaho ka? Sa tingin mo ba may mabibili ako dito sa twenty pesos na binigay mo!?! Wala kang kwenta!!——
👧: Kestia! Pahingi akong pera! Tutal 'yun lang din naman silbi mo dito!
👩: Klare... Pasensya na... Wala akong maibibigay sa'yo ngayon..
👧: Wala ka talagang silbi kahit kailan!——
👧: Hoy! Pahingi akong pera! Kailangan kong bilhan ng regalo iyong boyfriend ko!
👩: B-boyfriend? May boyfriend ka na? Di'ba sinabi ni nanay na mag aral ka! Hindi lumandi!
👧: Eh hindi ka naman si nanay, at wag mo akong tawaging malandi dahil mas haliparot ka pa kaysa sa'kin! Psh!
👩: /sinampal/, wala kang modo!
👧: Talaga, hindi ka naman ka respe respeto.——
👧: Birthday ko na bukas. Gusto ko ng engrandeng party at gusto ko ng iPhone X. Kung hindi mo kayang ibigay, ayokong makikita ka na dito sa bahay na 'to!
👩: Sige... Bukas na bukas din matutupad iyan...
Ngayon ang ika 18th birthday ko, nagulat ako dahil natupad ang pangarap ko. Akalain niyo yun? Nabigyan ako ng engrandeng party ng walang silbi kong ate at sobrang ganda pa ng suot kong gown. Binilhan din niya ako ng iPhone X na matagal ko nang gusto.
10 pm nang matapos ang party, hindi ako pinainom ng boyfriend ko dahil may ibibigay pa daw siya sa akin na regalo rin daw ng ate ko. Tss. Naisipan niya pang triplehin ang regalo niya? Siguro nag asawa yon ng Arabo kaya't naibigay ang gusto ko.
Pero nakakapagtaka dahil ni anino niya hindi ko nakita ngayong araw. 'Di bale, at least masaya ako.
🧒: Klare, tara sa loob ng bahay niyo. Ibibigay ko na sa'yo.
Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya niya ako papasok sa loob ng bahay namin. Laking gulat ko nanh makitang puro bago ang mga gamit doon. Bagong sofa, at nagkaroon din ng refrigerator at flat screen TV. Pumasok din ako sa kwarto ko at nakitang maayos at organisado ang mga gamit ko. Ang kama ko noon na matigas ay sobrang lambot na. Anong nangyari ngayong araw?
May ibinigay na sobre sa akin si Gino na agad kong binuksan.
To my dearest sister,
KlareHi Klare! Happy birthday sa 'yo, siguro kapag nabasa mo ito, wala na ako. Una, gusto kong mag-sorry dahil hindi ko nabibili o nasusunod ang mga gusto mo. Wala eh, wala akong permanenteng trabaho. Lalong hindi rin ako perpektong ate. Pasensya na Klare, pasensya kung nasampal kita noon. Inaalala lang naman kita, paano kapag niloko ka niyan? Ayokong masaktan ka, pero nasampal kita hahahaha.
Alagaan mo ang sarili mo ha? Mahal na mahal kita kahit hindi mo nararamdaman sa akin 'yon bilang kapatid mo.
Alam mo ba ang trabaho ko? Isa akong prostitute sa bar, ilang linggo akong naging prostitute dahil alam kong hihiling ka sa akin para sa kaarawan mo. Kaya heto, kaysa mag-asawa ako ng laspag ako, pinatay ko na rin ang sarili ko, at ginawa ko rin ito baka kung sakaling wala na ako, magiging masaya ang kaisa-isang kapatid ko.
Lagi mo akong ipagdarasal Klare ha? Kahit alam kong hindi mo magagawa... Sana kahit isang beses marinig ko ang mga katagang "Mahal kita, Ate" mula sa 'yo. Sana mayakap kita kapag nasabi mo iyon, kahit kaluluwa na lamang ako.
Hindi na ako magdadrama, dahil alam kong hindi mo rin mababasa, hindi ko na pahahabain ito, basta alagaan mo ang sarili mo kahit mag-isa ka na lang, ha? Sorry dahil iniwan ka kaagad ni ate, pero palagi kitang babantayan. Mahal na mahal kita, Klare.
— Kestia
Itiniklop ko ang papel at hindi ko namalayang rumaragasa na pala ang luha mula sa aking mga mata. Niyakap ako ng mahigpit ni Gino, ate... Bakit? Bakit mo ako iniwan? Alam kong marami akong kasalanan.. Pero ate hindi mo ako kailangang iwanan... Sorry ate... Sorry... Mahal na mahal din kita...
Kumawala ako sa yakap ni Gino at tumakbo papunta sa kwarto ko. Desidido na ako.
Kinuha ko ang blade na laging nakatago sa ilalim ng unan ko at walang pagaalinlangang nilaslas ang pulsohan ko.
Kung ito ang solusyon para makasama kita sa kabilang buhay at makabawi sa'yo, gagawin ko. Mahal na mahal kita, ate. Patawad.
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?