Plagiarism

1.4K 65 3
                                    




Napangiti ako ng ulanin ng positive and honest feedbacks ang bago kong one shot story na pinamagatan kong 'Fame.' Tungkol ito sa isang lalaking author na famous pero dahil sa isang hater, nawala lahat ng readers niya dahil sa isang pagsisinungaling na kanyang ginawa-all of those stories na pinost niya ay hindi niya akda. Plagiarism nga, kumbaga.


I replied to my reader's comments, though hindi naman ako sikat na manunulat ay kahit papaano may nakaka-appreciate at bumabasa sa mga akda ko. After that, I turned off my phone. Alas-onse na rin ng gabi at medyo masakit na ang mata ko dahil kanina pa ako nakababad sa cellphone. Inilagay ko ang cellphone ko at ang aking salamin sa mata sa bedside table. Pinatay ko ang ilaw at ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako ng mahimbing.

-


Kinabukasan, nagising ako sa sobrang ingay na pagtunog ng phone ko. Kinusot ko ang mata ko at saglit na sumandal sa headboard ng kama dahil medyo masakit ang ulo ko, nang makaramdam ako ng ginhawa ay kinuha ko ang glasses ko at phone ko. Inulan ako ng mga chats at message requests. Pero bago mo i-open ang mga iyon ay tinignan ko muna ang settings sa phone ko, I didn't turn off my wifi connection at hindi rin naka-mute kaya pala ang ingay.


I opened the message requests and it did shocked me. Natulog lang ako, anong gulo ito? They are all saying na magnanakaw ako ng akda. Anong sinasabi nila? God, I didn't expect na sisikat ako because of hate. I'm not interacting with othet writers, kahit pa friend ko sila, ni hindi ko nga sila iniistalk. How come na naging magnanakaw ako?


I asked one of them, kung kanino ako nahinto, tinanong ko siya kung ano ang sinasabi nila. Then she sent me a screenshot. I saw Lucas Valley, one of the famous writers in Facebook, posted my work that I uploaded last night. What the heck? Hindi ba sila tumitingin sa oras kung ano ang diperensiya ng oras ng post naming dalawa? Kapag sikat ba, siya na kakampihan ng lahat?


I replied, "Miss, tignan mo 'yong difference no'ng time. Ako ang naunang mag-post niyan. Akin iyang akda na 'yan. You can ask my family if you want." napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kaunting pag-kirot nito.


"Pwede ma-edit 'yon! Delete that missy, or else we will report your account!" damn. What the hell is this? Bakit ganito ang mga readers and supporters ng taong iyon?!


Hindi ko na siya ni-replyan pa at agad akong nag-send ng message kay Lucas. He is a good writer, I admit, so why is he plagiarizing my work? Ayos lang naman sa akin na irepost niya, basta nandoon 'yong pangalan ko. Pero wala, he claimed it as his work.


-; Mister Lucas? Can we talk about your the story you've posted? I'm sorry but you plagiarized my work. It is mine. Please delete it asap.

-; Sa akin 'yon. Kinalimutan mo na kaagad ang pagkakaibigan natin, Ayze. I wrote this story, but after natinh magkalayo, you didn't give the copy to me.

-; You're a liar mister. Hindi nga kita kilala. Give me a proof that it is yours. Oh, and btw, I know your secret mister. Delete that or else I will tell to your readers your darkest secret, na ganito pala ang iniidolo nilang manunulat. Hm?


Napailing na lang ako. I stalked him, at lahat ng story na pinost niya ay hindi sa kanya. Lahat 'yon ay galing sa mga hindi kilalang manunulat. And yes, ayoko sa lahat ay may natatapakang tao, I'm willing to reveal his secret kapag hindi niya itinama ang pagkakamali niya.


-; Darkest secret? You're kidding me.

-; I'm not. All of your works are from those writers that isn't famous or isn't known. Masyado silang natakot na bawiin ang kanilang akda dahil sa masyado kang maraming mababangis at immature na fans. I have proofs, mister Lucas.

- Sorry, that's my work. Not theirs, not yours.


He blocked me after that. Naiiyak na ako pero pilit kong pinost ang mga pruwebang nakita't isinend sa akin. Inulan iyon ng puro pambabash ng mga fans niya. Wala na, sirang sira na ako.


Ganito ba talaga kapag sikat ka? Kahit nagnakaw ka ng akda ng iba, ipipilit pa rin ng mga taong sumusuporta sa'yo na iyo 'yon kahit hindi?


PLAGIARISM WON'T WORK FOR KNOWN WRITERS BECAUSE OF THEIR SUPPORTERS.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon