"Pakopya ako sa drafting, Ky." nakangisi kong saad sa aking kaibigan na si Kyla. Lutang ang isip ko kagabi kaya hindi ko nagawa nang maayos ang last plate namin for the second quarter. Gabi na ako nagising kagabi at napaka-weird ng panaginip ko kaya hindi na ako nakatulog pa.Itinuro niya ang bag niya pero nasa cellphone pa rin ang tingin. Tss, edi siya na may jowa!
Kinukuha ko ang plate niya sa kaniyang bag nang bigla kong maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko sa aking bulsa. Sino na naman kaya 'to?
Tuluyan ko munang kinuha ang plate niya saka sinara ang kanyang bag. Pagkatapos ay umupo ako sa aking upuan at kinuha ang phone ko. One new text message? Unknown number pa. The heck, wala naman akong ibang pinagbibigyan ng number ko.
Viniew ko ito at halos masuka ako sa salitang sinend niya saʼkin.
From: +6396328.....
Youʼre beautiful, lady, inside and out, cheer up, I love you so much.
Damn. Sa tingin niya ba napapaniwala ako sa mga salitang hindi naman napapatunayan? Ilang lalaki na ang naririnig kong nagsasabi ng ganito sa mga kasintahan nila pero sa huli ay iniiwan din naman nila. Hindi marunong makuntento. Isang tao rin ang nagsabi saʼkin nito, minahal ko siya ng buo, napahulog niya ako sa mga salita niya, pero ang hindi ko inakala, iiwan din niya pala ako. Fuck those flowery words.
I blocked his number and put my phone back in my pocket. Wala akong oras para makipag-lokohan, mas pipiliin ko pang sayangin ang oras ko sa pag-aaral kaysa sayangin ang oras sa paniniwala sa taong hindi ko naman kilala.
Inilabas ko ang mechanical pencil, ruler, at tech pen ko saka tinapos ang plate ko.
—
Finally, uwian na din. Nasa gate ako ng school namin dahil hinihintay ko ang mga kasabay kong umuwi, halos ang iba sa kanila ay iba ng strand kaya naman kailangan ko pa silang hintayin.
Plus, umuulan pa. Wala akong masisilungan at wala din akong dalang payong ngayon. Nakinig ako ng balita, sabi mainit daw ang panahon ngayon hanggang gabi, pero biruin niyo, fake news lang pala bwisit!
Umupo ako sa isa sa mga upuan sa waiting shed at kinuha ang phone ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang napaka-raming messages mula sa isa pang unknown number. Simula kasi kanina noong binlock ko 'yong isa, hindi ko na inopen pa ang phone ko.
I opened it and saw 25 messages from....
The unknown number earlier? 'Yong nagtetext sa akin kanina na ang ganda ko daw tapos may pa-lady lady pa? Ampochi!? Ang yaman naman nito sa sim card!
Why did you block my previous number?
Tss, I'm watching you.
I know that you hate flowery words, but I promise, when the right time comes, I will introduce myself to you.
Baby.
Damn, are you that mad?
Don't block my number here, please.
Napa-iling na lang ako. Eh kung nagpapakilala na siya ngayon baka kausapin ko pa siya eh. Kaso hindi, he keeps sending messages showing that he 'loves' me. Pero sa tingin niya ba uubra ako sa kaniya? And how dare he call me baby? Hello!? 15 years old na ako, senior high na nga, tapos baby?!
Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang bag ko nang makita ko na nag-uwian na ang strand ng Cookery. Napahinga ako nang maluwag at hinintay na makalapit sila.
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?